Chapter 17

696 34 5
                                    

(A/N: Good evening. Hindi ako naka-update last week dahil busy ako sa school. Hope you all understand. Enjoy Reading!)

Reminder: Unedited part. Might edit out later

Chapter 17

Kung kanina ay gumilid na ako dahil sa ensayo nila ni Welfia at Prince Lir kasi ayaw kong matamaan ako bigla, ngayon ay mas gumilid pa ako at lumayo sa kanila dahil ang ensayo ni Prince Lir at Prince Gash ay may gamit nang espada. Mukhang hindi naman sila gagamit ng mahika kaya ayos lang na manood ako pero para siguradong may makakaprotekta sa akin habang nanonood ay lumapit at tumabi ako kay Welfia.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Hestia?" tanong ni Welfia nang makalapit ako.

"Nakapahinga na ako ng mahabang oras kaya ayos na ako. Ikaw? Bago ako nawalan ng malay ay naalala kong binatukan ka ni Prince Lir." Naalala ko rin kung gaano 'yon kalakas.

"Oo, ginising niya ako pero mas nagising ako ng binato ka ng Prinsipe ng bato sa mismong noo at nawalan ka ng malay." Welfia tone intended that as a joke but confirming that Prince Lir is really the reason why I passed out irritates me. Ni-hindi man lang siya nagdalawang isip na batuhin ako ng malakas dahil lang sa mga personal kong mga tanong. As if naman matatago niya 'yon sa akin habang buhay. Kahit anong iwas niya ay malalaman ko rin naman. Nagpapagod lang siya.

"Oo nga, eh. Pagod na nga ako sa pakikipaglaban sa kalaban pero nagawa niya pa 'yon sa akin." May parteng biro at katotohanan ang sinabi ko.

"Patawad, Hestia." Napalingon ako kay Welfia kasi umiba bigla ang tono niya. Welfia is the kind of woman that shows confidence and authority. Loyal and strong. She has a masculine beauty and body. Isa siyang female wolf that's ready to kill her own kind if her master desire to. Subalit ang Welfia na nasa harap ko ngayon ay isang tuta. Nakayuko at nag-iiwas ng tingin sa akin. Nahihiya siya at walang kompyansa sa sarili.

"Huh? Bakit ka humihingi ng tawad, Welfia?" Hindi ko maintindihan kong saan nanggaling ang paghingi bigla ng tawad at saan ito patungo.

"Una sa lahat ay hindi ko pinakinggan ang tungkol sa dragon. Alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo at kahit ako ay may naririnig din galing sa dragon pero hindi ko nga lang maintindihan dahil ibang lengwahe. Tapos pinilit pa rin kita sa gusto kong mangyari. Dahilan para magsarili ka at takasan ako."

"Pero naiintindihan naman kita kung bakit gano'n ang naging tugon mo, Welfia. Totoo kasing wala akong karanasan sa pakikipaglaban. Ni-hindi ko nga alam kung kakayanin kong pumatay ng tao at makakita ng dugo. Naiitindihan ko naman na gusto mo lang na huwag akong mapahamak at ako lang itong may matingas na ulo."

"Kahit pa. Kahit sana papaano ay pinakinggan kita kaysa hayaan na umabot sa punto na kinailangan mo akong takasan. May mali pa rin ako."

"Well, kung may mali ka. Mali rin naman ako na takasan ka. Kaya ayos na 'yon, move on na lang tayo," sabi ko. Dahil sa nagsisisi niyang itsura ay ako tuloy itong nagi-guilty kasi hinaayaan ko siyang makaramdam no'n ngayong may kasalanan din naman ako.

"Pero may pangalawa pa," sabat niya na nagpatahimik sa akin. "Patawad din kasi ni-hindi man lang kita natulungan laban sa mga Demon lords. Ang lakas ng loob ko na pangaralan ka tungkol sa pakikipaglaban ngayong ako pala itong walang kwenta sa labanan. Kaya patawad kung hindi kita napagtanggol, Hestia!" Nagulantang ako nang yumukod pa si Welfia sa harap ko. Dahil napatingin sa amin ang dalawang Prinsipe ay agad ko siyang hinila para tumayo ng matuwid. Kahit ang ibang tao na nando'n ay napatingin sa amin. Baka isipin nila pinapagalitan ko si Welfia.

"Ano ka ba, Welfia! Ayos lang 'yon. Masyadong malakas lang talaga ang kalaban kaya---"

"Lalo na!"Putol niya sa sinasabi ko. "Kung gano'n sila kalakas ay mas dapat na gising ako at nasa tabi mo lumaban. Imbes ay hinayaan ko lang sila na matamaan ang kahinaan ko at natulog habang muntikan ka nang makuha. Kaya patawad talaga, Hestia!" Bumaba ulit siya sa harap ko pero ngayon ay naka-half kneel na siya. Lalo tuloy akong nataranta.

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon