Kabanata 11

2.2K 76 14
                                    

Magkasama kaming lima ng mga kaibigan ko rito sa soccer field ng paaralan namin, nakatanaw lang kami sa mga estudyanteng naglalakad.

"Hayyyy! second year na tayo sa susunod." sabi ni Basti at humiga sa damuhan.

Huling klase na namin ngayon at bukas  ay bakasyon na, napaka bilis nga naman ng panahon.




Sa araw na 'yon ay maaga kaming umuwi kaya pinasama na ako ni Madi sa kanila. Dumiretso ako sa kusina nung marating namin ang mansion upang hanapin si Nanay.

Hindi pa ako nakapasok sa kusina ay may narinig na akong bumagsak kaya nag mamadali akong maglakad patungo ro'n.

Nakita ko si Nanay na pinupulot ang basag na pinggan kaya mabilis ko siyang dinaluhan.

"Nay! ano nangyare? ako na riyan." pinulot ko ang mga basag na plato at nung tumayo si Nanay ay mabilis akong napatayo at hinawakan siya nung bigla itong nawalan ng balanse habang hawak ang ulo niya.

"Nay! ano ba nangyare? may masakit ba sayo? okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Okay lang ako anak, medjo nahilo lang ako dahil bigla akong tumayo Hahaha." tumawa pa siya sa akin.

"Sigurado ka ba Nay? mag pa check up kaya tayo?" mabilis siyang umiling sa akin.

"Hindi na kailangan Vira okay lang talaga ako, pakitapon nalang yan sa likod ang basag na pinggan Nak."

Hindi kaagad ako gumalaw at tinitigan lang siya bago bumuntong hininga. Kinuha ko ang mga basag na plato at pumunta sa likod ng bahay.

Nagulat naman ako nang makita kong nagdudugo ang paa ko, hindi ko ito napansin kanina dahil mas tutok ako kay Nanay.

Yuyuko na sana ako pero napasinghap ako sa gulat nung may umupo sa harap ko at hinawakan ang paa ko.

Mabilis naman akong napahawak sa balikat niya upang doon kumuha ng suporta nung inangat  niya ng kunti ang paa ko.

"Señorito!" gulat kong sambit.

"Tsss, sinusugatan mo sarili mo Alvira." masungit niyang sabi.

Tumayo siya at tumingin sa akin.

"Upo ka riyan, hintayin mo ako rito." sabi niya at naglakad papasok sa bahay nila.

Sinunod ko ang sinabi niya at umupo na sa upuan dun, hindi naman nagtagal ay bumalik siyang may dalang medicine kit.

Umupo siya sa tabi  ko at nilapag ang medicine kit sa gilid niya. Nakamasid lang ako sa ginagawa niya habang kunot na kunot naman mga noo niya sa kaniyang ginagawa.

Kinuha niya ang paa ko at nilagay sa kandungan niya.

Uminit naman ang oisngi ko dahil dun.

Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng alcohol 'yon at dahan-dahang idinampi sa may sugat ko.

Habang seryoso siya sa ginagawa niya ay nakatingin lang ako sa mukha niya.

Kunot ang noo niya at ang buhok naman niya ay nililipad ng hangin, kitang-kita ko rin dito ang matatangos niyang ilong lalo na't naka tagilid siya sa akin....napunta naman ang mga paningin ko sa mga mapupulang labi niya.

"Baka matunaw ako niyan." biglaang sabi niya kaya nagulat ako.

Tumingin siya sa akin na may ngisi ang mga labi.

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam na ramdam niya pala ang mga titig ko.

Nakakahiya!

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon