CHAPTER 15

0 1 0
                                    

CHAPTER 15.

“LISTEN UP!... Everyone!” tawag ko sa mataas na boses dahil ang iingay na naman nila.

It's been a month since i started teaching them—well more like trying not to kill them because they're so annoying. And damn hard headed students!

Nagpatuloy ako kahit na nagiingay sila, pito lang sila ngayon pero akala mo'y isang daang tao ang nasa loob ng silid. Ganun sila ka ingay!

I need to announce this dahil mukhang hindi pa nila alam ang upcoming event ng school, they're still part of vanguard high, so dapat pa rin silang sumali. Ewan kung saan sila nag susuot at bakit mukhang hindi nila alam ito, may speaker naman dito na nilagay sa room kaya abot dito sakanila kung ano man ang iaannounce.

“Good morning students! The SSG officers would like to announce the upcoming dance craze compitation for senior high school students, each ranks is expected to have their one representative to join. We will announce more info tommorow..” tamad kong basa sa papel na binasa ko rin kanina nung nag-announce ako sa pager.

Nag taas ako ng tingin sa mga unggoy na nasa harap ko, nakataas ang kilay ng mga ito habang nakamasid sakin.

“What?” tanong ko pero ang mga loko inirapan lang ako.

I sigh “You need to participate. You need to represent your rank... Rank four?” I said as a matter of fact.

“Hay nako warden, Baka nakakalimutan mo kung sino kami? Hindi kami bagay dyan!” angal ni ares na naka upo sa ibabaw ng lamesa.

“Tama. Saka anong gagawin namin don? E outsiders nga kami diba?” segunda ni drenei.

“Anong outsiders? You're still a part of vanguard high's students”

“Men..” tawag sakin ni fourth, ewan ko kung bakit iyon ang tawag nya sakin. Hindi ko na kasi tinanong “Gusto man naming sumali. Hindi talaga pwede dahil puro kaliwa ang paa namin” pag amin nya at agad syang nakatanggap ng masasamang tingin sa mga kaibigan.

I rolled my eyes, ready to scold them but someone interrupt.

“Puro kaliwa ang paa mo master? E bakit sakin hindi? Kaya pala parang gorilla ka maglakad” inosenting saad ni steve.

Napuno ng tawa ang buong classroom dahil sa sinabi nya, kahit ako hindi napigilan ang mahinang tawa na lumabas sa bibig ko.

Si fourth naman ay parang papatayin si Steve sa sama ng tingin nya dito.

“Buang kaba? Tanga lang? Hindi ko sinabing literal na puro kaliwa ang mga paa ko. It's a form of speech” nagtitimping saad nito. Yung kamay nya ay naka porma pa na parang pinapaintindi nito kay steve ang huling sinabi. “At anong parang gorilla maglakad, ha? Ang astig ko kayang maglakad” dagdag pa nito at talagang tumayo pa ito at naglakad na parang model.

Infairness bagay.

Napalitan ng palakpakan ang ka inang tawanan dahil sa ginawa ni fourth.

Pumalakpak rin si Steve at manghang nakatingin kay Fourth “Wow. Ang galing, parang kang model master.”

Tinanguan naman sya nito sa ma hanging paraan and he even smirked.

Napailing nalang ako “Tama na yan. Kahit anong sabihin nyo. Sasali kayo, and since I am your student-teacher. I will help you. Magpa-practice tayo ngayon. Go change into some comfortable clothes and we will start practicing, be back immediately” I said bago sila pinalabas dahil walang cr dito sa loob ng classroom alangan naman dito sila mag hubad lahat.

At ang mga loko tamad pang lumabas.

I ready have their choreography and music kaya wala ng problema doon, practice nalang ang kulang.

“Saan naba ang mga 'yon?” naiinip na sabi ko. It's been half an hour but they're still not here.

Grabe namang magbihis ang mga 'yon at inabot pa ng kalahating oras?

Inis na lumabas ako sa classroom at bumaba ng building para hanapin sila but I guess there's no need to do that, dahil paglabas ko palang ng building namataan ko na sila na nagtutumpukan na namn sa tabi ng puno kung saan nila ako tinali noon.

Nameywang ako habang kunot noong pinagmamasdan sila. Naghihiyawan sila at May tumatalon-talon pa.

Wow, galing. Kanina pako naghihintay sa taas para lang pala sa wala. Ni hindi nga sila nakapag bihis, naka uniforms pa rin sila.

Mabilis ang hakbang ko papalapit sakanila. There i saw those remote control cars na pilit nilang pinagkakarera. Fourth and theus was the one controlling the cars. May maliit pa na bandera sa gilid Para malaman kung naka ilang laps na.

“Tangina! Wag kang papatalo master”

“Parang tanga namang sasakyan yan! Bakit ang hina ng andar mo?”

“Natatalo na tayo ni master, theus ano ba!?”

“Teka lang! Ang init lumayo nga kayo sakin. Pangsasapakin ko kayo”

“Shuta! Malaki ang pusta ko sayong sasakyan ka, kaya umayos ka. Bilisan mo!”

Feeling ko may imaginary smoke na lumalabas ngayon sa ilong at tenga ko dahil sa mga narinig. Inip na Inip akong naghihintay sa taas tas nandito lang sila at nagpupustahan?

Mabilis at malalaki ang hakbang akong lumapit sakanila. With force, binatukan ko nag bawat isa sa mga pasaway na ito.

Malulutong na mura ang pumalibot sa lugar, kaya sinamaan ko sila ng tingin. They look back at me with the same piercing glare.

“Mga yawa kayo! I've been waiting for all of you inside the classroom then nandito lang pala kayo!... Naglalaro?” i never been mad like this in my entire existence. Kapag ang mga ito na ang gumawa ng kalokohan, lumalabas talaga ang pagiging mainitin ng ulo ko.

I handled every pasaway students inside viden, calmly. I never showed emotion when handling such students. Pero pagdating sa mga ito, lumabalabas talaga ang mga emosyong pilit kung itinatago.

Kagaya ngayon.... I'm mad!

“Dapat nakapag-practice na tayo ngayon kung kumilos agad kayo at hindi inuna ang laro. Edi sana kahit yung first step lang saulo nyo na... Pano tayo mananalo nyan?”

Natigil ako sa pagsasalita ng biglang may umakbay sakin.

“Men, don't panic, it's organic” seryoso ang mukhang saad ni fourth. Pero kahit anong seryoso nya hindi pa rin nakaligtas sa mata ko ang pagpigil nya ng tawa... Kumunot pa ang noo nya para pigilan ang tawa.

Anong don't panic, it's organic. Minsan talaga magsasalita nalang ang lokong to, iyong wala pang kinalaman sa pinag uusapan.

Inangat ko ang siko ko para sana sikmuraan sya kaso mukhang nakita ng mokong kaya bigla itong tumakbo palayo sakin habang tumatawa, kaya ang mga natitira ang binalingan ko ng masamang tingin. They look at me too, and just a split seconds I found myself chasing them with a stick that i found.

Minumura ko sila habang hinahabol sa open field habang sila naman ay tawa ng tawa, halatang enjoy na enjoy silang makita ang Inis sa mukha ko.

'Couse ever since na nakilala ko sila, alam kong sinasadya nila lahat ito para mapaalis ako, lahat ng pangiinis, lahat ng kabalastugan. I don't know the reason at first pero habang tumatagal na figure out kona kung bakit.

They just scared to trust.

But I will change that. “You can trust me, the same way i trust all of you”

One month is enough for me to trust all of you.

SECTION 4 : The Hidden SectionWhere stories live. Discover now