Chapter twenty two

1.4K 71 3
                                    

Mag-aalas dose na ng hatinggabi ngunit gising pa rin ang aking diwa. Nais ko sanang maging mahimbing ang pagtulog ko sa unang araw na pamamalagi namin dito sa mansyon pero mukhang mahihirapan ako sa sitwasyon. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan at tanging kandila lamang ang nagpapaliwanag sa madilim na silid.

Gayunpaman, hindi ko mapigilang pamulahan sa enkwentrong naganap sa pagitan namin ni Sir Craig. Hanggang ngayon ay nananalaytay sa'kin ang kahihiyan buhat ng gawin ko ang kapangahasang paghawak ko sa kaniyang katawan. Mabuti na lamang ay pinigilan niya ang kamay ko sa paghagod dito kung hindi ay baka may mahawakan akong hindi tama.

Pero aminin, ngayon lang nangyari sa buong tanan ng buhay ko na makahawak ng katawan ng lalaki. Ramdam ko pa rin ang mabato niyang tiyan at matigas nitong katawan. Ibang-iba ito sa katawan kong patpatin na maihahalintulad sa kawayan. Kung hindi dahil sa ulan at walang kuryente ay baka hindi pumanig sa akin ang pagkakataon sapagkat hindi nagalit sa akin si Sir Craig.

Oo nga pala, alam na niyang ako ang magiging caregiver niya kasi hindi na natuloy ay surpresang sinasabi ni Kuya Brent. Dahil hindi nakisama ang panahon, napilitan si kuya na sabihin ito sa kaniya at wala na rin namang maidadahilan gayong nakita na niya ako. Tanging ang senyor na lang ang hindi nakakaalam tungkol sa akin pero bukas ay kaagad din daw akong ipapakilala.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko makuhang makatulog. Maraming bumabagabag sa'king isipan kung paano ako haharap sa senyor.

"Gatas. Kailangan ko ng gatas." Maingat akong bumangon sa pagkakahiga upang hindi magising si Carlo. Kinuha ko ang isang lampara sabay lumabas ng kwarto. Mabilis ang aking paglalakad para matunton kaagad ang kusina. Pagbukas ng ref, kinuha ko ang isang bote ng gatas at nagsalin sa basong kinuha ko mula sa hanging cabinet. Lagok lang ako nang lagok na tila uhaw ako sa buong araw.

"Uhaw na uhaw?"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso sa gulat. Isang hindi pamilyar na binatang lalaki ang lumapit sa akin at kinuha ang baso kong hawak. Nagsalin din siya ng gatas sabay ininom ito nang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

"S-sino ka?"

"Sorry, hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Ako si Salome, anak ni Tay Bert. Ken, tama?" Inilahad niya ang kamay nito at sumilay ang kakaibang ngiti sa labi.

"May anak pala si Kuya Bert. Hindi kita nakita kanina kaya akala ko sila lang ang tauhan ng mga Pendleton. Dito ka rin nagtatrabaho?"

"Hardinero ako dito. Namili ako ng mga binhi kanina kaya hindi mo 'ko nakita. Balita ko dito ka na rin magtatrabaho, mukhang magkikita tayo araw-araw." sabi nito at muli na namang ngumiti.

Parang kanina lang ay estranghero ang turing ko kay Salome pero ngayon ay para na kaming magbarkada sa maikling pag-uusap. Para siyang kapatid ni Ate Loty na laging nakangiti at walang problema sa buhay. Magaan ang loob ko sa kaniya at sa tingin ko'y makakasundo ko si Salome gayong araw-araw nga kaming magkakatagpo.

"Malalim na ang gabi. Kailangan ko nang bumalik sa kwarto namin. Baka magising si Carlo nang wala ako. Bukas na lang ulit." Paalam ko rito pagkatapos mahugasan ang basong ginamit.

"Hatid na kita." Alok ni Salome na kaagad kong tinanggihan.

"Naku, 'wag na. Alam kong pagod ka sa pagbiyahe. Pumunta ka na rin sa kwarto niyo ni Kuya Bert at magpahinga."

"Para namang hindi magkakatabi 'yung mga kwarto natin. 'Wag ka nang umangal."

At ayon nga. Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa paghila ni Salome pabalik sa aming silid.

_

Hmmmmm, smells something...fishy?

Anong papel ni Salome sa buhay ni Ken? Omoooo, I think may panibago na namang love interest kay Ken. Haba ng hair!!!

Btw beautiful people, ako'y humihingi ng pasensya sa mabagal na pag-ud. Ganiyan talaga ako, tamad HAHAHAHHAA

Happy 6k+ reads!!!! Woooooohhh!!!

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon