Chapter 6
Agad akong nilapitan ni Florae nang maalis ko ang mga Wind Blades. Her magical plants surround me immediately and my bleeding stop just like that. Doon na lang ako napahiga at nakahinga ng maluwag. Napatingala ako sa langit na unti-unti nang may mga butuin na naglilitawan. Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng panahon ngayon at ang magandang kulay ang after sunset sa langit.
Shet, I won. I actually won against Reach.
Ang ganda no'n sa pakiramdam, sobra. Lalo na nang akala niya panalo na siya. It's also satisfying to see her sweating face when she almost bumped into one of the Wind Blades. 'Yong takot sa mukha niya ay sobrang nakakatawa. Sa tingin ko ay 'yon ang additional award na natanggap ko ngayong araw.
Shet talaga, nanalo ako. Hindi na ako bubuntisin ng Prinsipe at hindi niya rin ako mamaliitin. I passed their test. I can't help but repeat that to myself.
"Lir, hindi ako papayag!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng maarte na boses na 'yon. Nakita ko si Prince Lir na kasama si Reach at inaalalayan itong tumayo. "You can't call that winning when she used an ancient spell against me! Imagine. She almost killed me, Lir."
Tch! Grabe talaga ang bibig ng isa na 'to. Hindi pa pwede 'yan matahi nang manahimik naman. Imagine I almost killed her daw. Sorry naman po sa sumaksak sa akin sa mismong tiyan ko. Nataas pa ako no'n at wala nga siyang plano na saluhin ako pagkabagsak ko. Kung hindi ako nakaagap edi mas malala pa dito ang inabot ko.
Tapos siya pa ngayon ang may lakas ng loob magreklamo?! Hindi ko na reach ang kaartehan mo, Reach.
"But I already announced it. Wala nang bawian 'yon," kakaiba ang lambing na nasa boses ng Prinsipe. Huwag mong sabihin na nakombensi siya ng kaartehan ni Reach?
"Tch!"
Inalis ko ang tingin ko sa Prinsipe at Reach. Nakakairita kasi sila sa mata. Ang tinignan ko na lang ay ang nakangiti sa akin na Florae.
"Ang galing mo talagang gumamit ng magic, Hestia. Kahanga-hanga rin na natalo mo si Reach," sabi niya.
Mabuti pa ito si Florae na-appreciate ang pagod ko ngayong araw. Isa na talaga siyang anghel sa kaanyuan ng isang Elf.
Napatingala rin ako ng makita ko na lumapit din pala sa amin si Welfia.
"Congrats, nakapasa ka," sabi niya.
"Oo, salamat," sagot ko. Sila lang talaga ang normal sa Hero party na 'to. "Pero landslide ang pagkatalo ko sayo. Ni-hindi man lang kita nagalusan."
"Inaasahan ko na 'yon."
"Aray, ah." Ngumiti si Welfia dahil sa naging reaksyon ko.
"Inaasahan ko na 'yon. Unang tingin ko lang sayo ay alam kung hindi ka para sa frontline. May kanya-kanya naman tayong estilo sa pakikipaglaban. Kung siguro pwedeng gumamit ng magic sa laban natin, mahihirapan din akong talunin ka."
Pero hindi pa rin kita matatalo, gano'n ba 'yon?
Hindi ko na 'yon isinaboses at nagpasalamat na lang sa papuri niya. At least hindi ako 'yong talagang mahina, 'di ba? Nag-usap pa kami saglit ni Welfia tungkol sa mga takteka na ginamit ko sa pakikipaglaban sa kanila. Sinabi niya rin sa akin kung ano-ano ang obserbasyon niya sa mga galaw ko sa laban namin ni Reach. Mahina pa raw ang pakiramdam ko sa paligid ko kaya hindi ko agad napapansin na nasa tabi ko na pala si Reach. Sinabi niya rin kung alin pang parte ang dapat kong iensayo para mas lalong lumakas pa ako. Syempre, pinuri niya ako sa ancient spell ko. Kakaiba raw ang amount ng mana ko at kahanga-hanga iyon. Kaso dapat magpalakas pa ng stamina.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...