Chapter sixteen

1.5K 74 1
                                    

Tumagos sa aking kaibuturan ang mga salitang binatawan ni Kuya Brent. Tila isang sampal sa mukha ang katotohanang ako ang puno't dulo kung bakit muling bumalik ang OCD ni Craig.

Nagsituluan ang malamig na pawis sa aking noo kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso. Gusto kong maiyak sa kaba dahil hindi ko man lang napansin na ganoon na pala ang epekto ko kay Sir Craig.

Simpleng tao lang naman ako na naghahangad na makaahon sa kahirapan, bakit kailangan ko pang pagdaanan ang ganitong klaseng pagsubok?

"B-bakit ako?" Pagmamaang-maangan ko.

"There's a lot of reasons, Ken. Kahit umagahin pa tayo rito, it's still not enough para maisa-isa ko ang mga dahilan. But the fact is, Ken is so much obsessed with you. I know na hindi mo 'to magagawa, but it's like parang pinainom mo siya ng gayuma."

"Every day, every night, he's longing for you. May mga bagay na dati ay hindi niya ginagawa, pero ngayon ay nagagawa na niya because he wanted to sue you. He wanted you to stay beside him. He always wanted to see you wherever he goes. That's your affect to him, Ken." Mahabang litanya nito at kita sa mga mata kung ano ang nasaksihan niya sa nakababata niyang kapatid.

"I'm still researching kung paano tuluyang malulunasan ang OCD ni Craig. First is to undergo him to psychological therapy with the best psychiatrist, as well as to make a drug that can help him to easily sane his mind. But before that, while I'm still sticking to that plan, I have a favor to you, Ken..." ang mapaglaro niyang mukha kanina ay napalitan ngayon ng pagkaseryoso. Napalunok ako ng laway habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Instead of personal assistant, I wanted you to become his personal caregiver. I know it's too much to ask, but I will double the salaries you earn as exchange. You can also bring your younger brother to the mansion. Please Ken, for the sake of my brother...ikaw muna ang magiging lunas niya habang naghahanap pa ako ng paraan para mapagaling siya." Mapanuya nitong pakikiusap at kinuha ang dalawa kong kamay na parang nagmamakaawa.

Paano ako makakatanggi?

Nangako ako sa sarili kong didistansya ako sa boss ko alang-alang sa trabaho pero bakit mas pinaglalapit pa kami ng tadhana?

Pero iba na kasi ang sitwasyon. Ngayong malinaw na sa akin ang kalagayan ni Sir Craig, siguro panahon na rin para suklian ko ang mga ginawa niya sa akin, miski sa aking kapatid. Gayunpaman, pipilitin kong huwag lagyan ng malisya ang bawat kilos niya, dahil alam ko na dala lang ito ng sakit niya.

Alam kong urong-sulong ang mga desisyon ko sa buhay subalit gusto kong matulungan ang boss ko. Alam ko sa sarili ko na mabuti siyang tao kaya gagawin ko ang lahat para gumaling siya. Wala mang kasiguraduhan, kailangan kong kayanin ang pinasok kong butas. Alang-alang kay Carlo. Alang-alang kay Sir Craig.

"Sige po. Pumapayag po ako."

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon