Buong magdamag akong hindi kinikibo ni Sir Craig at mababanaag sa kaniyang mukha ang pagkairita nang makailang paliwanag ako sa kaniya na biro lamang ang sinabi kong magkakamabutihan kami ng kapatid ni Ate Loty. Tinawag ko na ang lahat ng santo para paniwalain siya na gawa-gawa ko lamang iyon dahil nagkamali ito ng interpretasyon nang makita niya kaming magkayakap. Hindi ko naman sukat akalain na natunton niya kung saan ako naroroon gayong wala sa isipan ko na malalaman niyang umalis ako sa mansyon.
Malungkot ko itong tiningnan dahil ako naman dapat ang may karapatang magalit dahil sa mga nangyari. Para na akong masisiraan ng bait kasi hindi ko malaman kung magagalit ba ako o iintindihin na lang ang mga kaganapan. Kasi sa totoo lang, naiinis ako sa ideyang nagpapatay-malisya si Sir Craig na pawang wala lang sa kaniya na harap-harapan siyang nakikipaghalikan sa iba o sadyang wala talaga itong maalala dahil lasing ito. Pero tulad nga ng sabi ni Ate Loty, isipin ko na lamang na parte sa trabaho ko ang makasaksi ng mga pangyayaring kayang makasakit ng aking puso.
Nawala ang aking atensyon kay Sir Craig nang may tumawag sa kaniyang telepono kung saan nakarehistro ang pangalan ni Senyorito Vincent. Maka-ilang ring ito pero mukhang wala siyang balak na sagutin ito kaya ako na mismo ang kumuha ng kaniyang cellphone.
"If you answer it, I'll fucking rape you right here."
Kamuntikan ko nang malaglag ang hawak kong cellphone nang sabihin iyon ni Sir Craig na mahihimigan ang halong pagbabanta. Seryoso ang kaniyang mukha ngunit tuwid ang mga mata nito sa binabagtas na daan. Hindi ko na tinangka pang pindutin ang answer button kaya kaagad kong in-end ang call. Nagulat pa nga ako nang makita ang 23 missed calls mula sa senyorito.
Muling umilaw ang cellphone pero si Kuya Brent na ang tumatawag. Tantiya ko ay mukhang hindi rin nagpaalam itong si Sir Craig na aalis ng mansyon kaya halos ang lahat sa bahay ay nag-aalala. Walang dudang nagmadali ito dahil tanging puti na sando at boxer shorts lang ang suot nito.
"Si Kuya Brent ang tumatawag, ako na ang sasagot," sabi ko rito dahil pinandidilatan na ako ng mata. Wala naman siyang nagawa dahil nagmamaneho ito nang sagutin ko ang tawag.
"Where the hell are you, Elvis? Are you out of your mind?!" pabulyaw na tanong ni Kuya Brent kaya medyo nailayo ko sa aking tainga ang hawak na telepono.
"A-ah kuya, huminahon po kayo. Kasama ko na po ngayon si Sir Craig."
"Ken?"
"Ah opo, ako po ito—"
"Thank God you're now beside him! You didn't know how much I tried to calm down myself na baka may gawin na namang masama ang kapatid ko," dinig ko ang paghinga nang malalim ni Kuya Brent sa kabilang linya na tila napanatag nang marinig ang boses ko.
"Pasensya na kuya kung umalis ako nang walang paalam. Pinuntahan ko po kasi 'yung malapit kong kaibigan sa dati naming tinitirhan. May nangyari po ba noong wala ako diyan?"
Ilang segundong hindi sumagot si Kuya Brent pero naririnig ko ang problemado niyang pagbuntong ng hininga. Maya-maya lang ay sumagot na ito nang maproseso ang mga sasabihin.
"He's gone wild again a while ago. I don't know what happened pero galit na galit siya kay Vincent and he tried to suffocate him using his pillow. Mabuti na lang narinig namin ang sigaw ni Vincent kaya kaagad ko siyang napigilan. He actually lost his mind habang paulit-ulit niyang sinasabi that he will kill him because of you," buong pagkukuwento nito na ikinabilis ng pagtibok ng aking puso. Ni miski isang salita ay walang lumabas sa akin dahil hindi ko lubos maisip ang mga nangyari.
"He refused to take his meds kaya mas lalo siyang natuliro kahahanap sa'yo. I know it sounds so selfish but Ken, why did you leave without telling us? You know that Craig is not fully recovered and you're fully aware na sa mga gamot lang siya kumakapit. For the record, hindi kita sinisisi sa mga nangyari but please...don't do this again for the sake of my brother."
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang humihikbi. Natauhan ako nang agawin ni Sir Craig ang telepono at padaskol niya lamang itong itinapon sa likuran.
"And that's why I don't want you to answer anyone. You cry out and keep blaming yourself for what you've heard," sabi niya nang hindi na nakakunot ang noo. Medyo malamlam na rin ang boses nito na para bang bumalik siya sa pagiging normal. Inihinto niya ang sasakyan pagkatapos ay kumuha siya ng tissue sa lalagyan. Lumapit siya nang kaunti sa akin para punasan ang namamasa ko nang mukha.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at siya'y hinagkan nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mata at paulit-ulit na sinasabing hindi ko na ulit siya iiwanan.
"You don't have to be sorry, babe. I know it's all my fault because of what I've done yesterday. I'm drunk but it's not a fucking excuse to hurt someone like you. You can hit me all you want but please...don't you ever leave me again, Ken. Ikamamatay ko."
Ang malalaki nitong kamay ay unti-unting binalot ang aking likuran at maingat niyang idinantay ang aking ulo sa matipuno niyang dibdib. Sa mga oras na iyon, ang lahat ng aking agam-agam ay nawala at napanatag ang aking loob na magiging maayos din ang lahat basta lagi niya lang akong nasa tabi.
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...