Naglalakad ako papasok sa paaralan mag isa nang makita ko si Basti na may kausap na babae.
Kumunot ang noo ko nang siya ang may dala ng bag ng babae.
"Sino 'yon?" tanong ko sa sarili ko.
"Sino?"
Nagulat ako nung may nagsalita sa gilid ko, pagtingin ko ay nakita ko si Señorito Marcus na magulo ang buhok at natatabunan ng kaunti ang mata niya sa buhok niya, ang uniporme naman niya ay nakabukas ang tatlong butones at sumilip doon ang dibdib niya.
Napatingin ako sa mapupulang dibdib niya.
Tumingin ulit ako sa kaniya at nakita kong nakataas ang kilay at gilid ng labi niya sa akin.
Uminit naman ang pisngi ko nang mahuli niyang nakatingin ako sa dibdib niya.
Mabilis akong naglakad paalis ro'n at inignora siya, ngunit nakalimutan ko atang mahahaba ang biyas ng lalaking 'to.
Matangkad ako pero hanggang balikat niya lang ako kaya kapag magkatabi kami ay maliit akong tingnan.
Nagtataka man sa pagsunod niya sa akin ay hindi ko nalang siya pinansin, nakasunod lang siya sa akin hanggang sa marating ko ang classroom namin.
Pumasok ako ngunit hindi ako umupo kaagad, naglakad ako pabalik sa pinto at sumilip sa labas.
Kita ko naman ang pagbalik niya sa dinadaanan namin kanina, malayo ang building nila sa building namin kaya nagtaka ako kanina bakit sumama siya sa akin.
Sumama lang talaga siya sa akin para ihatid ako rito?
Uminit naman ang pisngi ko sa naisip ko, tumingin ako ulit sa dinadaanan niya at wala na siya ro'n kaya tinungo ko na ang upuan ko.
Unang dumating si Kiko na lukot ang mukha sa binabasa niya.
Tumingin siya sa akin at mabilis na umupo sa tabi ko.
"Paki transplant nga 'to." sabi niya.
"H-huh." nagtataka kong tanong.
"Tanga mo, transgender 'yon." singit ni Basti na kakarating lang at binatukan pa si Kiko.
Nalukot ang mukha ko sa kanilang dalawa.
"Transfer ata pre." sabi naman ni Kiko na lalong ikinalukot ng mukha ko.
Napatampal ako sa noo ko.
Ang aga-aga binibigyan ako ng dalawang 'to ng sakit sa ulo!
"Pinagsasabi niyo?" tanong ko at napatingin naman sila sa akin.
"Yung ano, i-aano 'to." nahihirapang sabi niya at tumingin pa sa itaas na para bang nag iisip.
"Pota pre! ikaw na nga lang mag paliwanag." pagsuko niya.
"Nag-iisip ka pa, wala ka namang isip." sabi naman ni Basti at tumingin sa akin.
"Ahmm..." hinawakan niya ang papel at tumingin sa akin, pabaling-baling ang mata niya sa akin at sa papel.
Nagpang abot ang kilay ko sa kaniya, kinuha ko ang papel na hawak niya at binasa 'yon.
"Gusto niyo bang e translate ko?" tanong ko.
Mabilis naman silang napatingin sa akin na ikinagulat ko.
"Yon! alam mo naman pala, pinapahirapan mo pa kami!" si Kiko.
"Bakit parang kasalanan ko?" tanong ko. "Paano ko maintindihan 'to? mukha ba akong espanyol? may mga cellphone naman kayo bakit hindi kayo mag google." sabi ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/300762123-288-k144034.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Señorito
Teen FictionC O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022