I don't understand myself, why am I guilty of what I did earlier? Why did I feel bad when I saw the pain in his eyes as I threw away the clothes he had bought for me?
Bumuntong hininga ako at umiling-iling sa sarili, iwinaksi nalang ang iniisip. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa labas ng balcony dito sa hotel suit ko. Nang makitang madilim na ang labas ay napatingin ako sa relo ko.
Alas otso na pala?
Lumabas ako sa balcony, nung makalabas ay napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Pinagmasdan ako ang kabuoan ng lugar.
Tarlac is one of the best of the places to visit in Central Luzon.
Historical sites, fine food, vast plantations, a beautifully landscaped golf course, and so many other attractions.
Matapos mag muni-muni ay, pumasok na ako sa loob at hinarap nalang ang laptop ko to kill time.
Habang abala sa ginagawa ay biglang tumunog ang telepono ko, nung mapatingin ako roon ay nakita ko ang pangalan ni Mr. Lim.
"Good evening. Mr. Lim." I greeted him when I answered his call.
"Good evening, Engr. Mariano. Kamusta ang project diyan." Tanong niya.
Lumabas ako sa hotel room ko habang nag-uusap kami ni Mr. Lim. Nag-uusap lang kami tungkol sa project and when he drop the call, ay napabuntong hininga ako.
Napatingin ako sa dagat na nasa harapan ko.
Sometimes, the problem is just like the waves of the sea. Hahampasin ka ng problema at kung hindi mo ito haharapin, makikita mo nalang ang sarili mong nalulunod. Kung hindi mo haharapin ang problema mo sa buhay, paano ka tatatag? Hahayaan mo ba ang sarili mong malunod kaysa harapin ito, nang malaman mong kaya mo pala? Subukan mong harapin ang alon na dumadating sa iyong buhay, kahit gaano man ito kalakas, labanan mo lang at huwag sumuko.
Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang problema sa buhay kaya dapat magpakatatag ka at huwag bumigay.
Habang malalim ang iniisip a may naramdaman akong ibang presensya sa gilid ko kaya napatingin ako doon, I saw Marcus there, standing, staring straight at me
Maybe, this is the time for me to face the problem. Ayaw kong puro galit ang lumulukob sa puso ko. Oo at galit ako dahil pinapaalala niya sa akin ang dating ako, But I just realized that it is not right, hindi tama ang ginawa ko.
Oo at hindi ko na gustong bumalik sa dating ako, pero iyon ba talaga ang gusto ko? O dahil lang sa galit, kaya iyon ang tumatak sa isipan ko.
Nakamasid lang ako sa kaniya habang naglakad siya papalapit sa akin.
Huminto siya sa harap ko at kita ko ang pamumula ng mga mata niya.
"V-vira, please let's....talk." Pagsusumamo niyang sabi.
My heart hurts as I looked at him. Hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kaniya.
"Why? Why did you leave...why did you leave me?" Paos niyang tanong. "G-ganon ka ba k-kagalit sa a-akin? D-dahil sa....sa a-akin your M-mom...Mom d-died." Nahihirapan niyang bigkas sa mga katagang iyon.
Gulat naman akong napatingin sa kaniya nung marinig ang sinabi niya.
"N-nakikita k-kita, pero ang s-sakit Vira...ang sakit-sakit d-dahil abot l-lang kita pero p-parang napakalayo m-mo, dahil n-natatakot ako...t-takot akong pumasok u-ulit sa buhay mo."
"N-natatakot a-ako na baka....baka pag p-pumasok ulit ako sa b-buhay mo, may m-mawawala n-na namang m-mahalaga sa'yo."
"H-hindi ko kayang makita kang....n-nasasaktan dahil sa a-akin Vira." Kita ko ang pagdaloy ng mga luha sa pisnge niya matapos sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
Taming The Señorito
Teen FictionC O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022