CHAPTER 2

4 1 0
                                        

CHAPTER 2.

“... LIKE HINDI ba pwedeng makuntento nalang sila sa grades na kayang ibigay ng utak natin?” alburoto ni christine, one of my friends. Not bestfriend cause I just met her nung first day of school.

You can't call someone as your bestfriend if you just met them in a short period of time. Kaya sa FRIEND word lang sya pasok.

“Yeah” maikling sagot ni dani, also a friend. She's sulking also. Napagalitan din.

Stress na sumimsim si christine sa iced Coffee nya. We're in a small Coffe shop inside our school—well if you can call it small. Its a two story Coffe shop and can accommodate up to 100 students.

And we are currently sitting beside a big glass wall sa second floor kaya kita ang nga estudyanteng pumapasok at lumalabas sa coffee shop, pati na rin yung mga naglalakad sa labas.

Mamaya pa ang start ng klase kaya nandito kami.

We are talking about our parents who all complaining about our grades. Kagaya ko may isang low grade din sila.

That new teacher is known as the monster teacher, ibabagsak ka talaga kapag may nakitang mali. Kung sa Ibang teacher okay lang kahit may isang kulang ka sa activities or may absent ka pero sakanya, wala talagang kawala.

“Wala akong phone ngayon kasi kinuha ni mommy kagabe nung makita nya ang report card ko. Ugh! Why is this happening to me? I can't live without my phone and what if magtext si aldren don?” aniya saka ginulo ang buhok. Aldren si her boyfriend.

“Mabuti nga phone mo lang ang kinuha e.” nakabusangot na saad ni dani.

“Why?” tanong ko sakanya.

Padabog nitong pinatong sa lamesa ang inumin nya “I'm grounded. Can you believe that? Damn! Isa lang naman yung mababang grades tas ig-grounded nila 'ko? Where's the justice in that?”

Sabay silang bumuntong hininga ni Christine at sabay ring binagsak ang ulo sa lamesa. Christine is beside dani at nasa harapan nila ako. Dani's grounded, ibig sabihin wala syang Ibang pupuntahan kundi bahay at eskwelahan lang.

“How 'bout you eya? Anong reaction ng daddy mo nung nakita nya yung report card mo?” Christine ask, it almost came out as a mumble dahil nakasobsob pa rin ang ulo nito sa lamesa.

“Dad freezed my credit cards” kibit balikat sagot ko.

They both gasp as they raised their heads.

“Really?”

“For sure?”

Tumango ako. “Yeah”

I was about to sip on my hot choco nang biglang inihampas ni Christine ang dalawang kamay sa lamesa dahilan ng paglingon ng mga estudyanteng kasama namin dito sa second floor.

“What? Your dad freezed your cards pero kung makaasta ka parang wala ka sa bingit ng kamatayan?” she's so loud.

Pareho namin hinawakan ni dani ang braso nya para paupuin.

“Kumalma ka nga tine! Nakakahiya” pabulong na saway ni dani.

Ang OA naman ng babaeng 'to. Bingit ng kamatayan talaga? Huminga sya ng malalim at eleganteng umupo pabalik sa upuan nya, as if nothing happened.

Nanghingi kami ng sorry sa ibang naistorbo dahil sa kaOA-han ni Christine.

“Now what are you going to do, eya? Hindi mo ma-access ang mga Cc mo”

Cc short for credit card. Ewan ko kung saan nila napulot yan. Hayaan na.

I shrugged kaya kumunot ang noo nilang dalawa. I sigh bago nagsalita.

“I have savings, duh?”

Sabah din silang ngumiwi na dalawa. Minsan iniisip ko na magkapatid 'to e. O kaya kambal.

“As expected from an honor student and a valedictorian” dani said as a matter of fact.

Napailing nalang ako. Hindi naman yun ang dahilan ng pag save ko ng money in cash dahil alam kong kapag nagkamali ako ang kahinaan ko ang pupuntiryahin ni dad. Kaya in unahan ko na sya.

Magsasalita pa sana si Christine pero tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Without any words, we gathered our things and paid the bills for our order.

Pagkalabas ng coffee shop ay lumiko kami sa left side nito dahil doon ang daan papuntang senior high school building. Pwede mo na nga'ng tuwagin na another school inside a school. Dahil sa laki rin non, five buildings facing the center building ang makikita mo pagpasok mo sa boundery ng senior high at college building.

Ang center building 'yon ang malaking building ng senior high—not that I'm saying na maliit yung apat pa, malalaki rin ang mga yon. But then mas nakakaagaw ng atensyon ang center building, pwera kasi na nakakabit ang logo ng school sa building ay nandoon din ang mga above average na students.

And the three of us are one of those above average students.

A lot of senior high students are competing to maintain their high grades just to be one of those above average students. And become an elite student.

Yes! This is an elite school but inside? There is more above them when brain is in the discussion.

Wondering why? Ordinary students have crimson color uniform and elite students have white with gold logo uniform. Kaya makikita mo talaga ang kaibahan.

And also if you are a one of the elite students, they will look up to you with respect. Respect that in this school is the rule.

“They really should put a bus inside this school ang layo ng nilakad natin. My gosh!” reklamo ni Christine habang nilalagay ang ID sa scanner.

Napatingin tuloy ang guard sakanya. Napailing nalang kami ni dani at hinarap sa scanner ang ID namin.

Varified.

Ang nakalagay sa maliit na screen nito kaya bumukas ang glass door ng building. The moment we step in the building the huge escalator greeted us. Maraming estudyante ang sumasakay dito. Left side for going up and the right side is for going down.

The white marble floor and its gold design gives an elegant vibes in the whole building. The ground floor and the first floor is visible pero pagdating na sa second floor ang hindi nakita kung ano ang nasa taas.

There's a big chandelier at the center. Sa left and right sides ay may daan papunta iyon sa garden na nasa gitna ng building na ito. And also may mga classroom rin kasi doon o kaya office.

Only a big glass door ang namamagitan sa magandang garden and sa ground floor hallway kaya pumapasok ang sunlight.

There's also a fountain at the center of the garden. Napapalibutan iyon ng pink roses.

So, yeah. Iyon ang nasa loob ng center building kaya marami ang gustong makapasok dito dahil hindi naman nila alam kung ano ang nasa loob nito. Well aside sa mga highlights nito dahil pinapakita iyon sa isang documentary video kapag opening ng klase.

Nasa second floor ang room naming tatlo and also hindi na namin kailangang pamili ng course or strand to take kasi lahat ng iyon ay tinuturo dito sa loob. Pwera nalang sa mga ordinary students, they can take whatever strand they want to take.

“Day?” si dani.

“Tuesday” sagot naman ni Christine, bumaling ito sakin “Strand?”

“STEM”

SECTION 4 : The Hidden SectionWhere stories live. Discover now