Kabanata 15

2K 62 14
                                    

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Madi, kahit hindi kami magkaklaseng tatlo ay pare-pareho lang din naman ang subjects namin kaya magkasama na kaming nag re-review.

"Ahh! Hirap maging studyante!" Sabi ni Madi at nag init ng kamay.

Napahawak din si Sol sa leeg niya at marahan itong minamasahe habang ako naman ay sumandal sa kama ni Madi. Nakaupo kami sa lapag ngayon habang nasa harap namin ang nakakalat na mga libro at notes namin. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya tumayo ako.

"Iinom muna ako." Paalam ko sa kanila.

Naglakad ako palabas ng kwarto ni Madi, nasa dulo ang kwarto niya kaya naglakad pa ako kunti upang marating ang hagdanan. Ngunit nung madaanan ko na ang kwarto ni Marcus ay bigla itong bumukas at mabilis niya akong hinila papasok. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang iyon, mabilis niyang sinarado ang pinto at sinandal ako ro'n bago ako mariing tinitigan.

"M-marcus baka makita n-nila tayo." Kinakabahang sambit ko.

"I don't care." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya  , mahina ko namang tinampal ang braso niya dahil dun.

"Anong walang pake! Baka ano nalang ang iisipin nila kung bakit nandito ako sa kwarto mo." Inis kong sabi.

"Bakit? ano ang iisipin nila?" Pagmang-maangan niyang tanong.

Nang hindi ako sumagot ay hinila niya ako papuntang  kama niya at doon umupo, hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakaupo siya at ako naman ay nakatayo lang ngunit hinila niya ako paupo sa kama niya.

"Marcus!" Pinanlakihan ko siya ng mata at tinawanan niya lang naman ako.

"Miss lang kita eh." Sambit niya at niyakap ang baywang ko.

"Nagkita naman tayo kahapon Marcus."

"Wala akong pake... basta, miss kita." Parang bata niyang sambit at sumiksik sa leeg ko.

Hindi ko naman mapigiling hindi mapangiti sa inasta niya.

"Vira." Tawag niya sa akin.

"Hmmm?"

"Ilan gusto mong anak?" Tanong niya, kumalas ako sa pagkayakap namin at tumingin sa kaniya.

"Bakit mo naman naitanong?" Kunot noo kong tanong.

"Wala lang."

"Hmm ano, gusto ko tatlo. Ikaw ba?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Tatlo lang din. Tatlo gustong anak ng mapapangasawa ko eh." Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Mahina kong tinampal ang dibdib niya at napatawa naman siya sa reaksyon ko.


"Paano mo 'yan nasabi? Bakit ako na ba talaga ang mapapangasawa mo?" Taas kilay kong tanong.

"Oo, binulong sa akin ni Lord. Alvira Mariano raw ang magiging asawa ko." Sabi niya at mabilis na pinatakan ng halik ang mga labi ko.

Akmang tatampalin ko ang dibdib niya nung hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa.

"Ewan ko nasaan na yun kanina pa yun lumabas ng kwarto diba?"

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa pinto nang marinig ko ang boses ni Sol sa labas ng kwarto ni Marcus.

"H-hinahanap na nila ako." Bulong ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. Niyugyug ko ang balikat niya nung hindi siya kumibo. "Aalis na ako hinahanap na nila ako."

"Mamaya." Maikling sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Kinalas ko ang pagkayakap niya sa akin at tumayo. Nung tingnan siya ay nakanguso lang siya sa akin na para bang wala lang sa kaniya na nasa labas  ng kwarto niya ang kapatid niya at si Sol.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon