Chapter thirteen

1.4K 81 1
                                    

Happy 1k reads!!!! Salamat sa inyong suporta huhu. Grabe yornnnn🤩🤩❤️❤️
Sorry for the late ud huehue. Enjoy reading!!

_

Lumipas ang isang linggo ay ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Sir Craig. Sa bawat paglapit ko sa kaniya, siya naman itong lalayo na parang may malubha akong sakit. Sa tuwing magre-report ng mga dadaluhang meeting, kung hindi tango ay tanging 'oo' at 'okay' lang ang magiging tugon. Tipid itong magsalita at hindi makuhang sumulyap o tumingin sa aking mukha.

Ilang araw ko na ring iniinda ang ganitong pakikitungo ni Sir Craig at sobrang nakakapanibago. Malayong-malayo sa dating palangiti at maya't mayang nagsasalita. Ngayon kasi ay pawang poker face na lang ang makikita mo sa kaniya at palaging seryoso sa trabaho.

"Ken, ayos ka lang ba? Kanina ka pang tulala." Tanong ni Troy nang magkasalubong kaming pumasok sa canteen.

"Ayos lang, Troy. Medyo pagod lang sa trabaho. Ang daming meeting na kailangang i-schedule kay Sir Craig. Ikaw, mukha ka na ring pagod." Ani ko sabay pigil na tumawa.

"Eh paano ba naman, ang daming intern ngayon. Isa pa, parating ngayon 'yung panganay na anak ni Mr. Pendleton. Aligagang-aligaga kaming nasa HR dept pati na 'yung ibang department head." Sambit nito bago sinubo ang pagkain. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"May panganay na anak 'yung president? Akala ko si Sir Craig lang 'yung anak niya?"

"Hindi mo pa ba alam? Sa bagay, bago ka pa lang naman dito pero oo, may panganay na anak si president. Siya dapat ang nasa posisyon ngayon ni Sir Craig pero dahil wala siyang interes sa business, pinagpatuloy niya 'yung pagiging psychiatrist. Ngayon ay nagtatrabaho siya sa sariling hospital ng mga Pendleton." Napatango na lang ako sa bagong natuklasan.

"Pero alam mo ba 'yung bali-balita ngayon?" Pabulong nitong sabi at inipod ang upuan papalapit sa akin.

"Ano?"

Nagpalinga-linga si Troy na parang nagmamanman sa paligid. Nang makuntento, maingat siyang lumapit at bumulong.

"Kaya raw nag-doktor 'yung panganay na anak ng presidente kasi raw ay may sakit sa tuktok si Sir Craig. Nahihiya raw ang mga Pendleton na ilapit sa ibang doktor 'yung anak nila. Natatakot sila na baka kumalat sa media na 'yung bunsong anak ng kilala at tanyag na pamilya, may sakit pala sa pag-iisip. Kaya 'yon, si Sir Craig 'yung nilagay sa posisyon para palabasing wala siyang sakit."

Hindi ko pa man lubos na nakikilala si Sir Craig, alam kong walang katotohanan ang kumakalat na chismis sa kompanya. Sa mga panahong kasama ko siya, wala akong nakitang mali o sintomas na mayroon siyang sakit.

Pero, hindi dapat ako makasiguro. Kung totoo man 'yung sabi-sabi, sarili ko mismo ang dapat makaalaman.

"Sige, Troy. Kita na lang ulit tayo mamaya. Patapos na rin kasi break ko."

Kumaway si Troy sa akin at ako'y pumasok na sa elevator. Pinikit ko ang aking mata para ihanda ang sarili sa muli na namang pang-iignora ng boss.

Pagkalabas ng elevator, malayo pa man ay rinig ko na ang kalabog at mga sigaw na nanggagaling sa dulong sulok na bahagi. Kaagad akong napatakbo at nakaramdam ng kaunting kaba dahil mukhang galit si Sir Craig.

"I told you, I fucking want him! How many times do I need to explain myself that he's my drug now?! But for fuck sake, he declined my offer! He declined! Hindi ko na alam 'yung gagawin ko kuya. I'm so devastated because I ignore him for a long time." Rinig kong bulyaw ni Craig sa mamang nakaputi sa harapan niya.

"Hey Craig, you need to calm down. Here, drink this," saad nito bago ibinigay ang isang capsule kay Craig at inabot ang basong tubig. Kaagad itong ininom ni Craig na nagpahinahon sa kaniya.

"Remember, you should not reveal this behavior to other people. I will do my best para mapapayag 'yung taong tinuturo mo na tumira sa mansion. But for now, act like a decent person. You understand?" Komando nitong tanong na nagpatango kay Sir Craig.

Isasara ko na sana ang pinto nang madanggi ko ang babasaging vase sa kaliwang bahagi ko. Nagsanhi ito ng malakas na ingay dahil nabasag ito.

Nanlaki ang aking mata nang madatnan ang dalawang lalaki na ngayon ay nakatingin sa aking pwesto.

Patay.




Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon