(A/N: Hello! Belated Happy Halloween! I will update the next Chapter tomorrow. For now, I'll give you this short extra chapter. Enjoy! :) Thank you for your patients! Muah! Love lots!)
A - Extra Chapter
It was two years after I officially reincarnated as Hestia when I dreamed about my life back on Earth.
Ang unang bumungad sa panaginip ko ay ang mga kasama ko sa kwarto. Ang pinsan kong kambal na babae. Sila si Kaycee at Kina. Pitong taon silang mas bata sa akin. Ang kwarto namin ang pinakamalaking kwarto sa bahay ng Tita ko at may kanya-kanya kaming kama. Sa kanila ay double deck dahil kambal sila at ang akin ay single lang. May kurtina na humahati sa kwarto para kahit paano ay nahihiwalay ang space namin pero palagi lang 'yon nakatiklop dahil ayaw namin ma-isolate sa bawat isa.
I saw Kina's back while she was sitting on her study table. She looks so serious while studying. Kabaliktaran niya naman si Kaycee na nakahiga sa itaas ng double deck at nagsi-cellphone lang. Narinig ko ang boses ko na tinatawag sila. At the same time, they look at me. Magkahawig ang mukha nila pero may magkaibang reaksyon nang tinawag ko sila. Si Kina ay bakas ang paggalang nang lumingon sa akin habang si Kaycee ay parang barkada ko lang. Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay.
"Wala," narinig ko ang sarili kong sumagot. Sabay silang nagkibit balikat at bumalik sa ginagawa nila.
Naramdaman ko ang sarili ko na bumangon at lumabas ng kwarto. Dumiretsyo ako sa kwarto na kaharap ng kwarto namin. Kay Cole at Tim na kwarto, ang panglima at pang apat na lalaking pinsan ko. Cole is four years younger than me and he is my baby boy. Samantalang, dalawang taon ang agwat namin ni Tim at siya ang pinakamasungit sa pamilya. Kahit gano'n ay nagpapalambing siya sa akin.
Pagpasok ko sa kwarto nila ay nadatnan ko si Tim na busy na naman sa computer niya. Kina and he is such a nerd. Sila ang klase ng pinsan na kayang i-hack ang Facebook mo kaya mag-ingat ka. Samantalang si Cole ay busy sa pag-aral niya ng gitara. Cole smiled at me when he noticed me but Tim just nodded at my presence. Ibinaba ni Cole ang gitara niya at lumapit sa akin.
"Bakit Ate? May kailangan ka?" he asked.
Nakita ko ang kamay ko na nagwagayway sa ere na ang ibig sabihin ay wala. Napakamot na lang sa ulo ang batang pinsan ko.
Sunod kong pinuntahan ay ang solong kwarto ni Pixel, ang kaedad na pinsan ko. He's my best friend. Kumpara sa mga pinsan ko ay siya talaga ang nakakasundo ko dahil magkaedad kami. Nadatnan ko siya na nagdi-dribble ng basketball ball sa mismong kwarto niya. Bago pa man ako makapuna sa ginagawa niya ay pumasok na si Kuya Dree na galing sa katabing kwarto.
"Pix, may court sa labas ng bahay. Bakit hindi ka kaya roon maglaro ng bola?" he said it blunt with authority. Instantly, Pixel stopped and pouted. Animo'y five years old na bata na napagalitan.
Hindi nagtagal si Kuya Dree sa kwarto ni Pixel. Umalis din agad siya at bumalik sa kwarto niya.
Kuya Dree is the most handsome of all the siblings. Siya ang masasabi mo na famous kahit saan man siya magpunta. Nagsa-side line din siya bilang model. Aside from appearance, si Kuya Dree ang Kuya ng lahat. Kahit hindi siya ang pinakamatanda ay siya ang nakakakontrol sa lahat ng magkakapatid.
"Tch! Tch! Tch!" Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Bumungad sa akin si Kuya Kile na nasa likod ko pala habang nanood din ng buong eksena. "Napagalitan na naman ang isang ito."
"Heh, Kuya! Ikaw rin napagalitan ka ni Kuya Dree dahil sa ingay ng babaeng dala-dala mo kagabi."
Lastly, si Kuya Kile na siyang pinakamatanda at ang playboy ng pamilya. Mas sikat nga si Kuya Dree dahil mas gwapo siya pero kung pikutan man lang ng babae ay panalo ang oldest namin. Wala sa kanya ang authority most of the days. Minsan kasi mas isip bata pa siya kumpara sa amin. But when Kuya Kile hold the cup and got angry, kahit si Kuya Dree ay tiklop sa kanya. Halos sa kanya nagmana ang happy go lucky na Pixel, Cole at Kaycee. Honestly, madalas ay hindi siya good influence.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...