Kabanata 5

2.2K 79 33
                                    

Nasa loob kami ng office ni Mr. Hitler, nasa harap namin yung mga nakaaway namin. Parehong magugulo ang mga buhok naming lahat dahil sa pagsasabunutan  kanina.

"Anong nangyare sa inyo? Sino ang may pakana ng pag aaway niyo?" tanong ni Mr. Hilter.

"Sila po, tinulak niya po kasi ako." turo nung nakaaway ni Madi sa kaniya.

"Anong ako? nanghihingi na nga ako ng patawad sa'yo kasi hindi ko sinasadyang banggain ka!" galit na sambit niya.

Umirap lang ang babae at pinag cross ang braso sa harap ng dibdib niya.

Matapos mag usap sa office ni Mr.Hitler ay  lumabas na kami,mabuti nalang at winarningan  lang kami ni Mr.Hitler pero sa susunod na may makakaaway pa kami ay ipapatawag na ang mga magulang namin.

"Hi Marcus! nandito ka ba para sa akin?" napatingin kami doon sa babae nung nagsalita ito pagkalabas.

Nakita ko naman si Señorito Marcus na nasa labas ng opisina ni Mr.Hitler nakahilig sa pader at ang mga kamay nito ay nasa bulsa niya.

Kunot noo niyang tiningnan ang babae at bumaling sa amin ang tingin niya.

"Nandito ako para sa kapatid ko." sabi niya at nagawi sa akin ang paningin niya.

Hindi ko naman mapigilang hindi kabahan sa mga titig niya sa akin.

"Kapatid?" takang tanong  nung babae.

Tinuro ni Señorito Marcus si Madi at kita namin ang gulat sa mga mata ng tatlong babae na nakaaway namin kanina.

Lumapit si Madi kay Señorito Marcus at mabilis na pinulupot ang kamay niya sa braso nito.

"Tara na kuya, allergy ako sa hayop andami pa naman dito...pakalat-kalat ." sabi niya, at tinaasan ng kilay ang mga babae bago kinaladkad si Señorito paalis.

Sumunod naman kami ni Sol at naiwan doon ang mga babae na hindi maipinta ang mukha.

"Kuya sila naman 'yung nauna, nag sorry na nga ako eh." rinig kong sabi ni Madi habang nasa likuran nila kami.

"Uh... Vira may pupuntahan muna ako." napatingin ako kay Sol nang magsalita siya.

"Malapit na ang time, balik ka agad." sabi ko, tumango lang naman siya at umalis na.

Naiwan akong mag isa na nakasunod  sa magkapatid, pinapaliwanag lang ni Madi ang nangyare kanina habang mataman naman na nakikinig si Señorito.

Narating namin ang classroom namin, huminto naman sila sa harapan ng pinto at ganon din ako.

"Ayoko nang makita kang nakikipag away....kayo." sabi niya at tumingin sa akin, yumuko lang ako.

"Oo na nga, sige pasok na kami Kuya mwa mwa." ngumuso-nguso pa si Madi sa harap ni Señorito bago ako hinila papasok.

"Nasaan si Sol." tanong niya nung makaupo na kami.

"May pupuntahan daw." sagot ko at kinuha na ang libro upang magbasa habang wala pa ang susunod na subject teacher namin.

"Nga pala, uuwi si Kuya Miguel." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Kailan?" mabilis kong tanong.

Tumingin siya sa akin at nanunudyong ngumisi.

"Hindi naman halatang excited ka Vira, slight lang hhahhh" pang aasar niya sa akin.

"Paano kaya kung si Kuya Migs ang maaasawa mo Vira no? Kikiligin talaga ako ng bonggang bongga." uminit ang pisngi ko sa pinagsasabi niya.

"A-ano ba 'yang pinagsasabi mo." nauutal kong sabi. "Ang bata ko pa." dugtong ko.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon