Kabanata 2

2.8K 83 22
                                    

Nakakapit ako sa braso ni Nanay habang nilalakbay namin ang daan pauwi.

"Uh Nay, aalis na po pala si Señorito Miguel no?" nahihiya man ay sinabi ko pa rin kay Nanay iyon.

"Oo Vira, bakit? mamimiss mo?" makahulugan niyang sambit.

"Hindi ah!" mabilis kong tanggi sa kaniya at umiling.

"Aysus ang anak ko, nagdadalaga na." sabi niya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit habang naglalakad. "Pero si Señorito Marcus ata ay siyang maiwan dito." mabilis akong napatingin kay Nanay sa narinig ko.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Dito niya tatapusin ang pag aaral niya."

Narating namin ang bahay namin ng iniisip ko si Señorito Marcus.

Kung ganon sa paaralan din namin siya mag-aaral?

"Matulog kana Vira maaga pa tayo aalis bukas." sabi ni Nanay. Tapos na rin naman kaming kumain sa mansion, kaya pag uuwi kami ay deritso tulog nalang.

Tumango ako sa kaniya at pumasok na sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at bumuntong hininga nang makita ang picture naming tatlo ni Nanay at Tatay... anim na taon palang ako nang iwan kami ng tatay ko para sumama sa ibang babae. Kaming dalawa nalang talaga ni Nanay ang nakatira rito sa bahay, at nagpapasalamat ako kay Nanay dahil kailanman ay hindi siya nagpapaepekto sa pag alis ni tatay.

Gusto kong magalit sa tatay ko pero hindi ko magawa, pero bumabagabag sa akin ang tanong na "bakit?...bakit niya kami iniwan para sa ibang babae?" 'yan ang mga tanong ko na kailanman ay alam kong hindi masasagot. Masakit mang isipin, pero wala na akong magagawa....desisyon niyang iwan kami.



Kinabukasan ay maaga akong nakarating sa paaralan namin.

"Himala, ang aga mo ngayon." puna ko kay Kiko bago umupo sa tabi niya.

"Ako lang 'to." sabi pa niya at ngumisi.


"Syempre ikaw lang 'yan alangan namang maging kami diba?" napatingin kami kay Madi na padabog na umupo sa upuan niya.

"Anyare sa'yo? bakit ang aga-aga badtrip ka?" tanong naman ni Kiko sa kaniya.

Lumingin siya kay Kiko at tinuro ang mukha nito.

"Kung ganiyan ba naman ang bubungad sa'yo sa umaga...aba! natural na mababadtrip ka!" singhal niya kay Kiko.

Kumunot lang ang noo ni Kiko at kumibot-kibot ang bibig.

"Anyare sa'yo? malayo palang dinig na boses mo eh." si Sol na kararating lang at umupo sa unahan namin.


Lumapit naman si Madi kay Sol at binulungan ito, napatango-tango naman si Sol matapos bulungan ni Madi. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

"Ano raw?" kuryusong tanong ko kay Sol. Tumingin siya sa akin bago naghalungkat sa bag niya.

Pinakita niya sa akin ang kulay pula na construction, naguguluhan ako sa una pero nung makuha ang ibig sabihin ni Sol ay naging hugis bilog ang bibig ko.

Kaya pala mainit ang ulo eh...

"Ang gwapo naman talaga ni Marcus."

"Mas gwapo parin para sa akin si Miguel."

"Dito na raw siya mag aaral?"

"Hala girl papunta rito sa classroom natin!"

Napatingin kami sa mga kaklase namin na nasa labas, malapit kami sa pintuan sa likod kaya rinig na rinig namin sila.


Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon