CHAPTER 4.
“WHO THE HECK is fourth?” kunot noong tanong ni Christine habang tinitignan ang hawak na name plate.
Yung nakita ko kahapon sa likod ng building. Nagkibit balikat lang ako, hindi ko naman kasi alam. I keep it para sana isauli kinabukasan pero kanina ko pa inannounce kung sino man ang may nawawalang name plate ay kunin lang sa SSG office.
Pero namuti lang ang mata ko kanina sa loob, wala ni isang pumasok.
“Saan mo ba nakita yan, eya?” si dani habang inaayos ang mga ballpen nya sa loob ng pencil case.
“Sa likod ng building kahapon” nandito kami ngayon sa library. Doing some research about our topic kanina.
“Maybe one of the students dropped it habang may ginagawang kababalaghan sa likod ng building” nakangiwing saad ni dani.
Tumango si Christine bilang pagsang ayon. I shrugged, dahil kung ganun nga baka nahiya 'yon na kunin ang name plate nya. Katulad ng sinabi ko, doon pumupunta ang mga estudyenteng may gustong gawin ng kung ano ano at tambayan yon ng mga nagc-cutting class. Mga matitibay ang loob, hindi takot ma-expel.
“Imbes na yan ang isipin mo, eya. Tulongan mo nalang ako sa assignment ko. HEHE”
Inirapan ko si Christine. Hindi naman bobo 'to, tamad lang magsulat!
Doon kami inabutan ng time sa loob ng library. May klase kami ngayong hapon dahil bukas wala ang teacher namin sa TVL, nanganak daw yung asawa nya kaya yung substitute teacher ang kukuha ng assignment na ibibigay nya ngayon.
“Your substitute teacher will be the to collect your assignmen tomorrow. I'm expecting everyone to please behave, dahil wala ako bukas. Understood?”
“Yes, sir!”
See? Told 'ya! Ganyan sila kapag absent sila kinabukasan, magbibigay ng sangkaterbang assignment.
“.... How about treasure hunting?” suggest ng secretary ng Ssg. Para syang sinampal ng floor wax sa pula ng pisngi nya.
As I said kahapon, ngayon namin ic-continue ang meeting. Hapon na. Nakauwi na sila siguro ni dani.
“Treasure hunting?” the treasurer.
“Yeah! There's physical exercise involve in treasure hunting too and also it helps the students to be cooperative, trust thier teammates, and there will be a lot of running around”
Tumango ang treasurer “Cardiovascular endurance”
“I think its fun naman. Yung treasure hunting” sang ayon ng P.I.O.
“What do you think, president?” baling sakin ng Sgt. At arms, si Ryan.
Binuka ko ang bibig para sana magsalita pero inunahan ako ni adral.
“It's a good suggestion, Miss. Secretary. Treasure hunt it is” sabi nya ng may pinalidad.
Salubong ang kilay ko habang tinitignan ko sya “Si president ka?” sarkastikong Saad ko.
Nilingon nya 'ko. Narinig ko ang hina ng pagtawa ng Sgt. At arms at ng treasurer.
“May I remind you Mr. Adral that im the president here” seryosong sabi ko.
Tinaasan nya ko ng kilay “I'm sure na ganon rin ang sasabihin mo diba? Inunahan lang kita” he smirked.
“Even so! That didn't give you the right na pangunahan ako. You're the vice president here, not the president. Always remember that”
Inirapan ko sya at hinarap si nancy, the secretary, na nasa gilid ng white board. Kung Gusto nyang maging president sana sa pagka-presidente sya tumakbo! Bobo din e!

YOU ARE READING
SECTION 4 : The Hidden Section
Teen FictionThey are the last section of VANGUARD HIGH! They are the Hidden Section. SECTION IV Posted : February 14,2022 - Picture used for the cover is not mine, Cttro.