Chapter 34

671 28 23
                                    


Warning: Unedited. Might edit out later. 

Chapter 34


Warning: This chapter shows abuse. It might trigger trauma. Call for help if you're experiencing such. Read at your own risk. 


Nagising ako dahil sa panaginip na hindi ko maalala.

My heart is racing incredibly fast and my hands shivering in the aftermath. Bumangon ako mula sa pagkakahiga upang ikalma ang sarili. Madilim na ang kwarto. Ang buwan sa labas ng bintana ang tanging ilaw na makikita sa gabi.

Sa mga ganitong pangyayari ay ninanais ko na lumabas at magpahangin. Pero walang balkonahe ang kwarto na ginagamit ko. Naisip ko tuloy na maglakad-lakad na lang sa harden.

It's dangerous, I know. Masyadong delikado na mag pakalat-kalat sa teritoryo ng kalaban ng asawa mo. Ngunit katulad nga ng sabi ni Checon ay po-protektahan ako ng kasal namin ni Prince Lir.

Parang masasabi mo na rin na kahit malayo si Prince Lir ay pinoprotektahan ka niya.

Napabuntong hininga ako sa sarili ko. Stop! awat ko sa isip kong makulit. Hindi dapat binigyan pansin ang mga ganyang isipin.

Nagsuot ako ng roba bago lumabas sa kwartong tinutuluyan ko. Katulad ng inaasahan ay may standby lights na nasa corridor. Hindi maliwanag ang palasyo pero sapat ang standby lights sa pagbibigay liwanag sa mga kawal na nagpapatrolya sa gabi.

Malaki ang lugar pero hindi ako nalito sa daan. Mabilis kong narating ang harden na siyang una na bumungad sa amin kahapon. Maganda na ang harden kapag umaga pero ibang klase ang ganda nito ngayong gabi.

Naupo ako sa isang bench sa gitna ng harden. Mula doon ay nakita ko ang kabuuang kagandahan ng harden. May standby lights sa bawat sulok pero ang nagpaliwanag ng lugar ay ang mga umiilaw na mga bulaklak at ang mga insektong pakikipagsalamuha ngayong gabi dito. Moonlight was being reflected by the flowers causing it to glow in white, golden, and pink while the insects had their own lights attached to their body. The plants are perfectly landscaped while area is neat from any fallen leaves. Another scenery that looks like a fairytale. Idagdag mo pa ang sariwang hangin na may halo ng mabangong amoy ng mga bulaklak.

Siguradong nakita na ito ni Prince Lir. Dito siya lumaki. Siguro, pinagsawaan niya na ang senaryo na ito. I wonder what he feels whenever he sees it.

Did he feel calm? I wonder if this is his oasis whenever he feels exploding from his anger.

O kabaliktaran ba?

Ito kayang harden ang indikasyon para sa kanya na papasok na naman siya sa impyerno na palasyo ng sarili niyang Ama? Did this garden anger him instead?

I wonder...

Bobo, Hestia. Inisip mo pa rin Prinsipe kahit inawat mo na ang sarili mo.

Buntong-hininga ulit para sa bobo kong sarili.

Pero kasi sa ganitong gabi kung saan may magandang tanawin sa harap ay ang prinsipe ang kasama ko. Simula sa barko pag alis namin sa Kesic, sa Tree Castle ng Elvian at pag alis namin ng Elvian. Syempre, nakakapanibago lang.

Oo, nakakapanibago kasi.

Justifying, aren't we, Hestia?

Haaay...

Nasa gitna ako ng pag-aaway sa sarili ko nang biglang dumaan sa harap ko ang isang taga-silbi. Tumatakbo siya na animo'y hinahabol ng mga aso. Dahil sa gulat ay hindi ko sinasadya na pigilan siya.

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon