Kabanata 24

2.2K 73 13
                                    

Naalimpungatan ako nang may narinig na nagsasalita sa gilid ko. Dahan-dahan akong dumilat at tumambad sa akin ang puting kisame.

Nasaan ako?

Napatingin ako sa gilid ko at nakita roon si Marcus na may kausap sa telepono.

"Yes, Ma. Uuwi ako."

"She's okay." Sabi pa niya sa kabilang linya.

"Yes, Ma."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Kita ko ang pagbuntong hininga niya bago dahan-dahang ibinaba ang telepono. Nung bumaling siya sa akin ay nagulat pa siya nung makitang nakatitig ako sa kaniya bago lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" Nag-aalalang tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Inilalayan niya naman akong umupo sa kama na parang isang babasaging baso at pinasandal sa headboard.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Bakit ako nandito?" Mahinang tanong ko.

"You lost consciousness."

Humigpit ang hawak ko sa kumot ko nang marinig ang sinabi niya.

"Thankfully, our....our child is safe. Vira." Paos niyang sabi na ikinagulat ko.

Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Our child?

"A—ano ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ko.

"You're two weeks p—pregnant Vira, and I don't know what to do if...i—f something happens to the both of you." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Napahawak naman ako sa tiyan ko.

I—im pregnant?

Pumatak ang luha ko sa isang mata, naramdaman ko naman ang pagpahid ni Marcus roon.

"S—sila T—tita?" Nahihirapan kong tanong sa kaniya, nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya nung marinig ang tanong ko.

"They are already in jail Vira, at hindi ko hahayaang makakalabas pa sila roon." Mariin niyang sambit.

Mahigpit akong niyakap ni Marcus nung magsimula na akong humikbi.

"A—akala ko pamilya ang t—turing nila sa...sa a—kin, pero b—bakit? Bakit niya ako h—hinayaang...ha...hawakan  ng a—anak niya." Matapos sambitin iyon ay hindi ko na nakayanang umiyak nang umiyak sa balikat ni Marcus.

"He t—touched me Marcus...hinawakan niya ako." Umiiyak kong sumbong kay Marcus.

"Shhhh, please baby." Hinagkan niya ang noo ko at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin "I won't let that happen to you again hmmm. Do you want anything? Do you want to eat?" Tanong niya.

"Let's not talk about it, I don't want to trigger your emotions."

Pinahid ko ang mga luha sa dalawang mata gamit ang likod ng kamay ko, humihikbi naman akong tumango sa kaniya.

"What does my baby want?" Malambing niyang tanong.

"F—foodpanda, yung....yung pagkain na dala ni kuyang rider." Sagot ko sa kaniya.

"What?" Gulat niyang tanong.

"G—give me my p—phone." Sabi ko, kinuha niya naman iyon sa bulsa niya nagtaka man ako kung bakit nasa kaniya ang cellphone ko ay hindi na ako nagtanong.

Nung maibigay niya sa akin ang phone ko ay binuksan ko iyon at hinanap ang text ni Kuyang rider at pinakita sa kaniya.

"S—siya, gusto ko yung pagkain niya na dinala sa akin araw-araw doon sa site." Sambit ko.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon