(A/N: Hey! Sorry for the long wait! Thank you always for the support and patients! Love lots! Muah!)
Chapter 20
Nagsimula ang pagdiriwang nang dumating na sa loob ng lugar ang Royal family. Dumating sila mula sa pintong dinaanan namin kanina ni Prince Gash. The crowd parted way better than it did when we walked in. Pumasok at naglakad papunta sa trono ang Royal Family. Nauna ang Hari at si Reyna Lilybelle. May katandaan na ang Hari, halata ito mula sa mukha niya at sa balbas. Kung matangkad na si Reyna Lilybelle ay mas matangkad pa sa kanya ang Hari at mas malaki ang pangangatawan. Kulay blonde ang buhok ng Hari, halos magkasingtulad ng kay Prince Lir. But his eyes are cold brown. It's way more with authority than Queen Lilybelle's. Kung si Reyna Lilybelle ay nagawa akong mapatawad sa pagtayo ko sa harap niya, ang pakiramdam ko sa Hari na ito ay hindi niya ako mapapatawad kapag binastos ko siya. Siguro kung siya ang sumalubong sa amin ay unang kita niya sa akin sa harap ng pinto, pinugutan niya na ako ng ulo.
Iba ang mga taong may malakas na intimidation kasi posibleng sa panlabas lang na anyo o dahil sa katayuan na alam mo na hawak nila. May rason kung bakit pakiramdam mo ay nanliliit ka sa harap nila. That's what I felt when I stand in front of Kesic's King and towards Queen Lilybelle. Pero ang Hari ng Elvian na walang bahid ng ngiti sa mukha, ando'n ang takot na baka kapag hindi ka nakatingin ay sasaksakin ka niya. That feeling that no one ever will please this man even the Queen itself. But it's just my feeling.
May tatlong anak na kabilang sa Royal Family pero mga bata pa ito. Dalawang babae at isang lalaki ang tatlo. Ang pinakamatanda ay isang Prinsesa na halos kamukha ni Reyna Lilybelle. Ang sumunod ay ang Prinsipe na genes naman ng Hari ang lumitaw. Samantalang ang bunso ay isang munting Prinsesa na may halong genes mula sa mga magulang niya. I estimated that the oldest will be the same age as Hob while Prince will be the same age as Hyen. The last is barely five years old.
Nang makarating sa trono nila ay si Queen Lilybelle ang unang nagsalita. Samantala ay nanatiling naupo lang sa trono ang Hari. Queen Lilybelle handles the event introduction so well. As expected of a Queen. She welcomed everyone. Thanked everyone who did their best to attend. Kahit nga ang mga kilalang tao na tumulong sa pag-ayos ng pagdiriwang ay pinasalamatan niya rin.
Habang nagsasalita ang Reyna ay hindi ko mapigilan tignan ang mga katabi ko. Minutes ago we united with Prince Lir's group. Nasa unahang bahagi sila ng crowd. Nang makita ko sila ay nakahinga ako ng maluwag. Napagtanto ko kasi na hindi lang pala ako ang may kakaibang damit. Sila rin. Hindi man kaparehas ng suot ko pero pawang hindi normal na balloon type na gown. Pero ang kaibahan nito mula sa normal na suot ng mga tao ay nagpaangat pa ng kagandahan ng mga membro ng Hero Party at kasama na ako roon.
Prince Lir is with them. Nang lumapit kami ni Prince Gash ay may hindi siya maipintang ekspresyon sa mukha. Hindi siya kumibo nang lumapit kami kaya hindi ko rin siya pinansin. Imbes ay tumabi ako kay Florae na sobrang ganda ngayon. Kung ako man lang ang e-evaluate ng mga Elf na nasa event ay si Florae ang pinakamaganda at mabait pa.
Nang natukoy ng Reyna ang Hero Party at si Prince Gash ay napunta agad sa amin ang atensyon ng lahat at palakpak. Mukhang fond talaga ang mga tao rito sa Hero Party. They are giving us too much praises that it felt kind of heavy to carry.
"Ang Hero Party ay may mga bagong membro," na-alerto ako nang narinig ko ang sinabi ng Reyna. "Bibigyan natin sila ng oras na magpakilala sa harap nating lahat at maipakita sa atin ang kapangyarihan nila."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Prince Lir. May ganito pala pero bakit hindi niya sinabi?! Kahit si Florae ay nagulat din. Ngunit wala na kaming oras para manatiling magulat. Dahil diretsyo nang tumingin sa amin ang Reyna at lahat ng bisita sa pagdiriwang. Lahat ay naghihintay na sa amin at siguradong hindi sila matutuwang maghintay ng matagal. Kaya ang ginawa na lang namin ni Florae ay hawak kamay na pumunta sa gitna ng unahan. Kung saan may espasyo para sa amin.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...