"N-naiisip niya ba ako k-kapag nakikita niya ang anak niya? Naiisip niya ba ang unang pamilyang iniwan niya? Ang s-sakit-sakit parin bakit ganon?" umiiyak na sabi ko habang yakap-yakap ni Señorito Marcus.
"M-minsan ba naitanong n-niya sa s-sarili niya na, k-kamusta na a-ang unang a-anak niya?"
Ilang minuto pa akong umiyak sa dibdib niya bago dahan-dahang humiwalay sa kaniya mga yakap at tumingin sa kaniya na may mga luha sa mga mata.
"A-ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ko.
Basang-basa na kaming dalawa dahil sa malakas na ulan pero hindi namin 'yon iniinda.
"Nakita kita kaninang sumakay ka ng taxi kaya sinundan kita."
Suminghot-singhot ako dahil may bumabara na sa ilong ko.
"Let's go, baka magkasakit ka pa." sabi niya at hinawakan ang kamay ko, napatingin naman ako ro'n.
Nagpatianod lang ako sa kaniya, hindi malayo sa amin ang kotse niya kaya narating namin kaagad 'yon. Binuksan niya ang pintuan para sa akin at pumasok na ako ro'n. Umikot naman siya at pumunta sa pwesto niya.
Nung makaupo na siya ay may kinuha siya sa backseat na tuwalya.
Binigay niya iton sa akin.
"Paano ka?" tanong ko.
"Okay lang ako."
"Pasensya kana sa a-abala." nahihiyang sabi ko.
"Kahit kailan hindi ka magiging abala sa akin Vira." seryosong sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya.
Pero kaagad akong umiwas ng tingin.
Pinaandar niya ang sasakyan at muli akong tumingin sa bahay nila Tatay bago bumuntong hininga.
Kahit sinasaktan mo ang damdamin ko, miss na miss parin kita....Tatay.
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe ni isa walang nagsalita na ipinagsalamat ko. Wala akong lakas para magsalita ngayon.
Kita kong umilaw ang cellphone niya hudyat na may tumawag dito, kinuha naman niya iyon at sinagot.
"Tricko bakit?" bungad niya nung masagot ang tawag. "Madisson?" napatingon ako sa kaniya at ganon rin siya pero sandali lang iyon. "Bakit kay Tricko gamit mo?" taning niya maya-maya lang ay lumingon ulit siya sa akin at nilahad ang cellphone sa akin.
"Kakausasin ka raw ni Madi."
Kinuha ko ang cellphone at nilagay sa tenga ko.
"H-hello?"
"Huy babae ka! nasaan ka? bakit kasama mo si kuya? tinatawagan kita tapos malalaman kong nandito pala ang bag mo. Huy Vira kanina kapa! lagi ka nalang nawawala." nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Madi sa kabilang linya.
"Paliwanag ko nalang sa'yo pag nagkita tayo Madi." madami pa siyang sinabi sa akin bago pinatay ang tawag.
Gabi na nung hinatid ako ni Señorito sa amin.
"Maraming salamat po Señorito."
"Give yourself time to rest Vira and don't think about what happened earlier." bilin niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya.
" Sa susunod hindi yung pekeng ngiti ang gusto kong makita sa mga labi mo Vira, gusto ko 'yung totoong ngiti mo." seryosong sabi niya.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Pumasok ka na."
"S-salamat."
BINABASA MO ANG
Taming The Señorito
Novela JuvenilC O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022