Kabanata 12

1.9K 70 22
                                    

Sumama ako ngayon kay Nanay sa mansion ng mga Cerujano dahil ilang linggo na rin akong hindi sumama sa kaniya, hindi pwedeng nasa bahay nalang ako lage at hinahayaan si Nanay na magtatrabaho kung pwede naman akong tumulong.

Iiwasan ko nalang si Señorito, tama tama!

Pagdating namin sa mansion ay nandoon silang lahat sa hapagkainan nila, nasa likod lang ako ni Nanay at nakayuko. Naramdaman ko naman ang mga titig ni Señorito Marcus sa akin ngunit hindi ko siya tinitignan at nakayuko lang habang bumabati si Nanay sa kanila.


"Maupo kayo Emilia, sumabay na kayo sa amin." rinig kong sabi ni Señora Mathilda, nilalaro ko lang ang kamay ko at hinihiling na sana hindi papayag si Nanay.

"Nako! Huwag na Mathilda,nakakahiya naman." nahihiyang tanggi ni Nanay.

"Masamang tanggihan ang pagkain Emilia." napatingin ako kay Señor Anton nung magsalita ito. Titig na titig siya kay Nanay habang sinasabi iyon.

"H-huh, nako huwag na Marco."

"Sige na upo na kayo Emilia."  nakangiting sabi ni Señora, walang nagawa si Nanay dahil sa pamimilit nila kaya umupo na siya.

Naiwan naman akong nakatayo ro'n kaya lahat sila ay napabaling sa akin. Kinain ng hiya ang buong sistema ko kaya mabilis akong yumoko.

"Maupo kana hija." sabi naman ni Señora kaya mabilis akong umupo sa bakanteng upuan na nasa gilid ni Nanay.

Nasa unahan si Señora at Señor Anton, katabi naman ni Nanay si Madi tapos ako. Habang sa harapan naman namin ay si Señorito Miguel at Marcus.

Habang kumakain ay ramdam ko parin ang malalagkit na mga tingin ni Señorito lalo na't nasa harapan ko lang siya.

Sumubo ako ng pagkain at dahan-dahang tumingin sa kaniya ngunit mabilis din akong napayuko nung nakitang nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.


Natapos ang umagahan ng nag uusap sila Nanay at Señora Mathilda, paminsan-minsan na ring tinatanong at kinakamusta ni Señor ang mga anak niya na magalang namang sinasagot ng mga ito.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa likod ng bahay at sumilip ngunit napapitlag ako sa gulat nung makita si Señorito Marcus na nasa gilid na nakahilig sa pinto at naka crosss ang mga braso sa dibdib niya habang nakatitig sa akin.

Hinigit niya ang kamay ko at kinaladkad patungo sa likod.

"S-señorito, may gagawin pa po ako."

Hindi niya ako pinansin at naglakad lang  siya hanggang sa huminto siya sa pinakalikod ng bahay.

Binitawan niya ang kamay ko at humarap siya sa akin...mabilis naman akong yumoko at pinaglalaruan ang mga kamay ko.

"Look at me." maotoridad niyang sabi ngunit hindi ako tumingin sa kaniya. "Look at me Vira." ulit niyang sabi.

Nung hindi ako tumingin sa kaniya ay napasinghap ako sa gulat nung hapitin niya ako sa baywang, gulat na gulat akong napatingin sa kaniya.

"There, tumingin ka rin....bakit mo ako iniiwasan?" akmang yuyuko ako nang mas hapitin pa niya ang baywang ko at namilog ang mga mata ko nang magkadikit na ang mga dibdib naming dalawa.

"S-señorito b-bitawan m-mo a-ko." kinakabahan kong sambit ngunit mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa baywang ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko." seryosong sambit niya. "Akala mo ba hindi ko mahahalata na iniiwasan mo ako?"

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon