Funny how sometimes the people you'd trust are the ones will betrayed you in the end.
I want to forget what happened, but my mind won't let me.
"I want to see Tita Janica, Marcus. " Napabaling si Marcus sa akin nung magsalita ako. Nakaupo siya sa kama kaharap ang laptop niya dahil may trabaho siya ngayon.
Simula nung nabuntis ako ay hindi niya na muna ako pinagtrabaho, siya naman ay sa bahay na nagtrabaho upang mabantayan ako. Kahit ilang ulit ko pang pilit sa kaniya na magtrabaho kami dahil tatlong linggo pa naman akong buntis ngunit ayaw niya.
"No." Masungit niyang ani at ibinalik ang tingin sa laptop niya.
Pinag krus ko ang dalawang braso sa dibdib at ngumuso sa harap niya. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya, hindi man siya nakatingin sa akin ay alam niya ang ginawa ko dahil ito ang lagi kung ginagawa kapag hindi niya ako pagbibigyan sa gusto ko.
"I already said no Vira." Ani niya. " Hindi na gagana sa akin 'yang pagpapa-cute mo sa harap ko." Seryoso niyang sabi na mas lalong ikinanguso ko.
Ten minutes later, we headed to the jail where tita Janica was. I can't bear to see Jasper, so I'd rather talk to Tita Ianica.
Napatingin ako kay Marcus nung marinig ko ang buntong hininga niya.
"Ito ang una at huli na pupunta tayo rito okay?"
"Okay."
Mabilis siyang lumabas sa sasakyan at pinagbuksan ako, ngumiti muna ako sa kaniya bago lumabas.
Nag umpisa na kaming pumasok sa loob at, nung nakaupo na kami at hinihintay nalang si Tita Janica na lumabas ay hindi ko mapigilang kabahan.
Hindi naman nagtagal ay lumabas na yung pulis at nasa likod niya si Tita Janica, tumayo ako at nung magtama ang mata namin ni Tita ay parang sinaksak ang puso ko.
After all she's my second mother, tinuring ko siyang isang Ina. Hindi ko mapigilang hindi masaktan na ganito ang kahihinatnan niya ngayon. Wala na 'yong Tita Janica na palangiti. Magulo ang buhok, may posas ang kamay, sobrang payat at mapapansin mo ng may kaedaran na siya.
Umupo siya sa harap namin na walang reaksyon, tumingin ako kay Marcus bago dahan-dahang umupo.
"T-tita." Panimula ko. Walang reaksyon ang mukha niya nung bumaling sa akin.
"What are you doing here, Alvira?"
"Tita-"
"Ano? Masaya kana?! Masaya ka bang nakita ako rito!?" Galit niyang sabi.
Napatingin ako kay Marcus at kita ko ang pag igting ng panga niya kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa upang pakalmahin siya.
"Wala kang utang na loob Alvira, sa lahat ng ginawang pagtulong namin para sa'yo. Ito ang isusukli mo, ang ipakulong kami!" Galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"Walang utang na loob sa inyo si Vira!" Dumagundong ang galit na boses ni Marcus sa loob ng kulungan kaya napatingin sa amin ang ibang tao rito. "Ganiyan ba kayo tumulong huh? Ang maningil? Tulong ba ang tawag riyan? Kung sisingilin mo siya sa pagtira niya sa inyo!? That is not how you help people!" Nagulat ako ng hinampas ni Marcus ang mesa. Lumapit naman sa amin ang dalawang pulis at hinawakan na nila si Tita Janica.
"If you are here to ask my apology, pwes! Hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa inyo!" Sigaw ni Tita Janica habang kinaladkad siya ng mga pulis.
Napakapit naman ako ng mahigpit kay Marcus, kumuyom ang kamao ni Marcus at hinawakan ang palapulsuhan ko at naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
Taming The Señorito
Teen FictionC O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022