(A/N: Good news! Umabot na sa 1K lagpas ang HTSW. I want to thank all of you for reading and voting this story. Your support motivates me to continue writing! Thank you and love lots! MUAH!)
Reminder: Unedited. Might edit out later!
Chapter 18
Kung ang Kesic ay Kapital na may mga nagtataasang pader at kongkretong mga gusali, ang Elvian ay Kapital na walang mga kongretong mga gusali at nagtataasang pader. Ang mga gusali na nasa lugar ay pawang mga nagtataasan at naglalakihang mga puno. Kung saan sa loob nito ang ginawa nilang bahay, pasyalan, gusali pang negosyo. Merong mga foot bridge na gawa sa kahoy na nagkokonekta sa bawat mga higanteng puno. Ang anino ng mga puno ay ang nagbibigay lilim kaya mapresko ang lugar. Hindi rin ito nagbibigay ng dilim sa lugar. Kung oo man ay kita mo rin ang mga alitaptap na lumilipad sa lugar kahit pa umaga at nagbibigay kislap sa lilim ng mga higanteng mga puno.
Tanaw mo ang tanawin na 'yon mula sa daaungan. Mamamangha ka dahil sobrang environmental friendly ng Kaharian nila. Sa bawat sulok ay may mga halaman. Hindi rin kongkreto ang daan nila, imbes ay gawa ito sa matigas na lupa at napapaibabawan ng berde at patag na mga damo. Sa paanan naman ng mga puno ay simpleng mga bahay na gawa pa rin sa kahoy. At sakahan sa katabi o likod nito.
Mula sa barko kung nasaan pa kami ay bubungad sayo ang maingay na mga halong Elves, Beastfolk at mga tao. Busy ang lahat sa pagsakay ng iba't ibang produkto galing sa loob ng Kaharian. Kilala kasi ang Elvian na isang main producer ng magagandang pang agrikulturang mga produkto. Kung ang Benesec ay central market at Kesic ang traders, ang isa sa pinaggagalingan ng mga produkto ay Elvian. Dahil sa magic attribute nila na Flora ay sobrang dali lang para sa kanila na maging producer ng mga kasangkapan.
Maingay ang lugar dahil sa mga negosyo. Kita mo rin ang pabalik-balik na mga tao. Ang mas nakakamangaha pa ay ito ang unang beses ko na makakita ng mga Flora attribute users bukod kay Florae. Kita mo sa mga gilid ang mga bata na naglalaro gamit ang mga kapangyarihan nila.
Higit sa lahat at ang pinaka-importante ay ang katotohanan na hindi nga uso sa lugar ng Elvian ang salitang pangit. Sapagkat kahit saang anggulo ka tumingin, kahit pa sa pinakamatandang Elf pa bumagsak ang tingin mo ay pare-pareho silang mga magagandang nilalang. Hindi lang ang mga alitaptap ang nagbibigay kislap sa kaharian nila. Mismong ang mapuputi at makikinis nilang mga balat, ang mga matatangkad nilang mga katawad at ang perpektong mga hugis nito na animo'y mga model sa isang magazine. Ang pinakamalupet ay ang mga damit nilang hindi conservative. Karamihan kasi sa mga Elves na lalaki ay walang damit pang-itaas. Samantalang ang mga babae ay kita ang tiyan sa pang-itaas nilang mga damit. Idadag mo pa na bibihira ang mga naka-long sleeve na damit. Ngunit pare-parehong naka-pants sila na hanggang sa paa.
Hindi muna kami pinababa ni Prince Gash dahil mula sa malayo raw ay nakita na ng Kaharian ang watawat na nasa barko namin. Ang watawat ay nagsisimbolo na galing sa isang Royal family ang sakay ng barko. Kung kaya dapat lang ito na harapin at i-welcome ng Royal Family ng Elvian.
Nasa front deck na ako ng barko kasama si Lient, Luna at Checon. Samantalang nakaalalay naman si Prince Lir kay Florae dahil ang kapangyarihan niya ang magdadala kay Reach. Hindi kasi pwedeng magalaw ng sobra ang katawan ni Reach dahil bali nga ang spinal bone niya. Kung bubuhatin lamang siya ni Prince Lir ay malaki ang posibilidad na lumala pa ang kondisyon niya. Kung kaya't ang halaman ni Florae ang nakatuka na mag-transport sa kanya. Si Prince Gash naman ay kausap ang Kapitan ng barkong sinakyan namin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at hindi ako chismosa para magtanong pa.
Ilang sandali lang ay may dumating na mga karwahe sa mismong dapat ng dinaungan namin. Isa ay isang pang-medikong karwahe. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na may pasyente kami pero mas maayos nang handa sila. Meron ding sila na kasamang mga kawal na nakasakay sa mga kabayo.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...