(A/N: I tried finishing two chapters pero isa lang talaga ang natapos ko. 'Sensya na. But enjoy reading!)
Chapter 10
Okay. Hindi nga maikakaila na isang die-hard fan ang Hari ng Kesic. Kita niyo naman, unang tingin lang sa dala kong pana ay alam niya na agad na gawa ito sa kung anong parte galing sa dragon. What more is that he easily becomes fond of me. Sa kasamaang palad nga lang ay napasobra ata ang pagiging fond niya sa akin. Sobra to the point na naging kandidata ako ng mapapang-asawa ng anak niya. Take note, ngayon lang kami nagkita. Hindi pa nga kami niyan nag-usap ng matagal. Ang taging naging koneksyon namin ay ang pana na dala ko at ang pagiging archer ko. Other than that, hindi niya ako kilala.
Mabuti at hindi pa nasasakop ang kahariang 'to ngayong may Hari sila na madaling mauto. Hay!
Pinatawag na nga si Prince Gash, kung sino man siya. Habang kami ay pinatuloy sa malaki at malawak na dining room sa kastilyo. May nakahanda na na pagkain para sa amin sa hapag at inakay na rin kami ng mga taga-silbi sa kanya-kanya naming pwesto. Naupo ako sa tabi ni Duke Harold. Syempre, nasa head chair ang hari at nasa kaliwang bahagi nakaupo si Duke Harold. Si Prince Lir ay siyang nasa kanan at katabi niya si Reach sa kabila. Ang katabi naman ni Reach ay si Lient na kanina pa tahimik. Samantalang, now and then ay nakakasali sa usapan si Reach.
Si Welfia ang napahiwalay. Siguro dahil ang assignment niya ay ang magbantay kaya nanatili siya sa gilid, malayo sa engrandeng mesa sa gitna. Nakatayo lang siya roon at nakabantay sa amin. Nakakahiya nga na kumain ngayong ando'n siya at nakatayo pa. Napansin niya siguro ang nararamdaman ko ng pagkaupo ko kaya binigyan niya ako ng simpleng ngiti. Ngiti na huwag siyang intindihin at mag-focus na lang sa misyon namin. Kaya hindi na ako umimik pa.
Bukod pa roon. Mas pinili ko na lang manahimik dahil sa takot na mailabas ko ang kasalukuyan kong nararamdaman. Mygee naman kasi! Hindi ba pwedeng time-out muna sa mga Prinsipe? My hands are already full because of just one Prince Lir. Tapos dadagdagan na naman ng isa? At syempre, Prinsipe siguradong spoiled brat din 'yan at arogante katulad ng Prinsipe namin dito.
At hindi ba sila inform?! Kasal na po ako. Sa kasamaang palad ay kinasal na po ako sa isang harem prince na itago na lang natin sa pagalang Prince Lir ng Kingdom of Genesec. Sa bagay, ano nga naman sa Hero Party ang mabawasan ng isa kung ang kapalit naman nito ay useful na impormasyon? Totoong pwede sa mundo na ito ang polygamy. Kita niyo naman at nakapito na ang Prinsipe natin.
Kaso papayag ba naman ang isang Prinsipe na pangalawa siyang asawa ng isang tulad ko lang? Papayag ba ang fanatic na Hari na 'to na hahayaan niyang maging second choice ang mahal niyang anak? I highly doubt it!
Okay. Let's stop this train of thoughts. Kandidata pa lang naman ako. Hindi pa official fiancée ng kung sinong Prinsipe ng Kesic. Malay niyo ay hindi ako magustuhan ng Prinsipe. Malay niyo ang type niya pala ay si Reach o si Lient. Malay niyo ay hindi siya sing uto-uto ng ama niya at mabuko niya kung sino ba talaga ako.
I think that last one should never happen.
Pero hindi rin mawala sa isip ko ang huling sinabi ng Hari.
"Siguradong magugulat ang anak ko dahil naging totoo ang propesiya na ibinigay sa kanya simula ng bata pa siya,"
Anong ibig sabihin niya ng propesiya? Gustuhin ko mang tanungin sa mga oras na 'yon pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. Inanyayaan na kasi kami ng Hari papunta sa dining room. Ngunit kung tama ang hinala ko na may propesiya rin na hinihintay dumating si Prince Gash at ako ang kauna-unahang nakikitaan ng pagkapareho sa sinabi ng seer kaya sigurado. Siguradong hindi kami basta-bastang matatapos ang misyon sa loob ng Kastilyo na ito.
BINABASA MO ANG
Hestia, The Seventh Wife
FantasyEvelie Concepcion was soul kidnapped by the goddess of the light. One day she woke up in another strange world. Isang mundo kung saan hindi bago ang salitang magic. Ang mundo na punong-puno ng pantasya. Then she became Hestia Daidre from a small tow...