Chapter 3
Si Mama ang una kong nakausap sa mundong ito nang magising ako bilang Hestia. Syempre, nagpa-panic pa ako ng mga panahon na iyon. Ngunit ang mapagmahal na boses ni Mama ang kumalma sa akin. Isa akong alila kaya malaki ang impact sa akin ang mayakap ng isang ina. Pakiramdam ko noon ay kahit nasa iba akong mundo at nasa hindi familiar na lugar ay ayos lang dahil ligtas ako sa yakap ni Mama.
Ang sumunod na nakausap ko ay si Papa. Malakas ang tindig ni Papa at hahanga ka sa bawat galaw niya. Hindi komportable ang makausap siya pero dahil sa ngiti niyang nag-aalala sa akin ay nawala ang kaba ko. Unang hawak niya sa mga kamay ko alam ko, hindi ako sasaktan ng tao na ito.
Unti-unti ay naka-adjust ako dahil sa tulong nilang dalawa. Unti-unti ay nagustuhan ko na rin ang lugar at mundo na ito. Dahan-dahan ang mga alaala ko sa Earth ay naging alaala na lang ni Hestia sa dati niyang mundo. Dahan-dahan ay natanggap ko na ako na nga si Hestia Daidre at nakaraan na lang si Evelie Concepcion.
Si Hob, hindi kami magkasundo ng una. Pakiramdam ko rin noon ay nabuking niya ako na hindi na ako ang ate niya. Ngunit nang binigyan ko siya ng laruan na kahoy na espada ay bumukas ang puso niya sa akin. Ilang araw pa ay tinawag niya na rin akong 'Ate' sa wakas.
Samantala ay sobrang bata pa ni Heyn at Hyentia. Nang lapitan ko sila ay pareho silang naging malapit sa akin. Si Heyn ay mayabang at matapang na talaga kahit bata pa. Habang si Hyentia ay iyakin kapag iniiwan mong mag-isa sa lapag.
Hindi ko man ako nagising at nakilala sila simula ng pinanganak dito si Hestia ay sa anim na taong kasama ko sila ay napamahal na sila sa akin ng totoo. May pamilya nga ako sa dati kong mundo at malaki ang utang na loob ko sa Tita ko at mga pinsan ko pero iba pa rin ang kapag meron kang sarili na pamilya kung saan may Mama at Papa ka na matatawag. Kung saan may mga kapatid ka na tatawag sayo ng Ate. Sila ang pinakadahilan ko kung bakit mas gugustuhin ko na manatili sa lugar na ito at dito na mabulok. Na kahit hindi na ako mas lumakas pa ay ayos lang. Kahit pa kutyahin ako ng marami dahil akala nila ay mahina ako ay ayos lang. Nabuhay ako ng twenty two years sa Earth nang walang kapangyarihan at kaya ko rin mabuhay ng gano'n dito.
Sila lang ang importante para sa akin. Sila lang at wala nang iba.
Kung kaya kung mapapahamak sila, hindi ko na alam kung ano pa ang magiging dahilan ko para manatili pa sa mundo na ito.
Malayo pa lang ay nakikita ko na ang malakas na apoy sa kagubatan. Bumaba ako sa may bahay namin at sa likod noon ay nadatnan ko sina Mama at Hyentia na magkayakap. Pareho silang nakaharap sa nag-aapoy na gubat. Hindi nila kasama sina Papa.
"Ma! Sina Papa?"
Agad akong niyakap ni Mama nang makalapit ako. Base sa panginginig niya ay mas malala pa ang nangyaring trahedya. Yumakap na rin sa akin si Hyentia.
"Anak, sina Papa mo ay nasa gitna ng gubat. Sinusubukan nilang talunin ang Salamander na sanhi ng sunog. Kapag hindi kasi natalo ang Salamander ay patuloy lang itong manununog," sabi ni Mama na puno ng pag-aalala.
"Sige, susunod ako kina Papa pero lumikas na kayo rito, 'Ma. Doon na lang kayo sa may sapa maghintay dahil siguradong aabutin na ng apoy ang lugar na ito."
"Pero Ate, ang bahay natin." Napalingon din ako sa bahay namin. Naalala ko ang mga masasayang araw namin sa lugar na 'yan. Ang anim na taon na mga alaala namin na magkakasama-sama. Tama si Hyentia, hindi pwedeng masunog ang mahal naming bahay.
"Ako nang bahala, bunso. Hindi 'yan hahayaan masunog ni Ate."
Iyon lang at sumunod na sa utos ko sina Mama. Minuto lang at mag-isa na lang ako sa may bahay namin. Ngayon, oras na para tawagin ang ulan.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasiEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...