(A/N: Hey! I tried my best and ta-da! May nabuo akong chapter. I'm always grateful for all of your support to this story so salamuch guys! Sending lots of love sa inyo! <3 <3 <3)
Reminder: Unedited. Expect typographical errors. Might edit it out later.
Chapter 16
Zasper Ecerdregon is the creepiest living thing that I ever encounter.
Ang mga mata niya ay tagos sa buong pagkatao ko. Para bang sinasabi niya na kilala niya ako. Alam niya kung ano ang mga tinatago kong mga sekreto. Na wala na akong matatago pa sa kanya.
But the only secret that I hold is the fact that I'm a reincarnated being.
Could it be that he knew that I'm a reincarnated being? If yes, it is either he can detect it or he is just like me. Is it possible that he is also reincarnated? But I hope not. Kasi namulat ako rito na may kakaibang amount ng mana. Kung gano'n siya at kung sakali ay isa rin siyang Demon lord, then he is undeniably strong. Wala kaming laban sa kanya at lalo pa't dalawa sila ni Zast.
"Huh? Hindi kita maintindihan, Zasper. Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo," wika ni Zast.
"Sabi ng Hari noon. 'Zast, kapag niyakap mo pa si Casha, puputulin ko ang mga kamay mo.' Hindi mo ba 'yon naalala?" Zasper said naturally. As if he's recalling a distant memory.
"Hindi nga sabi. Ni-hindi ko rin maalala kung sino ang Casha na parati niyong tinutukoy sa akin. Ano naman koneksyon no'n kay Ate Evelie?"
Iyon din ang gusto kong malaman. Casha... Casha... Casha... He suddenly mentioned a name that associated with their King. Ano nga naman ang kinakalaman ko doon? He even asked a while ago if Zast still can't recognize me.
Did he mistake me for someone else? Weird.
"Nalalaman mo kapag nakarating ka sa Sky Kingdom. Ando'n ang koneksyon."
Huh? What does that mean? May plano silang pumunta sa Sky Kingdom?!
Biglang inatake ni Zast si Zasper ng isang fireball mula sa itaas pero natunaw din iyon bago pa bumagsak sa ulo ni Zasper. Pagkatapos umusok ang ibabaw ng ulo ni Zasper na para bang yelo. Bakit parang yelo? Dahil kahit mula sa may distansya ay ramdam ko ang lamig mula roon.
So may magkaibang kapangyarihan silang dalawa pero magkapareho ng attribute, it's a dark magic and it has a black color.
"Mas tahimik ka man sa akin, Zasper pero hindi mo pwedeng sabihin sa kalaban ang isa sa mga destinasyon natin. Tama na nga 'yan. Balutin mo na siya sa yelo ng makaalis na tayo sa lugar na ito."
Na-alerto ako nang itinaas na ni Zasper ang isang kamay niya. Hinanda ko na ang sarili ko.
"Paano si Sanro at ang dragon niya?" tanong ni Zasper sa kasama niya. Malumnay at mabagal pa rin ang pagsalita. Animo'y wala sa mood dahil bagong gising.
"Nakatakas na. Malaki na 'yon. Kaya niya nang umuwi."
Then Zasper slammed down his hand. Agad nagkaroon ng itim na yelo ang lupa at nag-travel papunta sa pwesto ko. Bago pa man ito makarating sa mga paa ko ay gumawa na ako ng hangin na pader. Kasing kapal at taas ng pader na apoy kanina ni Zast. So the ice got suspended just in time. Subalit hindi katulad ng apoy ni Zast ay hindi ko kayang panatilihin ang pader na hangin. Kaya't nawala rin 'yon pagkatapos kong mapigilan ang yelo ni Zasper.
"Tsk! May mana ka pa?" singhap ni Zast. "Hindi pa ba naubos kanina ng pag-summon mo ng malawakan na fog?"
Hindi pa pero nararamdaman ko na ang pagod sa katawan ko. I'm near my limit. I can feel the heaviness of my arms and legs. Any minute now, babagsak na ang katawan ko sa lupa. Subalit hindi ko dapat ito ipaalam sa kanila. Siguradong ikakasaya nila 'yon.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasiEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...