Kabanata 14

1.9K 67 21
                                    

Maaga akong gumising ngayong araw dahil ito ang unang araw ng klase namin, balik na naman sa pagiging estudyante.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung nagkaaminan kami ni Marcus... ngunit parang kahapon lang mangyare iyon.

Kahit hindi pa man ako handang magka boyfriend ay handa naman si Marcus maghintay kung kailan pwede na.

Gusto ko siya...ngunit gusto ko munang makapagtapos ng pag aaral bago ang lahat. Susuklian ko muna ang Nanay sa mga sakripisyo niya sa aming dalawa bago ang lahat.

Napangiti ako sa sarili....napabaling naman ako sa telepono kong nasa gilid ng kama nung tumunog iyon.

Hindi ako mahilig gumamit ng cellphone dahil wala namang dahilan para gumamit no'n... pero ngayong may dahilan na ay halos araw-araw ko itong hawak, kapag hindi kami magkasamang dalawa.

Kinuha ko ang cellphone at binasa ang mensahe ni Marcus.

"Magandang umaga sa pinakamagandang binibining aking nakilala."

Uminit ang pisngi ko dahil sa mensahe niya sa akin, kahit sa telepono lang ay lumalakas parin talaga ang kabog ng puso ko para sa kaniya.

Binati ko rin siya pabalik bago tumayo para makaligo na.




"Gago, hindi na tayo magkaklase." Sambit ni Basti.

Nandito  kami ngayon sa paaralan at tinitingnan kong saan ang classroom namin.

Napatingin kami sa bulletin board at nakita ro'n na magkakaiba na nga kaming lahat ng section. Magkaklase si Kiko at Basti habang kami naman nila Madi at Sol ay magkakaiba ang section.

"Pre, magkasama parin tayo." Sabi ni Kiko. "Bakit hindi nalang tayo pinaghiwalay? Nauurat na ako sa pagmumukha mo eh." Sabi pa niya.

"Ako rin naman pre nauurat sa buong pagkatao mo, hindi lang sa mukha." Banat naman ni Basti.

"Nag aaway pa kayong dalawa pareho namang kayong nakakaurat." Sabi ni Madi at umirap sa kanila.

Kaniya-kaniya na kaming pasok sa aming silid. Habang nakaupo naman ako ay bigla kong naramdaman ang cellphone ko hudyat na may nagmensahe rito. Kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at nakita ang mensahe ni Marcus.

"Library."

Matapos basahin ang mensahe niya ay napatingin ako sa loob ng silid namin, wala pa ang prof namin.

Tumayo ako at lumabas ng silid, wala atang klase ngayon. Program lang ata para e welcome ang mga first year gaya nung nakaraang taon.

Napatingin-tingin ako sa dinaanan ko at baka may makita ako isa sa mga kaibigan ko, nung walang makita ay mabilis kong tinungo ang library.

Pumasok ako sa loob at hinanap si Marcus. Kaagad ko naman siyang nakita nung tinaas niya ang kamay niya. Habang naglalakad patungo sa kaniya ay halos manlambot ang tuhod ko dahil sa mga titig niya sa akin, tinitigan niya lang ako hanggang sa makaupo ako sa harap niya.

Kita ko ang pag nguso niya sa akin kaya, kumunot ang noo ko  sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Dito ka sa tabi ko." Nginuso niya ang bakanteng upuan na nasa gilid niya, umirap lang ako at walang nagawa kundi lumipat sa tabi niya.

Sa isang linggong pagsasama namin ni Marcus ay nasanay na rin ako sa kaniya, gusto niyang binibaby ko siya, gusto niya magkadikit talaga mga balat namin kapag magkasama kami... kaya hindi na ako nagulat ngayon. Nung una gulat talaga ako at hindi sanay sa inaasta niya, kalalaking tao tapos gusto binibaby.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon