Simula

5.4K 129 19
                                    

"Anak, maghanda kana para tumulak na tayo sa mansion ng mga Cerujano!" rinig kong sigaw ni Nanay sa kusina.

"Opo nay." sigaw ko mula sa kwarto, sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok  bago lumabas.

Nanunudyo akong tiningnan ni Nanay nung makita niya ang kabuoan ko.

"Ang ganda naman, sino ba ang pinapagandahan mo sa mga Cerujano?" nakangisi niyang tanong. "Si Señorito Miguel ba?" namula naman agad ang pisnge ko sa sinabi niya.

"Nay naman! magkaibigan lang po kami ni Señorito Miguel at saka bata pa ako no." nakanguso kong sabi.

"Kung magdadalaga kana pwede na?" taas kilay niyang tanong.

"S-syempre hindi parin, tutulong muna ako sayo Nay hanggang sa makaahon tayo sa kahirapan." nakangiti ko ani.

"Asus!" sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

Sumasama ako kay Nanay sa mansion ng mga Cerujano kapag walang klase, bakasyon naman ngayon kaya lage na akong sasama sa kaniya doon.

Naglakad na kami patungo sa mansion ng mga Cerujano, hindi naman gaanong malayo ang mansion nila sa bahay namin...kaya pwede lang lakarin.


Pinagbuksan kami ng gate ni Manong fred nung nakita niya kami.

"Magandang umaga Fred." bati ni Nanay sa kaniya.

"Magandang Umaga rin Emilia." bati niya pabalik kay Nanay.

Ngumiti ako kay Manong Fred bago bumati.

"Magandang umaga Manong Fred." maligayang bati ko.

"Magandang umaga sa magandang bata sa buong Isla Allegra na si Vira." mas lumaki pa ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Nakasunod lang ako sa likod ni Nanay habang tinutungo niya ang mansion. Malaki ang bahay ng mga Cerujano. Sa pag pasok mo sa gate ay hindi kaagad bahay nila ang makikita mo, kundi mga halaman ilang minuto ka pang maglalakad hanggang marating mo ang malaki nilang mansion.



Marami-rami na ang mga bisita nila ngayong araw. Pinaghandaan talaga nila ang pagtapos ni Señorito Miguel sa highschool kasabay ng  pag-uwi ng isang anak nila na nag aaral sa Manila.


"Vira!" rinig kong tawag ni Nanay sa akin.

"Po?"

"Doon ka sa likod anak, walisin mo yung mga dahon doon." sabi niya at binalingan na ang niluto niya.

Isa si Nanay sa mga taga luto rito sa mga Cerujano, hindi man sa ipagmamayabang pero masarap ang luto ni Nanay kaya siya kinuha ng mga Cerujano na tagapagluto nila.

Tumango ako kay Nanay at nag umpisa ng maglakad sa likod. Kinuha ko ang walis sa gilid ng kuwadra ng mga kabayo at  inumpisahan na ang pagwawalis.

Napatingin naman ako sa kulungan ni Hercules nung makitang wala siya roon.

"Hercules?" tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang wala nga siya roon.


"Hala! nasaan ka Hercules." sabi ko at tumingin sa ibang kuwadra at nagbabasakaling nilipat lang ng kuwadra si  Hercules.

"Hercules?" tawag ko sa kabayo.

"Ay jusko po Inay!" gulat kong sambit nung biglang umingay ang kabayong nasa likod ko. Pagtingin ko ay si Hercules iyon.

"Bakit ka nandiyan? Ikaw na kabayo ka bakit ka umalis sa kuwadra mo?" pakiusap ko sa kabayo habang nakapameywang sa harap niya.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon