Ken's POV
Ilang minuto kong pinag-isapan iyong sinabi ni Craig pero ilang beses ding hindi tinatanggap ng utak ko ang inalok niya.
Teka, alok nga ba?
"You'll move into my house. No buts, that's an order."
Sa pagkakatanda ko, wala akong ipinangakong tumira sa kaniya. Pero sino ba naman ako para tumanggi?
Kung lilipat man kami ni Carlo sa bahay ng boss ko, wala na akong kargo responsibilidad sa pagbabayad ng renta kay Aling Mendiola. At higit sa lahat, makakaalis na kami sa lugar na 'yon.
Ang problema nga lang, hindi naman kasing kapal ng librong ibinigay sa akin ni Craig ang mukha ko. Magmumukha kasing charity o sugar daddy si Craig sa oras na tumira pa ako sa mismong bahay niya. Parang sobra na sa sobra 'yung nakukuha kong advantage bilang assistant. Hindi naman ako huthutero at wala akong balak na maging isa.
"So, what now? Have you decided?" tanong ni Craig habang minamaniobra ang manibela.
Nangunot ang aking noo sabay baling sa kaniya. "Agad-agad Craig? Parang wala pa yatang thirty minutes bago mo 'ko alukin na tumira sa bahay mo. Ganoon na lang ba kadali sa'yong magsabi ng ganiyang bagay na parang simple lang? Kung sa bagay, may charity at orphanage kayong sinusuportahan."
"You know I'm not good at waiting. I'm a patience less man. Why are you holding back? 'Di ba gusto mong tumira si Carlo sa ligtas na lugar? Then, my house is a perfect choice."
Huminto siya sa pagmamaneho nang mag-red light ang posteng nasa gilid ng kalsada. Dahil maalinsangan ang panahon, isa-isa niyang binuksan ang butones ng collared suit jacket sabay hawi sa likod na upuan. Nagkusa akong laksan ang buga ng aircon sa kotse pero hindi pa rin yata ito sapat para maibsan ang init sa palligid.
Napahigop ako ng hangin nang masaksihan kung paano mag-flex ang kaniyang masel sa braso at kung paano nito ipatong ang kamay sa manibela. Parang sa sobrang laki, puputok na 'yung suot niyang damit na sobrang hapit. Aminin ko man o hindi, ang hot niya sa part na 'yon.
"Already drooling?" may maloko niyang tanong at mas flinex pa ang braso sa aking harapan.
"H-hah?"
"The way you look at my body, it seems like you wanted to touch it. Or, taste it."
"Sir Craig!? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Magmaneho ka na nga lang!" Hindi ko matago ang pagkapula ng aking mukha at mas nadagdagan pa ito nang makaramdam ako ng init sa katawan. Hindi libido ang sinasabi kong nag-iinit, literal talagang mainit.
"Are you ordering me?" nakakunot nitong tanong.
"H-hindi naman sa ganoon. Hindi lang yata ako sanay sa pagiging kaswal mo."
Tumawa siya nang pagak sabay pihit ng kambyo para muling paandarin ang sasakyan.
"We're together for at least two weeks from now and you're still not comfortable the way I speak to you? Oh, come on!"
"Hindi mo naman ako masisisi, Craig. Tulad ng sinabi mo, tawagin na lang kita sa pangalan mo, not in a formal way. Sa trabaho, parang pag-upo lang yata ang ginagawa ko kasi lagi mo 'kong sinasabihan na you can handle it. Eh 'di ba nga, assistant mo 'ko? It's my responsibility na pagaanin 'yung trabaho mo. Pero mapilit ka at sinasabi mong kaya mo na. Kung itrato mo 'ko, parang hindi ako empleyado. Kapag may kausap akong iba, para ka na lang kabute na susulpot at hihilahin ako papalayo. Parang...parang-" hindi ko natuloy ang nais ko pang sabihin nang iiling ko ang aking ulo. Ayokong mag-overthink.
"Parang ano?"
Huminga ako nang malalim at naglakas-loob na tanungin ang matagal nang bumabagabag sa isipan ko.
"Craig, bakit mo 'to ginagawa? Alam kong hindi na dapat ako mag-inarte dahil halos lahat na yata ng tao ay gustong pangarapin 'yung ganitong trabaho, pero bakit parang iba 'yung dating sa 'kin?"
"What do you mean?"
Nag-aalangan akong ibuka ang aking bibig at bigkasin ang katagang dati ko pang kinikimkim.
"Na parang may relasyon tayo. Na parang gusto mo 'ko."
_
Hello, beautiful people! Sorry kung natagalan mag-ud. Ngarag po ako sa schoolworks😭 Hindi ko matiyempuhan 'yung pagsusulat🐥🐥
Salamat po sa suporta!!!
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...