Chapter thirty one

939 23 4
                                    

Tuluyan akong nagpatianod sa bugso ng init na aking nararamdaman habang nakikipagsabayan sa halik ni Sir Craig. Tila may sariling buhay ang aking mga kamay na ngayon ay sinasabunutan ang mamasa-masang niyang buhok. Para akong nilalasing sa bawat dampi ng aming labi na nagpapaikli ng aking hininga.

Itinigil niya ang halikan pagkatapos ay hinubad niya ang suot na sando. Sa hindi mawaring dahilan, mas lalo akong nag-init dahil ang sexy niyang tingnan sa ganoong posisyon, idagdag mo pa ang mga mata niyang napupuno ng pagnanasa. Sinong mag-aakala na ang caregiver na dapat ay asikasuhin ang amo niya ay ngayon ay magiging giver na ng mabubuong anak nila?

Jusko, mahabagin Ken! Bago pa man tuluyang may mangyari, pinagpalit ko ang aming pwesto at siya'y aking niyakap. Isiniksik ko ang aking ulo sa kanyang leeg at sinabing hanggang doon lang ang pwedeng maganap sa pagitan naming dalawa.

"Why did we stop?" nagugulumihanan niyang tanong.

"Baka may makakita sa atin sa labas. Hindi mo ni-lock 'yung pinto bago mo ako kinama. Atsaka, hindi pa ako handa para sa digmaan, Craig. Maiintindihan mo naman ako 'di ba?" sagot ko rito habang hinihimas ang pisnge nito.

"Then what time are you gonna be ready? I want to do it with you now."

"Hmm, siguro mamayang 12:30 ng gabi para yanig kung yanig!"

Nanlaki ang mata niya at parang batang na-excite sa narinig.

"Really? We're gonna do it later?"

"Charot! Anong we're gonna do it later? Siyempre kailangan ko munang mag-prepare pero mahabang panahon pa 'yun," natatawa kong sambit bago pinitik nang mahina ang kaniyang ilong. Sumimangot naman ito at pagalit akong tiningnan.

"Para hindi ka diyan magalit, may iba tayong gagawin ngayon."

Inirapan lang ako nito at nagbuntong hininga. "What is it?"

"Tatanggalin natin 'yung mga nakadikit na litrato ko sa kwarto mo. Jusko Sir Craig, ang yaman-yaman mong tao tapos ganito ka kaburara?" Tumayo ako sa pagkakahiga at nagsimula nang tanggalin ang mga dapat tanggalin.

"What are you doing?! You're ruining my life!"

"Yuck, sir! Ang OA mo sa part na 'yan. Atsaka pwede ba? Hindi mo na naman kailangan pang titigan 'tong mga litrato na 'to kasi nandito na ako sa mansyon nang pisikal. Tumayo ka na rin diyan para may magawa ka namang matino sa araw na 'to," sabi ko rito habang iwinawagayway ang mga natanggal nang papel. Wala na akong nakuhang sagot sa kanya bagkus padabog itong tumulong sa akin. Napangiti ako nang palihim at ipinagpatuloy ang paglilinis ng kanyang kwarto.

Mahigit bente minutos ang itinigal namin bago makita ang maaliwalas na sulok ng silid. Siya ang nagtanggal ng mga litratong nakakabit sa kisame dahil hindi kaya ng tangkad ko na abutin ang mga iyon. Tinanong ko pa siya kung paano niya kinabit iyon pero wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya.

"I'm tired. I need your service now."

"T-teka, Sir Craig! Saan mo 'ko dadalhin?" nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok ng kanyang banyo.

Walang hiya-hiyang tinanggal ni Sir Craig ang kanyang saplot na nagpatakip sa aking mata. Nanginig ang mga binti ko nang naglakad ito papalapit sa akin.

"Bakit tinatakpan mo mga mata mo? How can you do your job if you do not see me properly?" bulong nito sa akin na nagpatayo sa aking balahibo. Para akong kinikiliti ng hininga niya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon.

"Craig, kung extra service ang tinutukoy mo, it's a big no. Hanggang caregiver lang ang kaya kong maipaglingkod ko sa'yo. Atsaka hindi mo ba ako naintindihan kanina, hindi pa ako handa. Dito pa talaga tayo sa c.r. magjujugjugan?" nahihirapan kong sambit dahil hindi na ako makalunok nang maayos. Natutuyuan ako sa aming posisyon.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw sa banyo ang malakas niyang tawa. Hindi ko mapigilang pamulahan dahil kitang-kita ko rin ang pagyugyog ng Craig junior niya.

"What are you talking about? You're just going to bathe me."

Sumampa siya sa bath tub at komportableng humiga sa mabulang tubig. Sinenyasan niya akong lumapit na kaagad kong sinunod.

Hindi ko na hinintay pang utusan niya ako at inabot ang palagi niyang ginagamit na shampoo. Ikiniskis ko ito sa aking palad pagkatapos ay ipinahid ito sa kaniyang buhok. Kita ko sa malaking salamin ang pagpikit ni Sir Craig ng mata na senyales na ninanamnam ang pagkuskos ko rito sa kaniyang ulo.

"Ken..."

"Ano 'yon?"

Napatigil ako sa aking ginagawa nang hawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay idinampi niya ito sa kaniyang pisngi.

"Your touch... I want to feel your touch everyday," sabi nito habang hawak pa rin ang kanan kong kamay. Habang tumatagal ay nase-sense ko na parang kakaiba na ang ikinikilos ni Sir Craig dahil sinasamyo na niya ang aking kamay at dinidilaan.

Napatikhim ako at balak sanang bawiin ang pagkakahawak pero kaagad niya itong hinigpitan nang maramdaman ang itatangka kong kilos. Medyo masakit iyon na tiyak mag-iiwan ng marka sa aking balat.

"Don't you ever think to ignore nor leave me. You're oblige to take care of me and it takes forever now. Ken, you know that you're mine right?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi maiproseso nang maayos ng utak ko ang mga sinabi niya. Oo, gusto ko si Sir Craig at pinasok ko itong sitwasyon na 'to dahil nalaman kong may sakit siya. Pero kaya ko bang panindigan 'to hanggang dulo?

"Answer me now!"

Bumalik ako sa wisyo nang sumigaw si Sir Craig at pumihit paharap sa akin. Nanlilisik ngayon ang kaniyang mga mata na ibang-iba kanina lang.

"C-craig, alam mong isinumpa ko na paglilingkuran ko ang pamilya niyo bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang ibinigay niyo sa amin."

"That is not the answer I am looking for. Say that you belong to me and no one else."

"C-craig..."

Para akong mapuputulan ng hininga dahil natatakot ako sa ikinikilos ni Sir Craig.

"Don't make me repeat Ken or else something's not right is gonna happen..."

"O-oo Sir Craig. Sa'yo lang ako...pangako."

Ito na siguro ang senyales na mayroon nang namamagitan sa amin ni Sir Craig. Wala na 'tong atrasan.

To be continued...

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon