Kabanata 9

1.9K 64 21
                                    

Nakakapit ako sa braso ni Nanay habang naglalakad kami papauwi. Matapos ng interview ko kay Señorito ay hinintay ko na si Nanay para sabay na kami.

"Tahimik ka ata?" tanong ni Nanay.

"Pagod lang Nay." sabi ko, tiningnan lang ako ni Nanay kaya pilit akong ngumiti.

"May problema ka ba?"

Umiling ako sa kaniya.

"Pag may problema ka anak huwag kang mahiyang magsabi sa akin." humilig ako sa braso ni Nanay habang naglalakad.

"Opo Nay."

Buti may Nanay akong maalaga at mapagmahal sa akin...

Ngumiti ako sa kawalan.

Kinabukasan ay mataman lang kaming nakikinig sa klase.

Napatingin ako kay Basti na nasa tabi ko, nakita ko itong natutulog habang hawak niya ang libro niya.

Kunware nagbabasa pero natutulog pala.

Napailing ako sa kaniya.

Matalino silang dalawa ni Kiko pero pinapairal talaga nila ang kalukohan nila, ang sabi pa nila mamaya nalang daw sila mag seryoso sa pag-aaral kapag nasa 3rd year to college na sila. Enjoyin muna raw nila ang pagiging first year nila.

Nung mag break na kami ay pumunta kami sa bench para doon muna tumambay, ayaw na raw nila tumambay sa canteen dahil daw nauubos ang mga pera nila.

"Malapit na graduation, ang bilis ng panahon." sabi ni Basti.

"Oo nga pre, aasahan ko nang mag to-top ako ngayon pre. Ihahanda ko na ang isusuot ko."

Tumawa ako sa sinabi ni Kiko.

"Oh, e-epal kana naman." turo niya kay Madi "Unahan na kita, alam ko namang e-epal ka agad sa sasabihin ko."

Umirap nalang sa kaniya si Madi at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Oh!.... kuya mo Madi oh." napatingin kami sa tinuro ni Basti at nakita nga namin si Señorito na may kasamang babae.

Yung laging kasama niya.

"Girlfriend niya ba 'yan?" tanong ni Kiko.

"Ewan." sagot naman ni Madi.

Hindi na sila nakatingin sa pwesto nila Señorito habang ako naman ay  hindi mapigilang mapasulyap-sulyap ro'n.

Mataman lang silang nag uusap dalawa sa ilalim ng puno.

Nung napagdesisyonan naming bumalik na sa room namin ay umalis na kami ro'n pero bago umalis ay sumulyap  ulit ako sa pwesto nila Señorito at nagulat ako sa nakita ko.

Nagyakapan silang dalawa nung babae ro'n, mabilis kong iniwas ang tingin ko ro'n at nagpahuli sa paglalakad ng mga kaibigan ko.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko.

Siya ba 'yung sinasabi ni Señorito sa akin?

Hanggang sa makapasok kami sa room namin ay paulit-ulit 'yon sa isipan ko, ang pagyayakapan nila sa ilalim ng puno.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito ang mararamdaman ko?

"Wala daw papasok na subject teacher ngayon dahil may program this afternoon." naghiyawan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi ng president namin.

"Nice!" rinig kong sabi ni Basti sa gilid ko.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon