(A/N: Good afternoon! Kumusta? Masyadong mahaba ang paghihintay niyo, ano? Sorry... pretty please. Anyway, heto na nga ang update. Mahaba 'to para makabawi. I hope you like it!)
Warning: Unedited! Might edit out later.
Chapter 29
The fight between me and Reach finally came to an end. I won the match. Thus, the MC acknowledged that. Tumaas na ang MC sa entablado. He was about to walk towards me when a voice echoed all over the place.
"Isa siyang mangkukulam! Malapit nang umatake ang Dark Kingdom! Bumalik na ang Reyna nila!"
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon. Nahanap ko ito mula sa isang matandang Elvianese. Nasa tabi nito si Frences, ang Healer na nagbabantay sa matandang Seer na kinita namin ni Prince Lir kahapon. Ang Seer at ang matandang ito ay magkaiba. Hindi ko lang alam kung bakit ito ang kasama ni Frences ngayon imbes ang Seer.
Base sa postura ngayon ni Frences, pinipigilan niya ang matanda na gumawa ng eksena. However, it was too late. Kasi nakuha na nila ang atensyon ng karamihan sa audience. Natahimik na ang lugar dahil sa matanda.
"Sino?" out of nowhere, someone asked.
"Siya!" agad sagot ng matanda at nagulat ako dahil direkta sa akin ang turo ng kamay niya. Napataas tuloy ako ng kilay. "Isa siyang mangkukulam! Siya ang Reyna ng Dark Kingdom! Malapit na talaga silang umatake!"
Katahimikan ulit. Sa gitna ng katahimikan na 'yon ay lumapit na sa akin si Welfia. Naka-alerto siya dahil siguro sa inakusa ng matanda at sa posibleng maging reaksyon ng mga manonood. Lalo pa't nasa gitna ako ng entablado kasama si Reach na walang malay at si Florae na ginagamot si Reach.
Hindi ko alam kung saan galing ang sinasabi ng matanda na ito. Hindi ko rin alam kung ano ang pinagsasabi niya. Sa itsura ngayon ng matanda, isa lang ang masasabi ko sa lahat ng sinasabi niya...
"Kabaliwan!" umalingawngaw ang isang boses ng lalaking Elvianese. "Hindi mo ata kilala ang nasa harap natin ngayon. Siya ay isa sa membro ng Hero Party, imposible 'yang pinapangaral mo!"
"Kaya!"
"Oo nga!"
Sumunod sunod na ang ingay sa paligid. Ang akala ko na paniniwalaan ng lahat ang sinabi ng matanda ay hindi nangyari. Imbes ito pa ngayon ang hindi pinaniwalaan. Sabagay, hindi nga talaga kapanipaniwala ang sinasabi niya.
Paano naman ako magiging Reyna ng Dark Kingdom? Isang hamak na mahirap lang ako dati sa Kaharian ng Benesec na may wind magic. Kahit ang grupo namin ay hindi maniniwala sa kanya dahil ang katawan ni Hestia ay 16 years old pa lang na dalaga. Imposibleng maging Reyna siya sa gano'ng edad. Isa pa't ito ang kauna-unahan kong makalabas sa Kaharian ng Benesec kaya paano ako magiging Reyna ng Dark Kingdom kung hindi ko nakilala ang Hari nila? Hindi rin ako prinsesa na pwedeng maging Reyna. Ano naman koneksyon ang---
'SA AKIN KA LANG, REYNA KO!'
A sudden flashback stops my thoughts. This is just a fleeting memory but it made me doubt myself.
"Huwag kayong magpapalinlang! Makapangyarihan ang kalaban ng Ganti! Kaya niyang mag ibang anyo para lituhin tayo!" dagdag pa ng matanda pero mas lalong bumaliktad lang sa kanya ang sitwasyon. Mas hindi siya pinaniwalaan ng mga nilalang nando'n.
Natigil lang ang matanda nang may dumating na mga Royal Guards at hinawakan na siya ng mga ito. Natigilan din ang lahat dahil sa pagdating ng Royal Guards at lalo pang nanahimik ang lugar nang dumungaw mula sa kahon ng kalaban si Reyna Lilybelle.
"Mahal na Reyna!" tawag ng matanda. "Mabuti at nandito ka. Kailangan na natin ipadakip—" pero hindi na natapos ang dapat sanang sabihin ng matanda.
"Isang kumusyon na naman ang sinimulan mo, Elder Talez," malamig ang pagkakasabi ng Reyna. "At ang lakas pa ng loob mo na ipahiya ang Elvian sa harap ng mga bisita natin."
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...