Grabe kayo!!! Pinapataba niyo ang puso ko!!! Happy 3k reads, beautiful people!! Mag-ud ulit ako kapag umabot ito ng 4k reads! Recognition Day kasi ngayon kaya medyo busy ang author niyo...ansabe?!
Anyways, happy reading everyone!!!
Also, drop your wattpad account in the comment section para may pa-libreng shout out at dedication kayo sa'kin!!! xoxo❤️❤️✊
_
Pinihit ko ang seradura para sundin ang utos ni Manang Josefina. Hindi ito naka-lock kaya maririnig mo ang unti-unting pag-ingit na tunog nito. Muli akong tumingin kay manang na may pagdadalawang isip sa ipinapagawa. "Sigurado po kayong hindi magagalit si Sir Craig?"
"Titingnan mo lang, hijo. Hindi ka naman gagalaw ng mga gamit niya." Pursigido nitong utos na parang may malaking rebelasyon ang magaganap kapag nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Muling minatahan ni manang ang pinto kaya binuksan ko na ito.
"Manang Josefina! Nandito na si Sir Craig kasama ang senyor!" Sigaw ng dalagitang kasambahay mula sa ibaba ng palapag. Hindi ko na nakuha pang tingnan ang loob ng kwarto at kaagad nilisan ang silid. Sinundan ko si manang pababa na animo'y nataranta sa narinig.
Muling nagsilinyahan ang mga kasambahay habang kami naman ni Carlo ay tumayo sa gilid. Kitang-kita sa napakalaking glass window ang pagdating ng itim na fortuner sa harapan ng mansion. Binuksan ng mamang nakauniporme ang pintuan ng sasakyan at isang matandang lalaki ang bumaba mula rito. Malayo pa lang ay biglang nangatog ang aking tuhod sa papalapit na senyor. Hindi ko mapigilang tingnan ang mukha nito na mababakasan ng pagkaseryoso, isama mo pa ang tungkod na hawak-hawak.
"Bakit bumisita ang senyor? Diyos ko, mahabagin, Manang Selma, ihanda mo na ang kusina. Paniguradong dito maghahapunan ang senyor." Utos ni Manang Josefina sa kapwa kasambahay habang nag-aabang sa mag-amang amo. Tanging pagnakaw lamang ng tingin ang ginagawa naming magkapatid sa aligagang nagsisikilusan na mga empleyado.
Hindi na ako nakapagtimpi pa't lumapit na sa mayordoma. "Manang, tutulong po ako sa paghahain ng makakain. Pakibantayan na lang po muna si Carlo. Mukhang biglaan po yata ang pagbisita ng s-senyor." Tensyonado kong alok dahil hindi ko pa talaga kayang makaharap sa personal o malapitan man ang presidente. Parang may iba itong dating sa akin na nagpasiklab ng takot sa aking katauhan.
"Mabuti pa nga. O siya, ako nang bahala sa kapatid mo. Daluhan mo na sila doon," untag nito bago kinuha sa aking pagkakahawak si Carlo. Sinabihan ko pa itong huwag maglikot at ako'y tutulong lang sa kusina.
Gumawing kanan ako sa paglalakad tulad ng instruksyon sa akin ni Manang Josefina. Mahaba ang pasilyo pero hindi naman mahirap sipatin ang bawat sulok ng bahay.
"O Ken, saan ka pupunta?" Nakita kong lumabas sa isang silid si Kuya Brent at ito'y nakasalubong ko.
"Tutulong ako kuya sa paghahanda ng pagkain. Kadarating lang ni Sir Craig pati ng ama mo. Naisipan kong tumulong para mapadali 'yung paghahain." Ngumiti ako kahit hindi iyon ang totoong dahilan. Sorry Kuya Brent, may phobia yata ako sa presidente.
"Nag-abala ka pa. But, that's a good idea. For the meantime, don't show up unless I call you. I have a plan."
"Tuloy pa ba 'yung surprise niyo kay Sir Craig? Kuya, 'wag na kaya? Atsaka, nandiyan ang presidente. Baka kung anong kalokohan ang gawin niyo." Wala talaga akong ideya kung anong surpresa ang tinutukoy ni Kuya Brent. Pero isa lang ang alam ko, ayokong madawit sa kung anong ikasasama sa paningin ng mga Pendleton.
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...