Aking hinintay ang pagdating ni Mang Bert para asikasuhin ang napuruhan niyang anak. Mula sa malayo ay narinig ko ang usapan nilang mag-ama kung saan galing ang mga sugat ni Salome sa katawan.
Pinabulaanan niya na lamang ito at sinabing natisod ito sa lupa habang dala-dala ang mga kagamitan. Nakokonsensiya man ako sa pagsisinungaling niya, ang tanging magagawa ko na lang ay tumahimik dahil baka gumulo lang ang lahat. Lalo na't ang may kagagawan niyon ay mismong amo naming tatlo.
"Nakung bata ka, kanina pa kita hinahanap! Magmadali ka't umakyat ka na sa kwarto ni Elvis! Kung hindi ko lang napakiusapang sunduin ka, baka magwala na naman 'yon!" Mala-histerikal na sinabi ni Manang Josefina bago ako pwersahang pinaakyat sa hagdanan. Hindi ko na nagawa pang tanungin, miski lingunin dahil iisa lang naman ang dahilan kung bakit natataranta ang mga tao rito sa mansyon.
Ang pagkawala ng presensya ni Kuya Brent sa bahay ang nagpaalala sa akin na kailangan kong painumin ng gamot si Sir Craig. Nagpandali akong tumakbo nang mapagtantong lagpas na sa tamang oras ang dapat niyang pag-inom ng mga nireseta.
Mabilis kong pinasok ang loob ng kwarto nito. Ito ang una kong pagkakataon na makapasok dito dahil madalas ay sa walk-in closet lang ako tumatambay. Palaisipan sa akin kung ano ang hitsura nito nang maalala ko 'yung panahong pinipilit ako ni Manang Josefina na tingnan ko raw ang looban.
"Sir Craig, nandito na 'ko!" Ang paglukdaw ko sa espasyo ng kaniyang kwarto ay dahilan upang mabungaran ang pilit na ipinapakita sa akin ni Manang Josefina sa unang pagtuntong ko pa lang ng mansyon.
Napatigalgal ako sa aking nakita.
Sa lahat sulok ng kwarto, napupuno ang dingding ng mga litrato ko at ilan pa rito'y halatang patago ang pagkakakuha. Hindi ko kinaya nang masilayan ang mala-tarpaulin sa laki ng larawan ko na nakadikit sa kisame, kapantay sa higaan nito. Sa madaling salita, nagmistulang art studio ang kwarto ni Sir Craig habang ako ang kaniyang nilikha.
Nagtatalo ang isipan ko kung matutuwa, magagalit o matatakot sa nakita. Halo-halo ngayon ang aking emosyon at hindi maipinta sa aking kalooban kung ano ang nangingibabaw.
"What took you so long?!"
Natauhan lang ako nang maramdaman ang paghapit sa akin ni Sir Craig papalapit sa kaniyang katawan. Nakabihis na ito ng pambahay at naamoy ko ang bago niyang paligong katawan. Bago ako umeksenang pagpaliwanagin siya sa mga nakadikit kong larawan ay isinara ko ang pinto bago nagsalin ng tubig sa pitsel. Kumuha ako ng isang tableta at ito'y ipinasubo sa kaniya.
"Lagok. Inumin mo 'yan."
Gusto ko nang tumawa sa hindi niya maipintang mukha pero maagap ko itong pinigilan. Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko at inubos ang isang basong tubig.
"Ngayon, sabihin mo. Bakit may mga pictures ko na nakakabit dito sa kwarto mo hah? Hindi mo man lang ba naisip na nagmumukha kang stalker o 'di kaya'y masamang tao na obsessed sa 'kin?" Nakapamewyang kong pagkakasaad habang siya'y nakaupo sa kaniyang kama.
Nainis ako sa bigla niyang pagngisi sabay ipinagkrus ang dalawang binti. Tumingin siya sa akin at umiling-iling.
"Hindi pa ba halata? You're the one who makes me insane. Yet, you're also the one who makes me sane. Nang dahil sa'yo, I learned that I don't want to let you go. Hindi ko na kayang hindi kita makita. At ayaw kong makita na meron kang kasamang iba. Masisisi mo ba 'kong ikabit 'tong mga pictures mo kung oras-oras, minu-minuto ay ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko?
Ngayon, ibabalik ko sa'yo 'yung tanong ko, hindi pa ba halata? Hindi pa ba halatang gusto kita?"
To be continued...
_
Oh? Bitin ba? Ako rin eh!
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Kısa HikayeObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...