Chapter 9

752 38 4
                                    

Chapter 9


DRAGON store.

Pangalan pa lang ay alam mo na kung ano ang pinagbibili sa tindahan na ito. Bukod pa doon ay nasa nakakakilabot na lugar siya matatagpuan. Nasa gitna ng madilim na iskinita at luma pa ang building na kinalulugaran. Nasa background pa ang mga tunog na galing sa mga uwak.

You'll never ever desire to enter such suspicious place. But we are here. I am here. Thanks to this Prince Lir. Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

Okay. Kapag store nga ay ang tendency ay bibili ka pero pangalan pa lang ay kinabahan na ako. Hindi naman siguro kami pumunta dito para ipaalam sa kanila na wind magic user ako at posible ako na maka-summon ng dragon? Tapos pag-iinteresan nila ako at huhulihin. Though the chance is slim but there is a possibility?

Dahil siguro sa takot ay hindi na pumasok sa isip ko na nakayakap pa rin ako sa braso niya. Kaya nang pumasok siya, kahit ayaw ko man, ay nahila ako.

Bumungad sa amin ang walang katao-tao na lugar. Ang lugar ay puno ng mga materyales na armas. Iyon ang una mong mapapansin sa mga display at nakalagay sa kahoy na counter at mga kabinet na nakabukas. Hindi katulad ng nasa labas ay mas maliwanag sa loob. Kaso nga lang, sa bawat tapak mo ang umalingaw-ngaw ang tunog ng tapak mo at ang reklamo ng kahoy na sahig.

Gustuhin ko man lumayo sa Prinsipe pero naisip ko pa lang na baka ibenta niya ako sa lugar na ito, mas napapayakap lang ako sa braso niya. Himala nga na walang reklamo ang Prinsipe sa ginagawa ko.

Lumapit kami sa counter at unang katok niya sa counter ay may lumitaw na Beastfolk sa kabilang bahagi. Walang kakaiba na reaksyon ang tindero niya. Mukhang hindi inalis ni Prince Lir ang veil of illusion niya.

"Anong hinahanap?" casual lang na tanong ni Mr. Beastfolk.

"Isang pana," siyang sagot ni Prince Lir. Seryoso ang pagkakasabi niya kaya agad din naghanap si Mr. Beastfolk. Pero ako, napakunot-noo sa sagot niya.

Isang pana raw. Isang pana lang pala ang kailangan niya, bakit dito pa kami pumunta? Sa harap kaya ng inn na tinutuluyan namin ay may bilihan ng pana. Sigurado pa ako na mas mataas ang quality ng pagkakagawa doon kaysa dito na masyadong shady ang business. Or baka trip niya lang na takutin ako at nagsasaya siguro ito dahil natakot niya ako at may bonus pang yakap sa braso niya?

Nang mawala sa harap namin ang Beastfolk ay tsaka ako kumawala sa braso ni Prince Lir. Napalingon siya sa akin. Nagtaka siguro kung bakit bigla kong binitawan ang braso niya. Kinuha ko naman 'yon na pagkakataon para matanong siya.

"Para kanino ang pana?"

"Sayo," simpleng sagot niya.

"Kailangan ba talaga dito galing? How about doon sa harap ng inn?"

"Oo, dahil ang pana na tinutukoy ko ay isang pana na gawa sa balat o kuko o ano mang parte ng dragon."

Gawa sa balat o kuko ng dragon? Parte ng dragon? So totoo nga ang hinala ko. Nasa teritoryo kami ng mga Dragon Slayer. Kaya pala sobrang shady ng lugar kasi dito ibinibenta ang mga bagay na galing o gawa mula sa dragon. That also explains the nametag outside.

"Pero kailangan ba talaga natin bumili ng pana na gawa sa dragon? Bakit hindi na lang 'yong ordinaryo? Nasa naggagamit na lang naman 'yan."

"Kailangan natin," seryoso niyang sagot. "Dahil ito ang magsisilbing proteksyon mo mula sa Hari ng Kesic."

Proteksyon? Kung proteksyon pala ang hinahanap niya, edi shield na lang sana ang binili niya, 'di ba? Pero siguro nga na mas mainam na pana ang binili niya para may armas ako sa pakikipaglaban. Hindi 'yong pulos magic na lang. Siguro naisip niya rin na mas maitatago niya ang kapangyarihan ko kung may armas ako na magagamit. Tamang choice din ang pana kasi dati kaming nangangaso sa bukid. Kumpara sa espada at kung ano pang armas, mas experience nga ako sa pana.

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon