Kabanata 3

2.4K 75 20
                                    

Nandito kami ngayon sa garden nila Madi, gumagawa kami ng group activity sa history. Walang pasok ngayon dahil sabado, kaya naman ay napagkasunduan namin na umpisahan nalang ang activity namin sa lunes.

Habang nagsusulat kami ay narinig namin ang tahol ng mga aso nila Madi. Si Basti at Kiko naman ay walang pakialam sa paligid at may sarili silang mundo na dalawa.

"Pahinga muna tayo." suhestyon ko.

"Sige, gutom na rin ata ang mga aso mo Madi." sabi ni Sol na nakatingin sa kulungan ng mga aso.

"Tama! gawa nalang tayo ng pagkain nila." excited na sambit ni Madi.

Mabilis naman kaming pumayag ni Sol kay Madi, kumuha kami ng pagkain ng aso sa loob ng kusina nila at dinala sa garden. Doon na namin gagawin ang pagkain ng aso niya.

Kumuha kami ng lumpia wrapper,kanin at spam. Binalot namin ang spam at kanin sa wrapper nilagyan din namin ito ng hilaw na karne, masaya kaming nag uusap at madami na ang nagawa naming tatlo.

"Magugustuhan nila 'to." nakangiting sambit ni Madi.

"Syempre tayo may gawa." sabi ko naman

Tumawa kaming tatlo.

Pero sabay-sabay kaming natigilan nung makita namin si Basti at Kiko na kinain ang ginawa naming pagkain para sa aso.

Tumango-tango pa si Kiko na para bang nasarapan siya sa kinain niya. Si Basti naman ay hindi maipinta ang mukha matapos tikman ang kinain niya.

"Sama ng lasa." komento niya pa

"Alam mo kung ano ang masama?" tanong ni Madi sa kaniya.

"Ano?" tanong niya naman.

"Ang maging tanga araw-araw! hindi para sa inyo 'yan para sa aso 'yan!" singhal ni Madi sa kanila.

Tumawa kaming dalawa ni Sol nang makita ang reaksyon ng dalawa.

"Ayan! tatakaw kasi hahahaha." tumatawang sabi ni Sol.

"Kukuha lang ako ng makakain natin, gutom na ata 'yang dalawa hahaha." sabi ko naman at tumayo.

"Gagstok, kinain mo kasi eh kaya gumaya ako." rinig kong sabi ni Basti.

"Kaya pala hilaw 'yung karne!"

Pumasok na ako sa loob ng mansion at tinungo ang kusina.

Napahinto naman ako at napatingin nung nakita ko si Señorito Marcus na wala sa sariling bumaba ng hagdanan.

Lumaki ang mata ko at napatakip sa mata nung makitang naka sando lang ito at naka boxer habang pababa.

Sumilip naman ako sa gitna ng mga daliri ko nang malampasan niya ako...pero bigla nalang siyang natigilan at humarap sa akin na para bang natauhan, kaya tinakpan ko ulit ang mata ko.

"M-magandang tanghali po Señorito." sabi ko habang nakatakip sa mata.

"Shit!" rinig kong mura niya at nagmamadaling umalis.

Napatawa ako sa isip ko dahil dun.

Nakangisi akong naglalakad ulit patungong kusina, hindi ko makalimutan ang mukha ni Señorito nung makita ako.

Hinanda ko ang mga pagkain namin ng nakangisi, hindi kasi talaga mawala sa isipan ko ang mukha ni Señorito. Sumasakit na ang panga ko kakangisi.

Tumingin ako sa harapan at napatalon ako sa gulat nung makita doon si Señorito Marcus na mataman akong tinitigan.

Walang reaksyon ang mukha niya at madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napalunok naman ako dahil sa kaba. Tumalikod ako at nagkunwaring may kukunin sa itaas ng aparador, at nagsisisi ako kung bakit 'yon pa ang ginawa kong palusot... dahil hindi ko maabot ang bowl na nasa itaas.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon