(A/N: Happy New Year, everyone! As promised, here is another update. Thank You for waiting! Enjoy reading :)
Warning: Unedited. Might edit later!
Chapter 22
Nahuli na ako ng gising kinaumagahan. Siguro dahil sa pagod at dahil nahuli ako ng tulog kagabi.
Gayon pa man ay nagising ako na maganda ang mood. Isa sa dahilan ay ang katotohanan na walang nakakamatay na ensayo ngayong araw at lalabas ako para magliwaliw kasama sina Florae at Welfia.
Oo nga pala, hindi ko pa sila nakakausap. Pero sigurado naman na sasama sila sa akin kapag nag anyaya ako. Lalong-lalo na si Florae. Hindi ko makita sa imahinasyon ko na mas pipiliin niya na sumama sa iba kaysa sa akin. Kay Welfia ay may slight chance na hindi ako piliin lalo na kung siya ang isasama ni Prince Lir sa pupuntahan niya. Alam naman natin kung paano ka-loyal ang babae na 'yon. Ngunit kay Florae ay napaka-imposible talaga kung sakali man.
Casual lang ang sinuot ko na damit. Tamang panlabas pero simple lang. Ang klase ng damit na hindi pagtatawanan pero hindi rin agaw atensyon.
Masaya kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Handa na akong puntahan sina Welfia at Florae sa kwarto nila. Kung sakali man na wala na sila roon ay siguradong nasa hapag sila ngayon kumakain. Wala naman silang ibang pupuntahan at kung meron man ay magtatanong na lang siguro ako sa mga taga-silbi.
May ngiti ako sa mukha nang buksan ko ang pinto pero nawala 'yon nang bumungad sa akin ang mukha ni Prince Lir. Sa mukha niya ay wala kang ibang mababasa dahil wala siyang reaksyon. Ang tanging gumalaw lang sa mukha niya ay ang mga mata niya na tinignan ako mula sa paa pataas sa ulo. He's clearly checking out my outfit.
Bakit andito siya? Hindi ba't sinabi ko nang may plano na ako ngayong araw at hindi siya kasali roon? Hindi niya ba 'yon nakuha kagabi?
"Magandang umaga, Prince Lir. At mananatiling maganda ang araw kung sasabihin mo na hindi ka nandito para pilitin akong isama sa lakad mo." Then I gave off a sarcastic smile.
"Hindi makakasama sayo ngayon sina Florae at Welfia sayo dahil may ensayo pa sila," he said bluntly ignoring what I just said. Walang pasikot-sikot. Ni-hindi man lang naghinay-hinay.
Natigilan ako roon. Kung si Welfia ay posible nga dahil siya ang mentor nito. Maaari niyang ma-kontrol ang free day ni Welfia at siguradong hindi magrereklamo ang babaeng 'yon. Iisipin niya na lang na parte na ng ensayo ang hindi mabigyan ng pahinga. That's how discipline Welfia is but the problem is Florae.
"Hindi ako naniniwala na hindi ngayon free day ni Florae." I walk passed Prince Lir. "Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko mismo nakikita."
Naglakad na ako sa direksyon papunta sa lugar kung saan maaaring nandoon si Florae nag-eensayo. Hindi na ako titingin sa kwarto ni Florae kasi maaaring tinakot na siya ni Prince Lir para magsinungaling sa akin, kung sakali man na ando'n siya at naghihintay sa akin. Naisip ko na mas mabuti kung sa mentors niya mismo ako magtatanong para agad kong malalaman kung nagsisinungaling ang isa na ito.
Royal Healers ang naging mentor niya kaya maaaring nasa tower siya nila. Nagtanong ako sa mga nakakasalubong ko na taga-silbi sa Kastilyo para siguradong hindi ako naliligaw sa malawak at malaking lugar. Habang si Prince Lir ay nasa likod ko sumusunod sa pupuntahan ko. Wala pa rin reaksyon ang mukha niya at may distansya ang lakad niya mula sa akin. Pero kahit na! Ang creepy pa rin na talagang desidido siya na isama ako.
Ano ba kasi ang meron? Bakit kailangan mamilit? Pwede naman 'yong suggestion ko kagabi, ah. Nakapag-date pa sila ni Reach kung sakali man.
Is it really a must that I'm the one he should bring? Hindi ba magiging successful ang lakad niya kapag wala ako? O wala ba siyang naisip na alternative para makuha ang pakay niya sa lakad niya na wala ako?
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasíaEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...