Chapter 33

490 20 8
                                    

Warning: Unedited. Might edit out later. 

Chapter 33


Understanding my situation at this point only complicates things. Masyado akong nako-culture shock. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng sinabi ni Checon na ako ang may pinaka karapatan na maging Reyna ni Prince Lir. Mas lalo pang naghalo-halo ang nararamdaman ko ng marinig ko na hindi papayag si Luna.

It made me wonder.

Sa katapusan ba ng paglalakbay na ito kung saan matagumpay na natapos ni Prince Lir ang duty niya bilang Hero ay magkakaroon ba ng away sa pagitan naming mga asawa niya? I hope not. Ayaw kong maipit sa gulo. Lalo na't wala akong interes sa pag-aagawan nila na pwesto. I would not trade my peace of mind to anything else.

The conversation ended well. Hindi ko akalain na may marunong din palang maki usap si Checon. Mas lalong nag mukha siyang tao sa paningin ko.

The night passed and another day arrived. Nagising ako ng mas maaga kaysa kay Checon. Ang unang nadatnan ko sa kanya ay ang postura niya pagtulog. Nakatalikod siya sa akin habang yakap-yakap, animo'y bata, ang stuff toy na binigay ko. I can't help but smile at the scenario.

Dahil ako ang naunang magising ay ako na rin ang unang nag asikaso ng mga gamit namin. Syempre, inasikaso ko na rin ang sarili ko. Ilang minuto lang at gising na rin si Checon. Sabay kaming kakain sa labas kaya hinintay ko na siyang matapos. Isa pa't hindi na kami babalik sa inn dahil tapos na ang oras na binayaran namin.

Aalis kami sa bayan na ito ngayong araw mismo. Hindi ko nga lang alam kung saan kami magkikita-kita ni Reach. Siguro magtitiwala na lang ako sa sinabi ni Checon na si Reach na maghahanap sa amin.

Hindi kami lumayo pa at kumain sa katabing kainan ng inn. Nakapwesto kami sa gilid ng lugar. Mas pabor sa amin ito kung sakali man na makahabol ang mga goons ng kalaban.

Nasa gitna kami ng pagkain nang may pumasok na mga grupo ng mga tao. Base sa mga damit nila, masasabi mong mga merchant sila.

Thinking about merchants, naalala ko sina Andie at Mang Perso. Kahit pa na muntik na nila kaming ipahamak, kahit pa nagtraydor sila, at kahit pa posibleng peke ang napagsamahan namin sa maikling panahon, hindi ko pa rin mapigilan na mag isip kung kumusta na sila? Dahil hindi kami nahuli ng mga goons ay siguradong sila ang mapapagalitan ng Hari o baka parusahan.

I hope they are still alive. Tao pa naman siguro si Haring Axus, 'di ba?

I tried to shake that thought away. Victims should not emphasize to the offenders, even if they don't have any choice.

Looking back at the group of merchants, napansin ko na kahit mga babae ay nakasuot na panlalaki. Nakababa pa ang mga buhok ng babae kaya pansin pa ang feminine nilang mga mukha pero base sa hawak nila na mga sumbrero, kapag sinuot na nila ito ay hindi napansin na babae sila.

I looked back at Checon. "Sabi mo ay malala ang nangyayari sa loob ng Kapital at magiging delikado tayo kapag nakuha natin ang interes ng Hari. Bakit hindi natin sila gayahin na mag disguise din ng pang lalaki? Edi sigurado na ligtas na tayo?"

Checon glanced at the group of merchants that I'm referring to. Then she sighed. "Siguro nakarating sa kanila ang balita tungkol sa Kapital. Kung kaya naghanda sila. Ngunit walang bisa ang naisip nila na paraan."

"Huh? Bakit?"

"The King of Benesec is too cunning, they can't outsmart him when it comes to acquiring girls she likes. Mag disguise man tayo o hindi, pareho lang ang resulta. He can even smell us from afar."

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon