Umuwing namumulang kamatis ang mukha ni Ken pagkatapos niyang magtrabaho sa kompanyang pinasukan. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya nagtrabaho nang malala dahil maghapon lang siyang nakaupo. Nakaupo sa mismong boss niya.
Sa tuwing maaalala ni Ken ang mga naganap kanina, hindi niya mapigilang kilabutan.
May katok ba sa ulo ang boss niya? May sira ang tuktok?
Ito ang mga tanong na bumabagabag sa kaniyang isipan simula nang matapos ang trabaho. Huminto ang sinasakyan niyang traysikel sa kanto ng Barangay Biliran.
"Ito po ang bayad, kuya. Salamat po." saad nito pagkalabas ng trenta pesos sa bag. Mabilis siyang naglakad sa daan para maiwasan ang mga lasenggero na nakaharang mismo sa kalsada.
"Oh Ken, ginabi ka na ng uwi," bungad ni Loty dito pagkapasok sa maliit na bahay.
"Ate Loty, nandito ka pala. Oo eh, may orientation 'yung mga bagong empleyado kaya medyo natagalan."
"Natanggap ka?" pumalakpak ang tenga nito sa narinig. Ngumiti naman si Ken sabay tango.
"Oo ate kaya salamat talaga sa tulong mo."
"Sus, wala 'yon. Alam mo namang parang kapatid na ang turing ko sa inyo ni Carlo. Teka, ano palang trabaho ang napasukan mo?"
Kusang napaubo si Ken sa tinanong ni Loty. Iginala nito ang tingin at nag-iisip kung anong pwedeng sabihin. Alangan namang banggitin niya ang 'trabahong' ginawa niya kanina para paglingkuran ang boss.
"J-janitor, ate. Janitor nga 'yung kailangan ng kompanya." may pag-aaalinlangan nitong sagot bago tumikhim.
"Nasaan na nga pala si Carlo?"
"Ayun, tulog na kahihintay sa'yo. Mabuti na lang bumili ng tinapay si Ate Claire doon sa bakery at sinabing may pasok siya sa trabaho. Ako na muna ang pumalit sa pagbabantay kay Carlo tutal matumal ang mga bumibili ngayon ng tinapay." kuwento nito sabay tayo sa kinauupuan. Nag-inat pa ito at humikab.
"O siya, una na ako, Ken. Kung nag-aalala ka sa bakery, mas mabuting huwag mo na iyong intindihin dahil napagpaalam na kita kay Kuya Redolfo. Mag-focus ka muna sa bago mong trabaho, okay?"
Tumango si Ken sa sinabi ni Loty. Nahimigan siguro nito na mangangamusta siya sa lagay ng bakery kaya inunahan na siya nito. Kumaway siya sa papalayong Loty bago ikinandado ang pinto. Pagkatapos ay pumasok siya sa kubeta para magpunas ng katawan. Tumabi siya sa nakababata niyang kapatid at mabilis na nakatulog sa pagod.
-
Maagang nagising si Ken para paghandaan ang pagpasok sa trabaho. Sinabihan siya ng ilang co-workers na dapat 7:30 ay nandoon na siya dahil ganoong oras napasok ang president at anak nito.
"Kuya, sabi po ni teacher meron po kaming family day next week."
"Talaga? Siyempre sasama si kuya. Sige na, bilisan mo nang kumain diyan para makaligo ka na. Natapos mo na ba ang assignment mo?" tanong ni Ken habang pinaplantsa ang uniporme ng kapatid.
"Opo, kuya. Tinulungan po ako ni Ate Loty kahapon." maganang sabi ng bata.
Mabilis umusad ang oras at ngayon ay nakagayak na silang dalawa. Saktong 6:30 ng umaga at ihahatid pa ni Ken si Carlo sa school. Malapit lang naman ito sa kanilang barangay kaya maaga din siyang makakapasok sa kompanya.
Pagkalabas nila ng bahay, kaagad nilang napansin ang taong nagkukumpulan sa magarang sasakyan na nakaparada malapit sa kanilang tinitirhan. Rinig sa kanilang bibig ang hindi makapagpigil-hiningang chismisan at bulungan.
"Wow kuya, ang ganda ng sasakyan oh? Pangarap kong magkaganyan tapos ikaw po una kong isasakay."
Napangiti si Ken sabay gulo sa buhok ng kapatid. Kahit siya mismo ay namangha sa magarang sasakyan na tiyak kulang-kulang isang milyon ang halaga. Nilagpasan nila ito at pahirapang nakipagsiksikan papalabas sa kumpulan.
"Ken!"
Napatigil si Ken sa paglalakad nang makarinig ng pamilyar na boses.
"Sir Elvis?" tanong nito sa sarili pero kaagad itong umiling.
Ano namang gagawin ng boss niya sa mapanganib na barangay na ito?
"Kuya may problema po ba?" tanong ng musmos na bata.
"Wala. May narinig lang akong parang pamilyar. Halika na nga." muli nitong hinawakan ang kamay ng kapatid at magkasabay na naglakad.
Nakalabas na sila ng kanto pero laking gulat ni Ken nang businahan sila sa harapan ng isang sasakyan. Sa pagkakatanda niya ay ito 'yung sasakyang nakita nila kani-kanina lang. Unti-unting bumaba ang tinted na salamin dahilan para makita ang lalaking naka-shades.
"Get here in the car, now!"
"Sir Elvis?!" hindi makapaniwalang sabi ni Ken sabay lakad papalapit sa sasakyan para kumpirmahin. Napatakip siya ng bibig nang makilala ang lalaki.
"Jusko Sir Elvis, kayo nga! Ano pong ginagawa niyo rito?"
"Are we supposed to talk here? Get inside now." komando nito at hindi na siya hinintay makasagot.
"Kuya, dito po tayo sasakay?" masayang turan ni Carlo na nagtatalon na sa tuwa.
Binuksan ni Ken ang pinto ng sasakyan at binuhat papasok ang maliit na kapatid. Kaagad siyang umikot para sumakay sa passenger's seat.
"Who's that kid? Anak mo?" pagalit na tanong ni Elvis kay Ken.
"Sir, mukha na ba 'kong pamilyadong tao? Kapatid ko po 'yan. Carlo, magpakilala ka sa boss ko." ani ni Ken.
"Hello po, kuyang pogi. Ang yaman niyo naman po." bulalas ni Carlo at parang kiti-kiti sa kinauupuan.
Napangisi si Elvis at ibinalik na muli ang atensyon sa pagmamaneho.
"Good. Sa akin ka lang dapat magkakapamilya."
"Ano po iyon sir?"
"Wala. Saan kako pumapasok si Carlo?"
"Diyan lang po sa Biliran Elementary School. Diretso lang po kayo."
Ilang minuto ang itinagal bago maibaba ni Ken ang kapatid sa school. Binilinan pa niya ito na makisabay sa anak ni Ate Claire sa pag-uwi. Binigyan nito ng isang yakap at halik si Carlo bago pumasok sa classroom.
"Tara na po, Sir Elvis." sabi ni Ken pagkasakay ng kotse. Isinuot nitong muli ang seatbelt na si Elvis mismo ang nagsuot sa kaniya kanina.
"From now on, don't call me Sir Elvis."
Napatigil si Ken sa ginagawa at nagtatakang tumingin sa boss.
"Bakit naman sir? Ano pong gusto niyo? Sir Elvis Craig? O Sir Pendleton?"
"None of the options."
"Eh ano pong gusto niyo?'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Craig. Just call me Craig."
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...