CHAPTER 13.
A LONG SILENCE surrounded us. The moment he finished saying that, I question myself too. He's right, I didn't said please when i ask him to untie me.
I saw him smiled gently before slowly walked towards me and the next thing i know, I was untied.
Napahawak ako sa gilid ng braso ko dahil masakit ito sa sobrang tagal na pagkakatali.
“Ayan... Nakawala kana. Umuwi kana, maggagabe na baka hinahanap ka na sa inyo. Ingat ka” sabi nya bago tumalikod. He's walk is now normal hindi kagaya kanina na sinasadya nyang magpabagal ng lakad.
Mariin kong kinuyom ang kamay ko. I was guilty kanina kahit ito lang masabi ko sa kanya.
“Thank you” mahinang sabi ko. It almost came out as a whisper.
He halted and he look back at me.
“Wag kang magpasalamat kapag nakokonsensya ka lang, okay? 'Cause I feel like you're just forced to thank me, but your welcome anyway” he said while smiling then wink before turning his back on me and continue walking.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan sya papalayo. What's wrong with that guy? I said thank you na nga e. Tas hindi pa okay sakanya yun?
I crossed my arms below my chest then I remembered, I need to get out of this place. Dumidilim na.
I hurried my way back to the campus, hindi ko na inabala pa ang sarili na balikan sa classroom na 'yon ang gamit ko. Nakapatong lang yun sa lamesa nila, wala namang nanakawin doon maliban nalang kung pati notebook gusto nilang kunin.
Pagkarating ko sa labas ng gate ay doon ko nakita si tatay rudy na hindi mapakali sa kakapindot ng cellphone. Rinig na rinig ko na rin ang mga sinasabi nya mula rito sa taas ng boses nya. Pati yung guard hindi na alam ang gagawin.
Ilang sandali pa ay nagawi sa pwesto ko ang tingin nya kaya nanlaki ang mata nito saka patakbong pumunta sa harap ko.
“Dyosko, hija! Saan kaba galing? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay dito pero hindi ka lumabas kaya pinasok na kita sa loob para hanapin pero hindi kita makita!” puno ng pag-aalala ang boses nito.
I smiled to him “May ginawa lang po ako, pasensya na. Naiwan ko kasi yung cellphone..... ko?” nagsalubong ang kilay ko ng maalala yung cellphone ko.
“Shit!” bulalas ko saka kinapa ang bawat parte ng ng uniform ko na may bulsa.
I can't find my phone!
“Ayos ka lang ba?” takang tanong ni tatay rudy.
Napapikit nalang ako ng mariin ng maalalang nasa bag ko iyon!
Huminga ako ng malalim para kumalma “Opo. Opo. Ayos lang po ako” this is those bastards fault!
“Ang mabuti pa ay umuwi na tayo. Nag aalala na rin si nanay linda mo sayo” sabi nya at binuksan ang pintuan ng back seat ng kotse.
Tumango naman ako saka pumasok na. I feel bad for worrying nanay linda. Hindi sana sya mag aalala kung maaga lang ako umuwi pero ng dahil sa mga lokong 'yon dilim na ko uuwi sa bahay!
When we arrive at home, hindi ako dumeretso sa kwarto kundi sa kusina kung saan panigurado si nanay linda ay naroon nagluluto.
“Dyosko hija. Ayos ka lang ba? May nangyari ba sayo? Bakit ngayon ka lang umuwi?” sabi nito ng namataan nya 'ko.
I said sorry and assure her that nothing happen and I'm okay before i went upstairs.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay pagod na pagod na bumagsak ang katawan ko sa kama. Ahh~ this feels nice.
YOU ARE READING
SECTION 4 : The Hidden Section
Novela JuvenilThey are the last section of VANGUARD HIGH! They are the Hidden Section. SECTION IV Posted : February 14,2022 - Picture used for the cover is not mine, Cttro.