"You need to attend the conference room at nine in the morning. By twelve-thirty, you have a scheduled meeting with Mr. Samonte at Cafe Revi. After that, you are free and no longer compelled to attend meetings Sir Elvis - I mean Craig." pagsasawika ni Ken habang nag-iiscroll sa tablet na ibinigay ni Elvis.
Dumaan ang isang linggo pero hindi pa rin makuha ni Ken na maging kalmado. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa 'special' attention na ibinibigay sa kaniya ng boss. At dahil siya ang kauna-unahang hi-nire na P.A. nito, hindi siya nakawala sa mga marites ng kompanya. Kapansin-pansin kasi ang pagiging clingy ni Craig at tila isang maamong tigre na taliwas na ipinapakita nito sa ibang empleyado. Kaya naman naging usap-usapan si Ken na sineduce aniya ang isang Elvis Craig Pendleton na dati'y walang kaemo-emosyon. Though aware siya na bina-back stab siya ng kapwa katrabaho, hindi niya na lang ito pinapatulan pa as long as hindi siya sinasaktan ng pisikal.
"Is there something wrong?" tanong ni Ken habang nakatingin kay Craig na may pagtataka. Sinambit niya ito nang diretso dahil binigyan din siya ng English book para aralin. Ngayon ay under phasing pa siya sa pag-aaral ng mga salita na kahit papaano'y madaling nakakabisa.
"You're wearing makeup?" tanong ni Craig na kanina pang inaanalisa ang mukha ng binata.
Napaiwas ng tingin si Ken sabay kagat sa ibabang labi.
May dahilan kasi kung bakit nakasuot ng kolorete si Ken sa araw na iyon. Death anniversary ng kaniyang magulang at nakaugalian na niyang magsuot ng makeup para magmukhang presentable kapag humarap sa puntod nito. Suot-suot niya rin ang kwintas ng yumaong ina na matagal nang iniingatan.
"Remove it." seryosong sabi at utos ni Craig kay Ken. Napaangat ang ulo ng binata at tumanggi sa utos ng boss.
"Hindi pwede Craig..."
"Why?"
"Personal reasons," maikling sagot ni Ken na nagpainit ng ulo ni Craig.
"Tell me the truth, are you hitting someone inside the company? That man, Troy, is he the reason kung bakit ka nakasuot ngayon ng makeup?" turo niya sa lalaking naging kaibigan ni Ken sa lumipas na ilang mga araw.
"Hindi Craig, hindi siya."
"Then who's that fucking man huh?!" napaatras si Ken nang sumigaw si Craig. Pansin niya rin na may pagka-dominante ang ugali nito sa tuwing hindi niya nasasagot nang matino ang mga tinatanong niya.
"It doesn't matter kung sino o ano kung bakit ako nakasuot ngayon ng makeup, SIR. Ano po bang masama kung maglagay ako?"
Sa kauna-unahang pagkakataon, sumagot nang pabalik si Ken kay Craig. Dahil sa pressure at stress na nakukuha sa trabaho, hindi na niya namamalayan kung ano ang lumalabas sa kaniyang bibig.
Tumayo sa kinauupuan si Craig at nagngingitngit na lumapit kay Ken. Nagsitaasan ang kaniyang balahibo nang suntukin nito ang pader na nasa likuran niya. Rinig niya ang pagkabasag nito dahil gawa ito sa aluminum glass.
"Huwag mong hintayin na ako pa mismo ang magbura niyan sa pagmumukha mo. After the meeting, dapat wala na 'yan. Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." pagbabanta nito sabay labas ng opisina. Naiwan si Ken na nanginginig ang katawan at parang tinakasan ng lakas. Noong isang araw lang ay ayos pa sila pero dahil lang sa isang maliit na bagay ay biglang nag-iba ang pakikitungo sa kaniya.
-
Naisipang bumaba ni Ken sa cafeteria para mahimasmasan sa nangyari kanina. Hindi naman siya sinasama ni Craig sa mga meeting kaya lagi siyang nakatunganga sa loob ng opisina. Umorder ito ng isang kape at kaagad ininom kahit mainit pa.
"Ken!"
Nabaling ang tingin nito sa papalit na lalaki. Umupo ito sa kaharap na upuan at binigyan ito ng malaking ngiti. Naningkit pa ang mga mata nito dahil may lahi itong banyaga.
"Oh Troy, free time mo?"
"Oo eh. Buti nga nakita kita, may kasabay na akong mag-umagahan."
"Naku, kakakain ko lang. Nagkakape lang ako pampagising. Samahan na lang kita kumain, matatagalan pa naman yata 'yung meeting." ani nito nang tanggihan ang alok.
"Hindi. Ang payat-payat mo oh? Hindi naman yata maganda kung ako lang ang kumakain. Sige na, huwag ka nang mahiya. Libre ko naman." pagpipilit nito na nagpasuko kay Ken.
"Kung mapilit ka, isang slice na lang ng mocha cake ang akin."
"Ayun naman pala. Sige, order lang ako." mabilis itong pumunta sa counter at tinuro ang pagkain na kakainin.
Makailang saglit ay may dala na itong tray at inilapag sa lamesa nila Ken. Nagpasalamat ang binata nang iabot ang nilibreng cake.
"Kumusta naman ang unang linggo mo dito?" tanong ni Troy habang nginunguya ang pagkain.
"Ayos naman. Parang wala nga akong in-applyang trabaho kasi maghapon lang akong nakaupo. Maghihintay lang ng tawag sa client tapos maggagawa ng schedule. Ikaw, ilang years ka nang nagtatrabaho dito?"
"Magdadalawa pa lang. Kung tutuusin, ang swerte mo nga kasi pahirapan sa pagpasok dito. Pero ayos na rin kasi bawing-bawi sa sahod at bonus."
Nagpatuloy ang pag-uusap nina Ken at Troy at kita sa mga mukha ang gaan ng loob sa isa't isa. Hindi nila namamalayang may matang nanlilisik na nakatingin sa kanila at nag-aambang gumawa ng hindi maganda.
"May kapatid akong maliit. Pangalan niya ay Carlo. Kung gusto mo, pumunta ka sa bahay namin para naman mapasalamatan kita sa paglibre mo."
"Talaga? Saan ba kayo nakatira?"
"Sa Biliran. Ang tanong, kakayanin mo bang makapunta 'don? Baka paghakbang mo pa lang sa kanto namin, mapaaway ka kaagad." Natatawang sabi ni Ken habang nakatingin sa kausap.
"Kung hindi mo naitatanong, malakas yata 'to." Turo niya sa kaniyang mamasel na braso.
Bibiruin pa sana ni Ken si Troy nang may isang lalaki ang humatak sa kwelyo nito sabay amba ng isang malakas na suntok. Napahiga si Troy sa sahig at hinipo ang nagdudugong ilong.
Napasinghap si Ken sa nangyari at hindi na rin mapigilang mapatayo.
"You fucking shit! Stay away from him!" isang nakakapanindig-balahibong sigaw na umalingawngaw sa buong cafeteria. Ang lahat ng tao ay hindi malaman kung magre-react dahil miski sila ay pinangunahan na ng takot.
Wala sa tamang wisyo si Ken kaya hindi niya kaagad naramdaman na tangan-tangan na pala siya ni Craig papalabas ng gusali. Mahigpit ang pagkakahawak nito na nagpapangiwi sa kaniya.
Para siyang kinidnap na pwersahang isinakay sa sasakyan at hindi niya akalain ang susunod na pangyayari.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Cerita PendekObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...