CHAPTER 5

1 1 0
                                    

Sorry for the typo's and wrong grammar🤪

-*—*-

CHAPTER 5.

FOR THE WHOLE month ang pag prepare lang for the event ang ginawa namin. I was busy doing errands as the president dahil kawawa naman kung ang sa ibang members ko pa ipagawa ang dapat ay saakin.

The plan for treasure hunting was already finished nung last last week pa. Hindi ako masyadong nakakagala kasama nila dani dahil sa dami ng gagawin, nagtatampo na nga.

Binawi na ng parents nya ang pagiging grounded nya kaya nakakagala na ulit at binalik na rin ng parents ni Christine ang phone nya. Sobrang saya nga ng gaga.

Today, I will announce the game that everyone's going to play next week. Yes, next week na ang P.E month ng buong senior high school students.

“... Announcement for all senior high school students, regarding the preparations for our P.E month! We would like to ask everyone to please prepare for a treasure hunting game. Yes, you heard it right! We will have a treasure hunt inside our campus. The SSG officers decided to let all of you choose if you want to join or not, walang pipilitin...” nakikita ko sa malaking cctv screen dito sa security room na napahinto ang mga estudyante dahil sa announcement, may nakita pakong nagbubulungan. Maybe they're talking about it na already.

Nasa likod ko ang buong SSG officers nakatingin rin sa malaking screen. Tatlong malalaking screen ang nasa loob ng security room kaya kita mo talaga ang mga estudyanteng palakad-lakad. May mga maliliit rin, that's the computer they're using to monitor the whole school.

They have a lot of cctv camera's but then there is no cctv at the back of this center building. Why so?

“... So if you want to join, your homeroom teachers will list down all the names of those who wants to join. Your section will be your group, so kung anong section ka yun lang ang tanging magiging grupo mo at wala ng iba. Kapag nalaman namin na sumali ka sa isang grupo na hindi mo naman section? Automatic, disqualified! Not only you but also the whole section...” nung sinabi ko iyon ay natahimik ang mga nagbulong-bulongan. Now I know kung bakit, siguro akala nila pwede silang makapaggroup sa friends nila sa ibang section. Iyon siguro ang pinag-uusapan nila.

Well sorry but they will be your rivals in this game.

“... The SSG will let you choose your section's preferred color. Iyon ang magiging color ng damit nyo, you can wear anything comfortable but the color of your clothes should be your group's color. Teachers? You will have a meeting in thirty minutes after this, kaya idiscuss nyo na agad ang kulay na gusto nyo para walang mag agawan ng kulay. We have a lot of colors and mix colors students! Next week, I will announce the price that will be given to the lucky winners. That's all for today. Thank you” pagkatapos kong sabihin 'yon ay pinatay ko na ang mic.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Nilagpasan ko ang mga kasama ko. Gutom nako!

“Kayo na ang bahala sa natitirang gawain. Kaya nyo na yan” ang Huling salitang binitawan ko bago tuluyang lumabas sa security room.

Asana na kaya yung dalawang baliw na 'yon? Panigaradong nasa cafeteria ang mga yon.

Nilagay ko lang sa loob ng locker ang bag ko bago sinarado 'yon at umalis. Tinatamad ako magbitbit.

“Ang gandang pakinggan ng boses mo sa speaker kanina, alam mo ba yon?” bungad sakin ni dani. Umupo ako sa tabi ni Christine.

“Tama. Sa sobrang ganda kulang nalang manginig ang kalamnan ko sa takot dahil feeling ko serial killer yung nag-a-announce” nakangiwing sabi ni Christine.

Tinaasan ko sila ng kilay “OA naman”

“Anong OA? Alam mo bang parang ayokong sumali sa treasure hunting na yan? Kasi feeling ko hindi kayamanan ang makikita namin, kung ganun ang boses ng nag-announce!”

“Bakit ano bang mali sa boses ko? Normal lang naman yung pagkasabi ko kanina ah! Ganun ba ka pangit ang boses ko para sa inyo at ganyan kayo makareact? Ha!” Singhal ko.

Magsasalita pa sana ako ng isalpak ni Christine ang pizza sa bunganga ko. Salubong ang kilay ko habang nakatingin sakanya.

“Bibig mo, mars! Gutom kana kaya kumain ka muna. Histerical kana e”

Inalas ko sa bibig ko ang pizza at unti-unti iyon kinain.

“Hindi naman sa pangit ang boses mo maganda nga e. Bingi lang? Sinabi ko yun kanina. Ang sinasabi namin, sana nilagyan mo man lang ng feelings yung sinasabi mo. E, yung boses mo kanina ay mas malamig pa sa antartica! Nakakatakot!”

Tinuro ko sya “Parang ganyan?” natatawang sabi ko.

Natawa rin si dani dahil sa sinabi ko. Pano ba naman kasi habang nagsasalita sya parang sinintutan yung pwet nga dahil tumatayo sya ng kaunti tas uupo pabalik with matching nanlalaki pa ang mata.

“Too much feelings mars. HAHAHA!” tawa ni dani.

Busangot ang mukha ni Christine hanggang Friday dahil hindi namin sya tinigilan kakaasar araw-araw dahil doon sa reaction nya habang pinagsasabihan ako.

It was saturday night nung umuwi si mommy, sya lang dahil busy pa rin si daddy hanggang ngayon, kaya sakanya ko lang sinabi lahat ng nangyari sakin last month. Nanghingi pa sya ng sorry sa ginawa ni dad sakin last time pero sabi ko naiintindihan ko si dad kaya okay lang.

I know dad have a lot and high expectations from me, I'm his only child afterall, alam kong ginagawa nya 'to not for him but for me dahil in the end of the day, ako ang magmamanage ng kompanya. He's just preparing me. Actually, it's not about the grades ang dahilan ng ikinagagalit nya e. It's about how strong I am to overcome the challenges in school, on how strong I am to face my own self.

Dad wants me to be a strong woman and I know I am.

Nag-drama lang talaga ako nung chapter 1.

Napabuntong hininga nalang ako bago napagdesisyunang pumasok na sa loob. Nandito kasi ako sa garden, iniwan ako ni mommy dito.

Fitted jeans, baby blue t-shirt, and white sneakers and messy bun ang get-up ko ngayon. Ang mga girls sa SSG ang nag isip nito, gusto nga sana ng mga boys na black ang kulay namin kaso nga lang may naka una na  sa kulay na iyon.

Sa harap ng t-shirt naka-print ang logo ng school, sa likod nakalagay ang SSG officer, sa ilalim non ay ang posisyon ko, which is president.

Sa left chest nakalagay ang name plate ko. One more look at the mirror and I'm ready to go.

This is the day we all been waiting for. Magiging masaya 'to!

SECTION 4 : The Hidden SectionWhere stories live. Discover now