Chapter twenty five

1.4K 89 11
                                    

Oo na, sinipag ako! Malamig kasi kahapon kaya pasenti-senti akong mag-isa habang nagta-type! Guys, let's reach 20 votes for this chapppppp! xoxo

Enjoy reading!!!!


_


Buong maghapon akong nakatunganga sa veranda ng mansyon habang hindi maitago ang pagkainip sa kinauupuan. Nagkandasawa ako sa pagtanaw ng lugar na kinatitirakan ng bahay pero sa huli ay nabagot pa rin ako. Nagpumilit ako kina manang na tumulong man lang sa paglilinis ng bahay pero hindi ako pinayagan.

"Ate Bertha, gusto mo ako na magsampay niyang mga punda? Sige na, alam kong napagod ka na kalalaba." Bulong ko rito at akmang aagawin ang basket na hawak. Napabitiw ako nang tapikin niya ang dalawa kong kamay.

"Nako Ken, ako ang malilintikan kay Manang Selma kapag nakita kang dala-dala mo 'to. Kabilin-bilinan sa amin na huwag kang hayaang gumawa ng trabaho dito. Ako na ang magsasampay, doon ka na lang sa loob." Paninita nito sa akin bago umalis sa aking harapan. Sinundan ko ito hanggang sa makalabas kami ng washing room.

"Wala naman akong ginagawa. Atsaka, hindi 'to malalaman ni manang kung hindi ka magsusumbong. Sige na ate, bagong salta naman ako dito eh." Ginamit ko ang nakakaawa kong mukha na tiyak hindi mahihindian nino man. Subok ko na ang ganitong sitwasyon at halos lahat ay napapapayag ko kapag nagpaawa effect ako.

"Jusmiyo, hindi mo ako madadaan diyan. Kahit maglupasay ka pa diyan sa sahig, hindi ka makakahawak ni isang hibla nitong nilabhan ko. Ako ang masisisante kapag pinabayaan kita. Kaya kung ako sa'yo, doon ka na lang tumambay sa walk-in closet ni Sir Elvis. Maglibang ka o 'di kaya'y mag-ikot-ikot dito."

Literal na napasalampak ako sa sahig habang suot ang nakapanlulumong mukha. Maging si Manang Josefina ay hindi kumibo sa aking alok na pagtulong kaya heto ako't parang may-ari ng bahay na paupo-upo lang. Sa totoo lang, hindi ako sanay na walang ginagawa dahil nakasanayan ko nang magtrabaho at magbanat ng buto. Parang sinisilihan ang aking puwetan at naghahanap na maaaring pagkakaabalahan.

"Ayaw niyo talaga akong tumulong? Edi sige, it's your loss, not mine. Bye!" muli akong pumunta sa veranda para magpahangin at indain ang walang kamatayang pag-upo.

Habang nagliliwaliw ako sa kawalan ay bigla kong naalala na hindi ko pa nakokontak si Ate Loty simula nang lumipat kami dito. Nawala sa isip kong tumawag pala siya nitong nakaraang araw pero hindi ko ito nasagot. Dinukot ko sa bulsa ang cellphone at pinindot ang numero ni ate sa contact list. Mabilis naman niya itong sinagot kasunod ng mga ratsada niya kung buhay pa ba raw kami ni Carlo.

"Walanghiya ka, Ken! Alam mo bang pumunta pa ako sa presinto para i-report na nawawala kayo ni Carlo?! Katok ako nang katok sa bahay niyo pero walang sumasagot. Saang lupalop ba kayo ng Maynila pumunta, hah?" patutsada nitong sabi na hindi maitago ang pagkairita sa tono ng kaniyang pananalita.

"Nandito kami ngayon ni Carlo sa mansyon ng mga Pendleton. Dito muna kami pansamantalang titira gawang nag-shift ako ng ibang trabaho sa boss ko. Pasensya na talaga ate kung hindi kita agad nasabihan. Hindi kasi ako makahanap ng tamang tiyempo para tawagan ka. Buti na lang wala akong ginagawa ngayon kaya naisipan kong tawagan ka." Paliwanag ko naman dito na may kaunting pagsisisi. Nagkamali ako sa side na hindi ko agad ipinaalam kay Ate Loty kung ano nang ganap sa buhay naming magkapatid kaya heto siya't pinoproblema pa kami. Nabanggit niya na hindi raw siya makapagpokus sa bakery dahil panay ang isip niya sa amin. Nauunawaan ko naman na ganoon ang magiging reaksyon niya dahil pamilya na ang turingan namin kaya sinabi kong babawi ako sa kaniya sa oras na nagkita o dumalaw kami sa Biliran.

"Aba'y dapat lang, aber! Hindi mo ako madadaan sa pamahabang kwento mo Ken kung bakit ka nandiyan ngayon. I need scope! Gusto kong malaman lahat-lahat! Kahit maliit na bagay man 'yan, wala kang dapat likdawan. Makukutusan talaga kita sa oras na magkita tayo!" ramdam ko ang panggigigil at ngitngit sa bawat katagang binibitawan niya kaya ako'y napatawa na lang. Na-miss ko tuloy 'yung panahong nag-aasaran kami habang nagmamasa ng tinapay at pinag-uusapan ang mga walang kwentang bagay.

"Makakaasa ka, Ate Loty. Pero maiba ako ate, kumusta na ang bakery? Si Ka Redolfo?"

"Eto, nami-miss ka na rin namin dito. Lalo na 'yung mga suki natin, ikaw lagi ang hinahanap kapag bumibili sila ng tinapay. Pero huwag mo nang alalahanin ang bakery, malakas pa rin ang kita kahit may nagtayo na namang bakery sa kalapit na barangay." Ang sagot nito na maririnig sa kabilang linya ang pagbabalot nito ng paninda. May ilan ding boses ang sumasapaw na nagtuturo ng bibilhing tinapay.

"O sige na, ate. Mamaya na lang ulit ako tatawag. Balitaan kita kung kailan kami babalik diyan. Miss ka na namin ni Carlo."

"Miss ko na rin kayong dalawa. O siya, ibababa ko na 'to. Dumarami na ang customer. Text-text na lang, babu!" huli nitong sinabi bago patayin ang linya.

Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Nasaktuhan ko mula sa ibaba si Salome na may dalang mga halaman at bulaklak. "Salome!" agaw ko rito ng atensyon na ikinataas naman nito ng tingin. Kumaway din siya at sinuklian ang pagngiti ko ng isa ring ngiti. Umalis ako sa kinatatayuan ko upang puntahan si Salome na tiyak magbubungkal ng lupa para itanim ang mga dalang halaman.

"Hindi na kaagad. Kung susubukan mo 'kong tanungin kung pwede kang tumulong, hindi na kaagad." Ang bungad nito sa akin pagkalapit ko sa kaniyang pwesto.

"Hoy, wala naman akong sinabing tutulong ako. Manonood lang." Naupo ako sa upuang gawa sa bato na nasa sentro ng malaking bakuran. Ngumisi lang si Salome at napailing habang pinagpapatas-patas ang mga halaman.

"Saan mo pala kinukuha ang mga bulaklak na 'to? Ang gaganda," turan ko bago yumuko para hawakan ang mga ito. Inamoy-amoy ko ang ibang bulaklak na siyang ikinatuwa ko dahil sariwa pa at mukhang bagong pitas lang.

"May suplay ang mga Pendleton ng mga bulaklak. May ari din sila ng hacienda malapit lang dito kung hindi mo naitatanong." Ang sagot nito habang nakabaling ang tingin sa pagtatanim nitong muli sa nabungkal nang lupa.

"Ah ganon ba? Ito, anong tawag dito?" turo ko kay Salome sa hawak kong puting bulaklak.

"Daisy ang tawag diyan. Mas gaganda 'yan kapag binabagayan sa tamang pwesto ng lupa o lalagyan."

"Talaga? Mukha ngang maganda 'yang ipang-display sa loob at ilagay sa flower vase."

Kinuha ni Salome ang hawak kong bulaklak pagkatapos pinutol niya ang pinakaulo at nag-iwan ng kaunting tangkay. Lumapit siya sa akin sabay inipit sa tenga ko ang bulaklak. "Ayan, ang ganda."

Hindi ko inaasahang gagawin iyon ni Salome kaya't para akong tuod na hindi malaan kung anong magiging reaksyon. Bigla din akong sininok gayong marami naman akong ininom na tubig kanina.

"May dungis ka rito," nagpresinta siyang punasan ang dumi sa aking mukha gamit ang kaniyang hinlalaki.

Nasa ganoon kaming tagpo nang makarinig kami ng isang mahabang pagbusina ng kotse. Doon ay naaktuhan kami ni Sir Craig na ngayon ay may galit na hitsura at nagtatangis na mga kamao.

_

Lagot ka Ken!!!

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon