Chapter 28

522 29 6
                                    

(A/N: Looooong time no update, guys! Kumusta kayo? Andyan pa ba kayo? Sorry for the long wait. Aside from the hectic schedule due to thesis, I also experienced writer block. Ang hirap pala talaga. 'Yong feeling na alam mo na ang isusulat mo pero nagkakaroon ka ng doubt kung tama ba ang sinusulat mo. Yeah, ladies and gentlemen, that's my kind of writers block. Ilang beses akong umulit ng chapter na ito para makasigurado na nasa tamang direksyon ang sinusulat ko. Writers block usually cause unfinish stories so I really want to be careful. Anyway, gusto ko lang ibahagi sa inyo, especially for those who are also writing their stories. 

By the way, I'm so happy that we already reach 6K reads. Salamat po sa patuloy na pagsuporta sa kwento na ito! <3 <3 <3

So yeah, enjoy reading and I intentionally made it long to make it up to all of you. Muah!)

Warning: Unedited! Might edit out later!

Chapter 28

"Ang makakalaban ni Hestia Daidre ay walang iba kundi si Reach Meight!"

Upon hearing that name, the audience went wild. Parang nasa concert lang nang magtayuan ang mga nanonood na nilalang upang makita ang paglalakad ni Reach papunta sa entablado. Halos mabingi ako sa ingay. Ang raming sumigaw. Doon ko napagtanto kung gaano kakilala ang isang Reach Meight sa Elvian. It was as if all of the audience is rooting for her to win.

Ngunit hindi 'yon ang mas napagtuonan ko ng pansin. Kundi ang katotohanang siya ang makakalaban ko. At ang malaking tanong pa ay kung bakit siya ang makakalaban ko, hindi ba't dapat nasa same side kami? Ang pinagpupustahan dito ay insultong binigay ng kampo ni Haring Axus sa grupo namin tapos nasa kabila siya bilang representative?

Anong klaseng kalokohan ito?

Naiintindihan ko na step-father niya si Haring Axus. Naiitindihan ko na kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo ay hindi maaalis ang katotohanan na naging parte ng pamilya ni Reach ang Hari sa ayaw niya man o sa gusto. Baka ginagawa ito ni Reach para ipakita sa ibang tao na kaya niyang suportahan ang bago niyang Ama. Kung saan maaaring makaabot ang balita sa Alesic at marinig ng mismong Nanay niya. Tapos tatanggapin na siya nito pabalik.

Posibleng gano'n ang naisip niya.

But is she the type of girl that will betray her husband who helped her in her lowest state, in order for her to have a chance to get back to her Kingdom? Kahit naman sobrang pangit ng ugali ni Reach, sa tingin ko ay hindi niya magagawa ang ilaglag si Prince Lir. She loves him. Kung mahal ko ang isang tao, hindi ko magagawang traydurin siya. I believe that's how Reach also feels about love.

Pero bakit may ganito? Akala ko ay normal lang ang paggiging wala ni Reach dahil ilang araw rin talaga siyang nakadistansya sa amin dala ng pagpapagamot niya pero hindi ko akalain na may ganito palang magaganap.

Tumingin ako pabalik kay Welfia. Nasa mga mata ko ang katanungan kung bakit nasa entablado rin si Reach at siyang makakalaban ko. Ngunit kung gulat na ako ay mas gulat ang mga kasamahan ko. Mas matagal silang naka-recover sa shock na binigay ni Reach kumpara sa akin. Wala akong makukuha na kasagutan mula sa kanila kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa labanan na magaganap.

Kung hindi alam nina Welfia ang sagot kung bakit nagawang kumampi sa kalaban ni Reach ay ako na lang mismo ang magtatanong since madaldal naman si Reach sa laban. And to positively think, mas mabuti nga itong siya ang makakaharap ko. Isipin ko na lang na isa siyang training dummy. I'll test all I learned during my training days. Since wala siyang training dahil galing siya sa pagrecover, hindi nagbago ang lakas niya. Magagawa kong sukatin kung gaano ako nag level up dahil sa training ni Reyna Lilybelle.

Nakita kong tumingin sa taas si Reach kung nasaan si Prince Lir na nakatanaw sa kanya ng may hindi maipaliwanag na reaksyon. Ang pumasok na Reach kanina na walang reaksyon ay biglang naging malambot. But when a whistle coming from King Axus box got her attention, that reaction vanishes once again.

Hestia, The Seventh WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon