Chapter 4
Nakaka-miss din talaga ang dati kong mundo. Kahit walang magic doon ay payapa ang naging buhay ko. Kung hindi nga lang kontrabida ang mga professor ko na wala atang magawa sa buhay kaya tinadtad kami ng gawain, ayos ang buhay ko noon. May internet din, hindi katulad sa mundo na ito na no need na ata dahil may magic na kaya walang kahit sino man ang nagbigay importansya sa gawaing agham. Nakaka-miss din ang tunog ng mga sasakyan. Siguro naman ay hindi naman pang-stone age ang teknolohiya rito pero hindi rin ka-advance sa Earth. May sasakyan din siguro pero walang Ferrari.
Higit sa lahat, may makataong batas sa Earth. May human rights at due process. May mga lawyer at agency na pwedeng puntahan kapag naabuso ka. May mga knights naman dito na nagsisilbing mga police pero syempre, hawak sila ng mga nobles kaya no thanks na lang. Malupit din naman doon pero at least, hindi ka makakita ng mga monster at walang Demon King na dapat talunin. Sarili mo lang talaga ang kalaban mo at ang mga maretis sa kanto.
Pero rito, kahit ata putulan ako ng ulo ng Prinsipe sa harap ng mga kababayan ko ay walang magtatangkang kasuhan ang Prinsipe ng kasong murder. Wala rin child abuse, assault, violence against women and children, etc. Baka i-cheer pa ang walang puso na Prince Lir.
So hindi naman ako nagda-drama at walang planong gano'n ang Prinsipe. Wala kasi tinanggap ko ang 'negotiation' niya na one-sided. Ayos na sana 'yong plano ko na ako na lang ang solo na pupunta sa Kapital pero mukhang imposible 'yon mangyari kasi ang Hero party sana ang magsisilbing maretis ng balita na wala akong pamilya.
Ayos din ang pangako ni Prince Lir. 'Let's pretend that we ever saw you used an ancient spell. We won't tell anyone.' May dignidad naman siguro ang prinsipe at gagawin niya ang pinangako niya dahil Prinsipe siya, bawat salita niya ay dapat niyang panindigan.
So ayon nga. Para hindi mapahamak ang pamilya ni Hestia ay kinakailangan ko ngayong sumama sa Hero Party. Not that I have much choice. Imbes na negotiation ang nangyari, mas mukhang na-blackmail ako sa harap mismo ng pamilya ko. Kahit nga si Papa ay hindi nakaimik kasi alam niya. Sa presensya pa lang ng bawat membro ng Hero Party ay alam mo nang hindi makakaligtas ang kahit isa sa amin. Unang tingin, kahit pa ikaw ang Ama ay hindi ka na lang talaga makakaimik. Idagdag mo pa ang katotohanan na si Prince Lir ang kausap namin. Mabait pa ang Prinsipe nang ipinakita niya na interesado siya sa kapangyarihan ko at nag-alok na gano'n na kondisyon. Sa mundong ito na hawak ng mga royalties ang bawat leeg ng mga katulad naming mahihirap, ano nga bang laban namin sa kanila?
Ang desisyon ay halata naman. Sasama ako sa kanila. Iyon na 'yon at wala nang atrasan pa.
Kaso may isa nga lang ako na problema. Isang sobrang laking problema at kung pwede lang tumakbo na lang mula sa mundo na ito, baka nga magawa ko ngayon mismo pero baka lang naman.
Here's the thing.
Dahil Hero Party ang binubuo ni Prince Lir at ito ang mga tutulong sa Prinsipe sa paglaban sa Demon King, walang kasiguraduhan ang pagbabalik ng bawat membro. Hindi rin masasabi kung kailan sila babalik at ilang taon aabutin ang pakikipaglaban ng Prinsipe sa Demon King. Kaya nagbigay utos ang Hari na kapag babae ang isasali sa Hero party, automatically ay papakasalan ito ni Prince Lir at magiging asawa niya. Walang sinabi ang Hari na may limitasyon kung ilan, baka nga sinadya niya pa 'yon nang makarami ang Prinsipe. Siguro tuwang-tuwa 'yon kapag nalaman niyang naka-anim na si Prince Lir at magiging pito na ngayon.
Ang utos na ito ay para sa pamilya ng bawat membro. Upang hindi na sila umasa pa na babalik ang napiling babae at iisipin na lang nila na may sarili na itong buhay kasama ang Prinsipe, dahil nga walang kasiguraduhan ang kaligtasan nila. Isa pang dahilan ay para hindi mabakante ang trono. Nag-iisang prinsipe si Prince Lir, automatically ay siya ang Crown Prince pero baka abutin ng ilang pang taon ang paglalakbay at baka hindi pa makabalik si Prince Lir ng buhay. Matalino ang Hari at sinigurado niya na magkakaroon ng pagkakataon ang Prinsipe para makabuo ng tagapagmana ng trono. Isa pang matinding utos ng Hari, kapag nabuntis ang babae ay dapat siyang bumalik sa kaharian at doon magpatuloy ng pagbubuntis niya. Syempre, dahil delikado na ang buntis sa battlefield. May sekritong palatandaan din na binigay ang Hari kay Prince Lir kaya malalaman ng Hari kung ang babae na babalik ay nagsasabi ng totoo at may paalam sa Prinsipe.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...