CHAPTER 14.
THEY KEEP SILENT, until someone open the door. Nalipat ang tingin nila doon. They have this bored look when as i was talking in front of them kanina, I fell like they didn't take me seriously!
“Fourth! Ba't ngayon ka lang? Sayang hindi mo naabutan yung magandang view kanina” natatawang sabi ni theus.
“Oo nga! Wrong timing ang dating mo” segunda ni drenei.
Kumunot ang noo nito ng lumingon ako sakanya at seryosong tinignan ang mga kasama sa loob.
I didn't turn to him because a know him but because the name they called was familiar.
Lalong nagsalubong ang kilay nito ng makita ako “Anong ginagawa mo dito?” I was shock when i saw his face, he's the guy from yesterday.
“Anong ginagawa mo rin dito?” kunot noo ko ring balik sakanya.
“Classroom ko 'to e” kibit balikat na saad nya at tamad na dumeretso sa upuan nya.
I was stunned pero hindi ko pinahalata. Right, isa pala sya sa mga estudyante dito. Bakit ko ba nakalimutan 'yon?
“You know her, fourth?” Steven ask.
Inosenting akong tinignan nung lalaki, then agad na binalik ang tingin kay fourth.
Tumango naman ang kausap “I met her yesterday—” aniya pero agad rin napatigil sa sasabihin ng mukhang may maalala ito, kalmado nyang nilingon ang mga classmates nya “Ano palang ginawa nyo kahapon sakanya? Bakit naabutan kong nakatali sa puno 'to kahapon?” turo nya sakin.
Nag iwas ng tingin ang mga loko at yung iba nag kunwari pang may ginagawa, yung iba naman ay halatang natatawa. Siguro dahil naalala nila yung ginawa nila kahapon sakin.
Assholes!
“Wala kaming ginagawa. Malay ba namin kung bakit nakatali yan sa puno kahapon” maang-maangan ni drenei.
“Baka trip nya lang?” kunwaring naguguluhan ring tanong ni theus.
Sinang ayunan naman ng lahat.Feeling ko tumaas lahat ng init sa ulo ko dahil sa sinabi nila.
“What the heck are you all talking about? You're the one who tied me there yesterday” mariing sambit ko.
Theus acted like he was shock to know about it “Luh? Kami ba? Hindi kami inform”
“Nagka amnesia yata ako, hindi ko maalala e” segunda ni matthew.
Napamaang ako sa sinabi nila, they're acting innocent! Akmang susugod na sana ako nang tumayo bigla si fourth at bintukan silang lahat.
Napuno ng malulutong na mura at aray ang buong classroom.
“Mga gago, umayos kayo, nakakahiya kayo. Ganyang ba natin ituring ang isang babae ha?” he scolded them, hindi naman pala masama ang isang to “Mga gentleman tayo dito, hindi natin gawain yan.”umiiling na sabi nya.
Okay na sana e, kaso masyadong mahangin ang pagkakasabi nya non.
“Paano pala kung hindi ko nakita itong si...” napatigil ito sa pagsasalita at bumaling sakin at bumulong “Ano nga pangalan mo?” napangiwi ako at inirapan sya.
“Eya” maikling sagot ko.
Tumango sya “... Si eya? Edi naabutan sya ng dilim doon sa puno ng mag isa? Ang dami pa namang lamok at insecto doon kapag dumilim na. Paniguradong takot na takot sya nung iniwan nyo sya doon. Kumagakat na ang dilim nung nakita ko sya, she was like a cute scared puppy tied in that tree ” parang kawawang kuting na sabi nya.
He even intertwined his hand in front of him and look at me with puppy eyes.
#Disgusted...
Yan ang nararamdaman ko ngayon sa mukha nya.
What the hell?
I don't feel scared that time but instead I felt frustrated!
“Mabuti nalang talaga nandoon ako kung hindi...” napaatras ako ng bigla syang humakbang papalapit sakin, as in sobrang lapit and he even cupped my face with his both hands! “Hay~ Paniguradong takot na takot ka nung iniwan ka nila doon no? Mabuti nalang talaga mabait ako” mas lalo akong napangiwi sa sinabi nya, anong konek?
Magsasalita pa sana sya ng hawiin ko ang kamay nya na nakahawak sa dalawang pisngi ko. Napaatras sya ng bahagya at napatingin sa dalawang kamay nya na parang nakahawak pa rin sa pisngi ko ang posisyon nito.
“What the heck are you saying? Anong konek ng lahat ng sinabi mo sa nangyari? And excuse me, hindi ako takot sa dilim” inirapan ko silang lahat at bumalik na sa harap. Tuluyan ng nakalimutan ang nangyari kanina.
Wala namang kasing konek ang lahat ng sinabi nya sa naramdaman ko kahapon.
Napailing nalang ako.
Ganun palagi ang scenario kapag pumapasok ako sa classroom nila, kung hindi away, kulitan naman ang ginagawa. Sa loob ng isang buwan ni isang beses hindi pa yata kami nakakapag lecture ng maayos.
Palagi kasing may commercial. And that damn fourth is pestering me everytime na nandoon ako sa room nila.
Iniisnob ko na nga pero ang loko parang wala lang sakanya kung hindi ko sya pinapansin. Puro sya dada.
And the thing I notice about this class was their was only a few students registered. Mga sampu lang pero pito lang ang pumapasok palagi.
I know isang buwan nako nagtuturo sakanila pero ngayon ko lang napansin! Paano na naman kasi ang lalakas mang-trip ng mga 'to! Kung hindi nila tinatago ang choke na dala ko, iyong black board naman ang tinatago nila! Mga bwesit.
Literal na binabaklas nila yung black board sa ding ding! I was schock when I entered their classroom and the black board was nowhere to be found!
Meron ding isang araw non, martes 'yon. Papasok nako ng room nila ng mamataan ko sila sa field na nagtutumpukan.
Kumunot ang noo ko habang nakamasid sakanila, kaya pala ang tahimik ng classroom dahil wala pala dito ang mga unggoy.
Sa isang minutong pagmamasid ko sakanila ay wala namang nangyari, but the moment i was about to call them... Nagulat ako ng biglang may pumutok and something flew to the air—it was the 3D skeleton figure that I brought here! Nag hiyawan ang mga loko habang pinagmamasdan 'yon. With fourth na syang pinuno ng kalokohan na iyon.
Parang papel na sumasayaw sa hangin ang katawan ng skeleton na iyon, at tuwang tuwa ang mga loko.
It was a very humorous sight pero hindi ako natutuwa. Dinala ko iyon dito para kahit math ang itinuturo ko sakanila ay may alam naman sila sa ibang subject, hindi para paglaruan ang kawawang kalansay na iyon!
Namataan ako ni fourth ng bumaling sya sa pwesto ko at mukhang hindi nito nahahalata na galit ako dahil masaya pa syang kumaway sakin. Hawak nito ang wire na ginamit nila para sa self-made na basuka.
Malaki ang ngiti nito sa mukha.
Sakanilang lahat sya lang ang hindi galit sakin ng napunta ako dito sa teretoryo nila, yung iba inabot pa ng dalawang linggo para lang pakisamahan ako.
Minsan nga masama pa rin ang tingin sakin ng iba nyang kaklase but with him around they're backing down and just shutting up.
Kaya minsan hindi ko rin magawa magalit sakanya kasi, I hate to admit but he's reliable sometimes. Kahit loko-loko.
“Good morning, teacher ma'am!” natatawang sigaw nya.
Inirapan ko lang sya, hidden' the small smile trying to creep out from my lips.
I really don't know what to do with you anymore.
YOU ARE READING
SECTION 4 : The Hidden Section
Teen FictionThey are the last section of VANGUARD HIGH! They are the Hidden Section. SECTION IV Posted : February 14,2022 - Picture used for the cover is not mine, Cttro.