Chapter 23

588 31 4
                                    

(A/N: Hello! How are you guys this week? Stress na ba agad sa buhay? If no, that's great news. If yes, I feel the same. Anyway, the year is still starting so hold on tight; the road is still long and fighting!

Here is the update for this week. Enjoy reading and thank you for waiting!)


Warning: Unedited. Might edit out later!


Chapter 23

Ilang lakad pa ang ginawa namin ni Prince Lir bago marating ang pakay na destinasyon. Ang bahay ng Seer ay isang malaking puno. Kung saan may butas sa katawan mismo nito. Malaki ang butas kung saan kaysa pumasok ng nakatayo ang isang tao. Sa butas ay may makikita kang hagdan pababa sa lupa. Ang hagdan ay gawa sa pantay na bato habang sa gilid nito ay makikita ang ugat ng puno at lupa.

Si Prince Lir ang unang pumasok at sumunod lang ako. Una ay aakalain mong madilim pero sa dulo ng hagdan ay makikita kang halaman. Ang bulaklak nito ay katulad ng nasa Kastilyo at nagbibigay liwanag sa daan papunta sa pintuan. Gawa sa kahoy ang pintuan at kita mo ang mga vines na nakadikit dito. Isang tanda na matagal na itong ginawa sa lugar. May metal na handle nakakakabit sa gitna ng pintuan. Gamit iyon ay kumatok si Prince Lir.

Base sa gawi ni Prince Lir ay hindi ito ang unang beses na punta niya rito. Alam na alam niya kasi kung saan eksaktong parte ng kagubatan na ito ang lugar ng Seer at kahit ang pagpasok niya sa butas ng puno ay kampante siya na walang dapat ikabahala sa lugar. Usually kasi, kapag bago ka sa lugar, kahit ikaw pa ang pinakamalakas ay awtomatik kang mag-iingat at maghihinay-hinay. Pero kahit isa roon ay hindi ginawa ni Prince Lir. Unless if Prince Lir is a careless person. I just hope he is not.

Dahan-dahan bumukas ang pinto. Mula sa loob ay may bumungad sa amin na isang lalaking dwarf. Nang makita niya si Prince Lir ay agad siyang nagbigay galang pero yumukod lamang siya at hindi nagsalita. Natulala naman ako sa nilalang. Hindi ko inaasahan na makakita ng isang dwarf sa personal. Kumpara sa alam kong itsura ng dwarves ay walang balbas ang nasa harap namin ngayon at hindi rin mahaba ang buhok niya sa ulo. Ang taas niya ay umaabot sa balikat ko at payat siya kumpara sa dwarves na laman ng pandayan. Malaki ang mga paa niya kumpara sa normal na nilalang at kayumanggi ang kulay ng balat niya.

Galing sa likod ng dwarf ay may bumungad muli sa amin na bagong nilalang. Ngayon ay isa na itong lalaking Elf. Katulad lang ng normal Elf ang features nito pero kakaiba lang siya dahil sa kulay itim niyang buhok. Karamihan kasi sa mga Elves ay may shade ng green ang buhok nila. Isa sa posibleng dahilan ay ang magic attribute nila na flora. Malawak ang ngiti ng Elf na siyang nagpaliwanag pa lalo ng mukha niya.

"Maligayang bati, Mahal na Prinsipeng Lir," bati nito sabay yukod sa harap mismo ng Prinsipe. "Hindi namin inaasahan ang pagdating niyo pero isang kangaralan ang pagpunta niyo, mahal na Prinsipe."

And the Elf certainly has a sweet tongue. Nang napansin ako ng Elf ay nagbigay galang din siya sa akin kahit pa hindi niya alam kung sino ako at anong katayuan ko. Siguro kaya gano'n dahil kasama ko si Prince Lir at casual lang ako na nasa tabi niya.

"Ako nga pala si Frences, isang Healer. Maligayang pagbati rin, Binibini...?" He is answering my name so I answered.

"Hestia Daidre," sagot ko. Tumango siya bilang pagtanggap at gano'n din ako.

Isa siyang Healer kung kaya malinaw na hindi siya ang Seer na hinahanap ni Prince Lir. Sabagay. Kung titignan si Frences ay sobrang bata niya pa para masabi na lagpas isang daan na ang edad niya. Kung titignan ay parang magkasing edad lang sila ni Reyna Lilybelle.

Pagkatapos ay inanyayaan kami ni Frences na pumasok at magpahinga sa sala. The place is more like an underground facility than a tree house. Kumpara sa labas ay malawak sa loob at hindi makalat. Gawa sa bato ang flooring ng lugar at kahoy naman ang dingding. Sa sala ay may upuan na kahoy at gitnang mesa. Makikita mo rin na maraming shelves ng libro ang makatayo sa dingding at ang ilaw ay galing sa parehong bulaklak na nasa labas ng pinto. May bintana pero maliit na butas lang iyon na bahagyang mataas at may salamin na harang. Sa tabi ng sala ay kita mo ang mahabang lababo sa kaliwa. Nando'n ay mga gamit nila sa pagkain at pagluto. Mula sa inuupuan ko ay kita mo na naghahanda ng pagkain at inumin sa amin ang dwarf. Sa bandang gitna ng sala ay isang pasilyo ang makikita. Papasok iyon at sa tingin ko ay ito ang daan papunta sa ibang bahagi ng lugar.

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon