Beautiful peoplee!!! Pasensya na for the long-long ud🥲 Sana buhay pa kayo, jk HAHAHAHA Enjoy reading!❤️❤️
_
Oo. Aaminin ko na. Hindi ako makahinga!
Totoo ba 'to? O scripted lang? Nanaginip ba 'ko?
Kung panaginip man ito, wala sanang istorbong nilalang ang gigimbala sa mapayapa kong pagkakahimlay.
Ito na kasi 'yon. 'Yung pinakahinihintay ko. 'Yung malaman kong hindi lang ako ang may gusto sa kaniya. Dati pang pinagdedebatihan ng utak ko kung may gusto ba ako o wala. At sa haba ng panahong 'yon, napagtanto kong nilalason ko lang pala ang sarili ko na hindi pwedeng maging kami dahil sa tawag ng trabaho at sa kung ano ang sasabihin ng iba.
Pero sandali Ken, huminga ka kahit hindi ka na makahinga nang maayos. Bakla ka man at may lalaking gwapo, mayaman, at may mala-modelong katawan ang nag-confess sa iyong harapan, kailangan mong kumalma. Huwag kang magpandalos at dapat mag-maria makiling ka muna.
Tumikhim ako at pilit nilalabanan ang siling nagpapapula sa aking mukha.
"Kinikilig ako--este anong sabi mo? Sir Craig, joke-joke ba 'to? It's a prank? Siguro nag-setup kayo rito ng camera para mahulog ako sa patibong niyo. Siguro--" huminto sa pagdaldal ang aking bibig nang siya'y lumapit sa akin at ipinalasap ang bagay na hindi ko pa nararanasan.
Tsup!
Awtomatikong tumikom ang aking bibig at lahat ng mga iniisip ko ay biglang nawala.
"Kung alam ko lang na halik ko pala ang magpapatikom sa bibig mo, edi sana dati ko pang ginawa. Now I know," tumango-tango ito habang nakatingin sa kawalan, na tila may nadiskubreng bagong kaalaman.
Hindi ko magawang mag-react dahil parang kinando ni Sir Craig ang labi ko gamit ang halik niya. Para akong nilasing at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
"Oh? Ba't hindi ka makapagsalita? Dikit-labi pa lang 'yun pero mukhang apektado ka na? Paano pa kaya kung iparanas ko sa'yo 'yung totoong halik?"
Bago pa 'ko bumigay sa mapang-akit niyang salita ay kaagad ko siyang tinulak papalayo.
"Sir Craig, lumayo ka! Huwag mong lasunin ang utak ko! Ayokong umasa na pagdating ng panahon, makakayanan mo pa ring sabihin 'yan sa harap ko. Oo, ang saya ko ngayon kasi nalaman kong may gusto ka rin sa 'kin. Pero, pero ayokong dumating sa punto na 'yung nararamdaman natin ay makaapekto sa trabaho mo at sa relasyon niyo ng tatay mo. Ayokong mangyari 'yon."
Muli siyang lumapit sa akin at ginawaran ng isang mahigpit na yakap. Doon ay tuluyang tumulo ang aking luha dahil sa nag-uumapaw kong emosyon.
"Hindi pa nga tayo nagsisimula, ginatungan mo na agad ng mga problema. Of course, I will not let it happen. Sisiguraduhin kong magtatagal 'tong relasyon natin kasi I'm Elvis Craig Pendleton, remember?" Kumalas ito ng pagyakap sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Pinagdikit niya aming noo at marahan nitong ikinikiskis ang ilong.
"From the very start, alam kong ikaw na. You're not just the one who triggered my obsession, but also remember that you're also the one who brings light to my heart.
Hindi 'to biro, Ken. Kasi para sa 'kin, sa mundong puno ng pero, ikaw lang ang sigurado."
To be continued...
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Historia CortaObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...