Chapter twenty six

1.2K 61 9
                                    

Malalaking hakbang ang iginawad ni Sir Craig dahilan upang siya’y mabilis na makalapit sa amin. Ang mga mata niya’y nagliliyab sa galit na parang handang pumaslang ng tao.  Marahas niya akong hinawakan sa braso at ilan pa sa mga kuko nito ay bumaon sa aking balat. Ang kaniyang pagkadominante ay nilukob na ang buo niyang katauhan na tila nag-ibang anyo.

Muli akong nahintakutan nang itulak ni Sir Craig si Salome na may malakas na pwersa. Tumilapon si Salome sa lupa na nagtamo ng mga sugat at gasgas sa braso’t binti. Naawa ako sa kalagayan niya dahil kitang-kita sa kaniyang mukha ang sakit na dinaranas. Hindi ito magkandamayaw kung anong parte ng katawan ang hahawakan dahil halos lahat ng ito ay may sugat.

“Sir Craig, tama na! Walang ginawang masama si Salome! Mali ‘yung iniisip mo!” buong pwersa kong pinigilan ang nagngingitngit na katauhan ni Sir Craig sa pamamagitan ng pagyakap nang mahigpit. Para akong nagpapaamo ng tigre na may dalang panganib sa mga bisig niya.

Pilit niya akong kinakalas sa pagkakayakap ngunit nagmatigas ako. “How can I suppose to trust you?! I saw it with my two eyes! That dick is hitting on you!  Sandali lang akong nawala, nakikipaglandian ka na agad sa lalaking ‘yan?!”

Taas-baba ang kaniyang paghinga at parang hingal na hingal habang siya’y sumisigaw sa akin. Para siyang bombang sira na gustong sumabog pero ako ang kableng handang pumigil.

“Magtiwala ka, mali ang iniisip mo. Huminahon ka, Sir Craig.” Ilang sandali ay mukhang tumalab ang pag-aamo ko rito pero nandoon pa rin ang masamang tingin sa mukha. Kung hindi ko lang ‘to boss, baka nakurot ko na ang pisnge nito sa sobrang ka-cutan.

Sa mga pagkakataong ito, may parte sa isipan kong para siyang nag-aasal bata na kailangan ang kalinga ng ina. Kung dati'y mabilis akong mapraning kapag sinusumpong siya, ngayon ay parang iba na ang dating nito sa akin.

“But—”

“Oo, alam ko. Ipapaliwanag ko mamaya…LAHAT-LAHAT. Pumasok na kayo sa loob at magbihis. Susunod ako.”

“Why later? Go with me now!” akma niya akong isasama pero sinabayan ko na ito ng iling. Nilandas ko ang aking kamay sa gulong ginawa niya at higit pa doon, nakasakit siya ng empleyado. Imbes na utusan siyang humingi ng sorry kay Salome, ako na lamang ang gagawa niyon dahil tiyak hindi niya iyon gagawin. Mas matayog pa yata ang pride niya sa bundok sa sobrang taas.

“I’ll give you ten minutes. If you don’t come into my room, I’ll lock you up for the rest of your life!” nakabusangot nitong bulyaw bago naglakad papasok sa mansyon.

“Ay, grabe siya oh?” mahina kong sambit bago dinaluhan sa pagtayo ni Salome.

“Umupo ka lang diyan, kukunin ko lang ang medicine kit.”

“Hindi na kailangan, Ken. Puntahan muna si Sir Elvis, baka ikaw pa ang pagbuntunan ng galit ‘pag hindi ka kaagad nakabalik.” Pagtanggi pa nito kahit siya ang napuruhan.

“Paano kita iiwanan sa ganiyang kalagayan? Tatawagin ko na lang si Mang Bert.” Umupo ako sa kaniyang tabihan at inespeksiyon ang katawan. Napabuntong hininga na lamang ako at malungkot siyang tinitigan.

“Pasensya na Salome sa inasal ni Sir Craig. Hindi ko talaga matantiya kung kailan siya susumpungin ng sakit niya. Nang dahil sa ‘kin kaya ka nagkaganiyan. Sorry talaga.” Pinilit niyang ngumiti at umiling sa akin.

“Hindi kita sinisisi, Ken. Sadyang naaktuhan lang tayo sa ganoong posisyon. Pero napansin ko lang, bakit parang apektado si Sir Elvis nung nakita niya tayong magkalapit? Parang akala mo, boyfriend ka niya.”

Hay. Kahit ako rin, Salome. Para na akong masisiraan ng bait kung lalagyan ko ba ng malisya ang pagiging madikit at possessive ng boss ko. Eh ano pa nga ba? Hindi ko dapat abusuhin o bigyan ng meaning ang kalagayan niya. Alam kong mali ang iniisip niya. Dahil miski ako, hindi ko rin alam ang kasagutan.

“N-naku, hindi ganoon. Ano pa ba’t ako ang kinuhang caregiver ng mga Pendleton kung wala akong kakayahang pagalingin siya?”

“Sa bagay,” tugon naman nito bago nanahimik nang ilang sandali.

“Nakita naman siguro natin ang inasal ni Sir Craig kanina. Siguro, mas magandang lumayo muna tayo sa isa’t isa kapag nakaharap siya. Hindi ko sinasabing layuan mo ‘ko o layuan kita, pwede pa rin naman tayong mag-usap pero huwag lang kaharap si Sir Craig.” Suhestiyon ko rito dahil iyon na lamang ang nakikita kong magandang paraan para hindi maulit ang nangyaring insidente. Baka ‘pag nagkaroon pa ng kasunod, mas malala ang abutin namin sa kaniya.

“Grabe naman ‘yon, Ken. Ang lakas maka-secret boyfriend. Ikinakahiya mo ba ‘ko?”

“Loko-loko!” tinapik ko ang kaniyang braso at nakalimutang may sugat pala siya doon. Napa-aray siya kaya humingi ako ng paumanhin.

“Huwag ka kasing magbiro. Ayan tuloy, nasasaktan ka ng ‘di oras. O siya, tatawagin ko na ‘yung tatay mo. Magpagaling ka.”

Nagpasalamat sa akin si Salome bago ko siya iwanang mag-isa sa bakuran. Mukhang mahaba pa ang araw ko dahil kailangan ko pang magpaliwanag sa mala-tigre kong amo.

_

Pasensya na't natagalan sa ud huehue. Pero beautiful people, THANK YOU sa 10.7k reads!!!!!!!! Grabbeee ang bungad sa akin🙏🙏🤩🤩 Masaya akong papasok sa school bukas!!!!

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon