CHAPTER 11

0 1 0
                                    

CHAPTER 11.

CONFUSE AND WONDERING, how the heck there's a building hidden behind those walls. Sa tagal ko sa vanguard, never ko itong nakita at wala rin akong alam tungkol dito kahit naging SSG president nako.

Except now... 'Cause now I know.

“The heck? What's this building doing here? And when did they build this?” puno ng pagtataka kong tanong.

Hindi nila pinansin ang sinabi ko bagkus ay sinabi lang nila kung ano ang gagawin ko. And I was right, I'm going to be those section four's student teacher.

“... Wala ng teacher ang gustong kumuha ng trabaho na 'to. So Mr. Navarro decided to put the current SSG president to be their student teacher, and that's you” paliwanag nung may piercing sa tenga.

Taimtim akong nakikinig sa sinasabi nya habang tinatahak ang hagdan papuntang second floor ng building.

The first floor or the ground floor was not used, nahagip ng tingin ko iyon habang papalapit palang kami ng building kanina. It was like a storage room, there's a lot of old and damaged things inside those three classroom.

The moment we reach the second floor, we were greeted by a messy and  look-like a trash hallway.

Pagliko sa kaliwa ay may nakasulat pa na four in roman number sa pader. Malakas ang ihip ng hangin dahil nasa second floor na. Napalingon ako sa dulong bahagi ng building sa ikatlong classroom, may mga nag iingay.

Malapit na kami sa room na iyon ng huminto ang dalawa saka hinarap ako. Nagtaka ako.

“Hanggang dito nalang kami. Goodluck, you'll need it” paalam nila, hindi man lang ako naka-sagot ng nilagpasan nila 'ko at walang lingong umalis.

I was about to follow them when a loud bang stunned me. Napatalon pa 'ko ng bahagya sa lakas ng ingay na iyon na para bang may hinagis na mabigat na bagay.

Salubong ang kilay ko habang deretso ang lakad papunta sa pinakadulong room. Ano bang ginagawa ng mga 'yon?

I've decided, if I'm going to look after this class they should know how to act properly. Ang pinaka-ayaw ko yung mga maiingay at magugulo.

Sarado ang pintuan ng makarating ako sa harap ng classroom pero rinig na rinig ang ingay na nangagaling sa loob.

Without thinking twice, I open the door with so much force that created a loud bang making those students who were look like bagyong odette stop.

Ang gulo nila, sobra!

Napatingin ang mga ito sakin, Salubong naman ang kilay ko. Ano 'to? Classroom pa ba 'to? At talaga bang mga estudyante itong mga taong 'to? Wala sa ayos ang uniform nila, parang mga tambay. Ang room nila may mga vandalism pa, ang upuan nila wala sa ayos.

Nasa loob ng classroom pero nagdi-dribble ng bola. They even playing ping-pong!

“Sino ka?!” manggas na tanong nung naka-silver ang buhok. Isa pa 'yan, may mga kulay ang buhok nila o di kaya'y may mga highlights.

Wait, they looked familiar.

“For all I know tables aren't made so you can put your feet above it, mr” seryosong sabi ko sa isa na nakapatong ang paa sa table.

Nagsalubong ang kilay nito, saka mayabang na tumayo.

“Tangina. Sino ka ba? At pakealam mo?” sabi nito saka lumapit sakin.

He was about to touch me ng lagpasan ko sya. I didn't mind them, they were silent. Parang dinaanan ng anghel sa sobrang tahimik nila.

Akala ko tatahimik at mag be-behave na sila dahil may magtuturo na pero mali pala ako.

“Since you're asking who am i. I will answer you...” nilibot ko ang tingin sakanilang lahat, nasa akin ang atensyon nila.

Nasa ganoong posisyon pa rin sila, ang ulo lang nila ang gumagalaw. Sinusunod ang bawat kilos ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“... I'm eya chantal legaspi, section 1, rank 1, SSG president and I will be your student teacher for the whole year. I hope everyone will cooperate and will behave”  I said without any humor.

Nasa akin pa rin ang tingin ng mga ito. It's starting to feel awkward, lalo na't puro sila lalaki. I was about to speak again when one of them smirked and turn his back on me, na sinundan naman ng lahat.

And they are back to being noisy again like they didn't hear me and totally ignored my presence!

Sobrang ingay nila! Ang sakit sa tenga!

“Be quite” mahinahong sabi ko.

Pero parang walang naririnig ang mga ito. Ang lalakas pa ng boses nila, may nagsisigawan pa na parang nasa kabilang barangay yung kausap, e nasa harap lang naman. Isama mo na yung tunog ng bola na dinidribble nung isa. At ang ingay ng pingpong saka yung ingay na nanggagaling sa lamesang nasasagasaan ng mga naghahabulan.

Parang mga bata.

I inhaled, patience “Everyone! Be quite”

“Gago, lancer yung puwet mo nasa harap ng mukha ko! Ang baho!”

That's it. I slammed both of my hands on the table in front of me making them halt.

“Sinabi ng manahimik e!” Singhal ko.

Nagulat ako ng biglang sipain nung isa ang upuan dahilan upang matumba ito.

“Tangina, sino ka ba para utusan kami!?” sigaw nya. Napatingin ako sa name plate nya, DRENEI.

“Oo nga! Pwede bang umalis kana lang? Saka pano ka ba napunta dito? Bawal ang mga mayayabang na kagaya nyo dito ah!” segunda naman nung isa, i also look at his name plate, THEUS.

Kumunot ang noo ko “Mayayabang?”

Lumapit sya ng kaunti “Oo, kayong mga matalino akala nyo kung sino kayong matataas ang tingin sa sarili. Nagyayabang na mas may laman ang utak kisa samin!”

What the heck is he talking about? Yes some are boastful but there's also smart guys who isn't. Ganito ba tingin nila samin? Hindi kami matalino, masipag lang talaga kami mag-aral.

Hinarap ko sya “Look mister, i don't know what's your problem with smart guys but spare me from your rants”

The moment i done talking, someone kick the chair again. Ano bang problema nila sa upuan at sinisipa nila? Kawawa ang mga chairs.

“Pwede ba wag kang magsalita ng ganyan! Pinapamukha mo ba samin na bobo kami ha!?” sigaw nito.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. The heck? That's not what I meant!

I was about to talk when someone interrupt “Teka...” tumayo ito at lumapit kaya luminaw ang pangalang nakasulat sa name plate nga, MATTHEW. “Diba ikaw yung SSG president ng mga mayayabang na elites?” tanong nito. Halatang hindi nakikinig sa sinabi ko kanina.

“Oo nga no...” theus said.

“Anong iniisip ng magaling nyong principal at naisipan pa nyang papauntahin dito ang isa sa mga pinakamamahal nyang elites?” nakangising saas ni matthew.

Sumiklab ang kaba sa dibdib ko ng tumayo ang lahat at may nakakatakot na ngisi sa labi.

“Hindi talaga nag iisip ang matandang yon” makapagsabi to parang sobrang tanda na ni principal. Matalim ang tingin bumaling ito sakin.

“Anong binabalak nyo ha?” I tried to hide my nervousness when they started to walk towards me with their evil face and smile.

“...Wag kayong lalapit! Dyan lang kayo”

“Alam mo... Hindi kana sana pumunta pa rito, kung ayaw mo mapahamak” malademonyong sabi ni drenei.

They slowly walking towards me like a demon with a some evil plan.

“Ano kaya ang magandang gawin dito?”

“Maganda't sexy pa naman”

What the heck are they planing to do?

Napaatras ako, hindi namalayan ang kulang na sila ng isa “W-what?—AH!” then someone grab me from behind. Shit!

SECTION 4 : The Hidden SectionWhere stories live. Discover now